Visit engrmatt account for complete story.
Chapter 5
SA halip na mabawasan yung mga lumalapit kay Xander dahil sa pagpapanggap namin, lalo pa silang dumami. Ang dahilan nila, kung ako nga daw pinatulan, sila pa? Ang yayabang di ba? Talbog nalang sila sa beauty ko no.
Tulad ngayong kumakain kami sa canteen,
"Xander red rose oh, para sa'yo. This is a sign of my love." malanding sabi ng isang estudyante. Oo, malandi talaga! Nakita na ngang nasa harap ang girlfriend makikipagflirt pa? Bitter much ang drama ko. Eh papatalo ba naman ako?
"Miss hindi mo ba alam, allergic si Xander sa rose? Lumalabas yung tagyiwat niya kapag nakakakita siya niyan." mahinahon kong sabi.
"Ha? Hindi naman ako allergic dyan ah." bulong ni Xander.
"Sumakay ka nalang. Gusto mo bang aali-aligid sa'yo yung mga yan?"
Wihh! Kunwari concern ang lola niyo. Ako pa ba? Si Macqueen? Papakabog?
"Naku buti nalang ready ako. 'Eto oh, lavender. A symbol of my love and devotion." Aba, echoserang to. Girl scout ka ha, mas girl scout ako sa'yo no.
"Naku miss. Ayaw na ayaw din niyang nakakakita niyan. Naaalala niya yung lola niyang namatay. Naiiyak siya."
"Xander mag-iyak-iyakan ka dali!" bulong ko kay Xander.
"Waaahhh! Huhuhu..lola, bakit mo ko iniwan. Huhuhu. Parang kahapon lang ang lakas lakas mo pa. Huhuhu."
"Ayan miss kasalanan mo 'to! Xander tahan na." pagpapatahan ko kunwari.
"Eh ano ba kasi yung favorite flower niya?"
"Kampupot miss!"
"Ha? Bulaklak ba yon?"
"Oo daliaan mo. Umalis ka na at dalin mo na yung lavender mo na yan. May love and devotion eklabu ka pa dyang nalalaman. Kawawa naman si Xander oh."
"Waaahhh..huhuhu...lola bakit? Huhuhu."
Yay! Success! You're so bright talaga Macqueen! Umalis din ang bruha.
"Ikaw ha, dinadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo." si Xander.
"Nag-enjoy ka naman! Ang pangit mong umacting. Hayaan mo next time, tuturuan pa kita."
Aba teka, may lalapit nanaman oh. Inuubos ang pasensya ko ng mga to ah. Sige lang, akala niyo ba papakabog ako? Di oy.
"Xander para sa'yo. Ako mismo yung nagbake ng cake na yan."
Ang landi. Tingnan natin kung maging proud ka pang ikaw ang gumawa niyan sa gagawin ko.
"Wow babe, mukhang masarap ah. Pwedeng akin nalang?" Sabay hablot ko.
"Patikim ha?" Nakatingin silang lahat sakin.
"Pweh! pweh! Yuck, sobrang tamis. Puro asukal yata ang inilagay mo dito eh!"
"Xander wag mo na 'tong kainin. Magkaka-diabetes ka dito. Miss pwede ba, umalis ka na dito at dalin mo na yung walang kwenta mong cake. Pinagmalaki mo pa talagang ikaw ang nagbake ha."
Padabog na umalis ang malandi. Winner ka talaga Macqueen.
Siryosong nakatingin si Xander sakin. Galit ba siya sa ginawa ko? Parang matutunaw ako sa mga titig niya. Shit, ang gwapo talaga.
Nakipagtigtigan din ako sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin sakin na hindi niya masabi. Dinilaan niya yung upper lips niya. Gosh, napalunok ako.
"Sineseduce ba 'ko nito?" Kala mo papatalo 'ko ah. Dinilaan ko din ang side lips ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Kumunot ang noo niya. Dinilaan niya uli ang upper lips niya. Aba, talagang sinusubukan mo ko ah. Akala mo bibigay ako sa'yo? Chos!
Dinilaan ko din ang lower lips ko. Pero this time, with beautiful eyes pa.
Binato nya 'ko ng tissue.
"May icing ka sa upper lips mo, tanga!"
Gosh! Pahiya ang lola niyo. Bakit di mo kasi sinabi Xander my love? Kaloka ka, kala ko kung ano na.
"Anyway, prom night na next week ah." siryosong sabi ko kay Xander. Hoping na imbititahin niya 'ko para maging date.
"Oh, ano naman?" walang gana niyang sagot. Hala, walang interest?
"May date ka na?" muling tanong ko.
"Wala? Ikaw ba?"
"Meron na." pabibo kong sabi. Kala mo ah.
"Sino?" kunot-noong tanong niya.
"Secret." pacute kong sagot saka pinaikot ang eyeballs ko. Syempre wala no. Eh di pagtitiyagaan ko nanaman yung baklang si Eric pag nagkataon.
"Sino nga?" Sabay hampas niya ng kamay sa table. Hala, ba't nagagalit? Selos ba ito?
"Secret nga. Ipapakilala ko sa'yo sa prom."
Tumayo si Xander. Kinuha ang bag habang hindi maipinta ang mukha niya. Confirm! Selos si Xander my love.
Nagwalk-out siya. Akala mo susunod ako ah.
1 meter. Akala mo pipigilan kita? Hindi oy.
2 meters. Pupusta 'kong babalik yan!
3 meters. Hindi ako susunod no.
Nakalabas siya ng canteen. Putcha, iniwan na 'ko ni Xander! Kaloka ah. Susunod na sana 'ko nang biglang pumasok si Xander. May dalang bulaklak. Nakasimangot pa rin. Nagslow motion ang lahat. Pinigilan ko ang tawa 'ko. Kinilig ang lola nyo. Para sakin ba yon? Grabe 1 million pogi points yan Xander!
"You will be my date. Susunduin kita sa inyo at 7 pm." sabi ni Xander sabay alis.
"Oh teka, yung bulaklak ko?"
"Ibibigay ko sana 'to kung wala ka pang date. Kaso di ba sabi mo may date ka na? Makukuha mo 'to kapag sinundo kita sa prom night."
Ngek, edi lanta na yan no? Di bale at least may date na 'ko sa prom. Yay!