Chapter One

3.7K 59 2
                                        


KASALUKUYAN akong nagtatago sa CR ng locker room ng basketball varsities dahil may ilalagay sana 'ko sa locker ni Xander nang bigla silang dumating.

"P're kilala mo na ba kung sino yung naglalagay ng love letter sa locker mo?" dinig kong tanong ng teammate ni Xander.

"Hindi nga p're eh. Nakikipagmeet nga ako parang ayaw naman."

"Baka naman pangit." tawanan ng mga kasama niya.

"Hindi naman siguro, ang sweet kaya ng messages n'ya. I think she's beautiful as her writings."

Wahh. Gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko para umamin. Ako yon Xander my love. That's me, only me, Macqueen. Lalabas na sana 'ko nang muling magsalita si Xander.

"Pero seriously pare, pag nalaman kong pangit 'yon uupakan ko talaga 'yon."

Wahhh, nasamid ako sa narinig ko. Buti nalang nakapagtago ako. Ang yabang talaga. Kung di lang kita crush naku. Masama bang maging chaka?

"Oh sige p're, mauna na 'kami sa'yo." paalam ng teammates nya.

"Sige p're, magsha-shower muna 'ko." OMG, magshashower si Xander? WaAhhh. Ang linis talaga ng my love ko. Pero teka, maliligo siya? So ibig sabihin, pupunta siya sa banyo? Eh nasaan ba 'ko? Oh no, ano na'ng gagawin ko?

Ayun, may drum. Buti nalang malaki ang banyo at di niya ko mapapansin. Naririnig ko na ang yabag ng paa nya. Dali-dali akong nagtago. Palapit na si Xander. Shocking, nakatuwalya lang siya.

Pinilit kong magtago. Pumikit ako para di ko siya makita. Bumukas ang shower. Naliligo na siya. Wahhh. Pinigilan ko ang sarili kong wag dumilat. Nirecite ko ang Ave Maria ng tatlong beses. Ay hindi, limang beses. Gusto kong sumilip. One time lang. Ave Maria napupuno ka ng gracia. Pinigilan ko ang sarili kong wag sumilip. Oh my, 1... 2... 3...

"Aaaaahhhh!" sigaw ko dahil sa nakita ko.

"Impakta!" sigaw naman ni Xander.

Dali-dali akong tumakbo palayo. Hinabol ako ni Xander habang basang-basa at nakabalot lang siya ng tuwalya. Nakalabas na 'ko ng locker room nang mahuli niya 'ko.

"Owmaygash, rapist! Tulungan niyo 'ko please." sigaw 'ko para bitiwan niya 'ko. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak niya. Hinablot kong pababa ang tuwalya niya kaya nakatakas ako.

Kinikilig pa rin ako habang nasa daan pauwi. Hindi naman ito nakaligtas sa pansin ng mga kasama ko sa school service.

"Macqueen mukhang blooming ka ha. Lalo ka tuloy gumaganda." sabi ng isa saka nagtawanan sila. Echosera. Kung di ko pa alam, kabaligtaran lang ang sinasabi nila.

"I know, right." pahumble kong sabi. Humble pa yan 'no. Binababa nila 'ko, so dapat itaas ko ang sarili 'ko. Ang problema ko ngayon ay kung paano ko haharapin si Xander.

GRABE, sikat na sikat ako sa school kinabukasan. Pagpasok ko palang ng gate alam na alam ko ng ako ang pinag-uusapan. Yung tipong nakatingin sila sa'yo tapos bulong ng bulong sa kausap. Hay Macqueen Dela Rosa, ano ba 'tong ginawa mo?

Pagpasok ko ng room nagkumpulan na sa'kin ang mga kaklase ko.

"Hoy Macqueen totoo ba yung balita? Nakita mo daw?" si Sherly. Ang epal talaga ng babaeng 'to, nakakasura.

"Ha? Ang alin?" maang ko.

"Si Xander na naliligo. Sinilipan mo daw. Balitang balita sa campus oh. Infairness ha, magaling kang pipili ng bobosohan." tumatawang sabi nito.

"Huh? hindi ah." Kutusan kaya kita dyan, one time lang.

"Nako ha, eh ano'ng ginagawa mo sa CR, aber?" nang-aasar na tanong ng isa ko pang kaklase.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon