by: EngrMattNagkaklase kami nang biglang pumasok si Xander sa room na galit na galit.
"Sa lahat ng ayoko ay yung pinapakialam yung underwear ko! Alam mo bang regalo pa sakin yon ng lola 'ko?"
Nakita kong nagbubulungan yung mga kaklase ko. Nanginginig na 'ko dahil sa takot kay Xander.
"Sorry na Xander. Nagawa ko lang naman yon dahil mahal kita eh."
"Mahal? Yun na ba ang kahulugan ng pagmamahal ngayon? Ang nakawin ang pangloob ng mahal mo? Kung hiningi mo baka ibinigay ko pa sa'yo eh. Kaso ninakaw mo!"
Pinagtatawanan na 'ko ng lahat pati na din ni Ma'am. Naluluha na 'ko dahil sa hiya. Ang tanga 'ko talaga.huhu Dapat pala hiningi ko nalang.
"Sorry na Xander. Pangako hindi na mauulit.huhuhu"
"No Macqueen. Sinira mo ang tiwala ko. Simula sa araw na 'to, break na tayo!"
"Wag Xander, wag mo kong iwaaaaaaaaaaaaan!"
Nagising akong hinihingal at pawisan. Grabe, panaginip lang pala. Nakatulog pala 'kong yakap yung underwear ni Xander my love.hahaha
-----
Kasalukuyan kaming nasa basketball practice nila Xander ngayon."Macqueen nung naglinis ka ba nung kwarto ko may naitapon ka? May nawawala kasi sakin eh?"
Oh no! Baka alam na niyang kinuha ko yung underwear niya. Yay..
"Wala naman BABE." Weh..babe talaga no. Nasa school kaya kami kaya feel na feel ko ang pagsabi ng babe.hahaha Taas kilay naman yung mga babae dun sa sulok ko.haha Inggit lang sila no.haha
"Bakit babe, ano bang kulay ang nawawala sa'yo?"
Sige Xander, sabihin mong pink na boxer mo ang nawawala. Sige, sabihin mo.hahaha Ano, hindi mo masabi no, kasi pink?hahaha
"Ah, basta nalimutan ko na eh."
Weh? Nalimutan o ayaw mong sabihin na pink? Echosero ka rin my love eh.hahaha
"Eh ano ba kasi yung burda non?"
Ahaha.. Sige Xander, sabihin mong Mickey Mouse ang burda non! Sabihin mo, kundi tatawanan talaga kita.hahaha
"Burda?" Takang tanong ni Xander.
"Oo, yung burdang Mickey Mouse ba Xander?"
"Ha? Ano ba yung sinasabi mo? Yung libro ko sa Physics ang sinasabi ko. Hindi ko kasi makita eh."
Ahahah Oh my g! Muntik na kong madulas.hahaha Libro lang pala di mo sinabi agad. Gosh!
"Oh, babe, tawag na kayo ng coach mo oh. Magstart na daw ang game!"
"Oo nga no, wala bang pampaswerte dyan?" Tanong ni Xander.
"Ha? Anong pampaswerte?"
"Kiss." Sabay pout niya ng lips. Waaaaah. Kaloka, ang cute!hahaha
"Kiss ka dyan, eto, kamao gusto mo?" Ahaha joke lang Xander my love. Kahit ilang kiss pa yan no. Go lang! Ako pa ba?
"Naks, ang sweet nyo naman! Baka matalo na 'ko kay Xander sa pustahan nyan!" Nakangiting sabi ni Jeff na teammate ni Xander.
"Pustahan?"
"Ah, oo may, pustahan kasi kami ngayon eh.haha Sige, maiwan muna kita." Sabi ni Xander sabay kiss sa pisngi ko.
OMG! Shock ang lola niyo! Ikaw Xander ha. Porke alam mong crush kita ninanakawan mo na 'ko ng halik ah. Mapagsamantala ka.haha kilig much.
"Eeeeeww. Ano kaya ang pinakain ng babae na yan kay Xander?" Parinig ni Sherly kasama ang mga alalay niya.
"Baka naman ginayuma.hahaha"
"Ang kapal ng mukhang dumikit kay Papa Xander, nagmumukha tuloy alalay."
"Oo nga, tingnan mo naman yung nguso, parang sa bangus.hahaha"
Sige pa, magparinig lang kayo. Sanay na 'ko dyan no. Tingnan ko lang kung hindi kayo maingggit sa gagawin ko mamaya pagbalik ng babe ko.hahaha
Pagkatapos ng game:"Yay, ang galing galing talaga ng babe ko." Sabay yakap ko kay Xander. Yayks, kitang kita ko ang inggit sa mata ng mga loka.haha
"Kawawa naman ang mahal 'ko, napagod ka na nga sa GINAWA NATIN KAGABI, napagod ka pa ngayon." Hahaha. Nilakasan ko talaga ang pagkasabi para marinig nila Sherly.
"Huy. Kung anu-ano'y sinasabi mo. Ano ba yung ginawa natin? Payakap-yakap ka pa dyan." Mahinang sabi ni Xander.
"Eh di nagshopping. Tumahimik ka na nga lang dyan! Sumakay ka nalang." Bulong ko sa kanya.
"Naku, kawawa ka naman babe, basang basa ka na ng pawis oh. Teka pupunasan ko."
Iniangat ko yung jersey niya at pinunasan ang likod niya. Shocks, kilig much.hahaha Pinakita ko talaga kila Sherly ang katawan ni Xander my love.hahaha
"Grabe babe, ang bango mo pa rin kahit pinagpapawisan ka, amoy baby!" Hahaha. Sige, mainggit lang kayo.hahaha Sinunod kong punasan ang dibdib nya.hihi Para-paraan lang yan no.hahaha
"Wow, ang sweet naman ng love birds.hahaha" Kantyaw ng teammates ni Xander.
Ahaha kilig ang lola niyo. Pero infairness ang bango talaga. Grabe, nakakaadik.haha Lalo ko pang pinagbuti ang pagpupunas sa katawan niya. Shit ang tigas ng muscles.hikhik
"Oh babe, basa na rin ng pawis yung shorts mo oh. Gusto mo punasan ko na rin?" Ahaha.kilig much.
"Macqueen, ano bang nagyayari sa'yo? Nakakahiya oh." Bulong ni Xander.
"Ngayon ka pa ba mahihiya pagkatapos ng NANGYARI SATIN KAGABI?"
Oh shocks. Napalakas yung boses ko. Nakatingin silang lahat sa'kin ngayon. Nagtago ako sa likod ni Xander. Itinakip ko yung bimpo nya sa mukha ko. Grabe ang bango.hihi
"Ano, magdadrama ka pa?hahaha" Bulong ni Xander. Hiyang-hiya ang lola niyo. Baka akalain nila totoo yon.huhu Bruha kasing Sherly yan. Hinahamon ako lagi.huhu
tbc