Chapter Six

2.1K 34 12
                                    


by: EngrMatt

Prom Night

LAGPAS isang oras na pero wala pa rin si Xander. Sobrang excited ko nung gabing 'yon kaya ako na ang pumunta sa kanila. Sinalubong nanaman

"Ma'am nakaalis na po kanina pa."

Hala baka nagkasalisi kami. Dumiretso na 'ko sa hotel na pagdarausan ng prom. Napakabongga ng ambiance. Feel na feel ko ang valentines. Hinanap ko agad si Xander pero wala talaga siya.

"Jeff nakita mo si Xander?" tanong ko sa teammate ni Xander na nakaupo sa isang table kasama yung iba pa.

"Ah hindi ba niya nasabi sa'yo? Malelate daw siya. Nagpuntang airport. Sinundo yung girlfriend niya. Yung TUNAY NIYANG GIRLFRIEND!" sarkastikong sagot nito.

Tunay niyang girlfriend? May girlfriend na si Xander?

"Oh sige, salamat ha. Enjoy the night guys."

Nakuha ko pa ring ngumiti sa kabila ng narinig ko.

"Grabe yung babaeng yun no? Habol ng habol kay Xander. Akala ba nya magkakagusto talaga sa kaniya si Xander? Hindi yata marunong manalamin yan eh." Si Jeff.

"Oo nga pare, hindi niya alam ginagawa lang siyang alalay non!"

"Naku pare pag nakita niya yung girlfriend non, nganga yung babae na yan. Pare nung pinakita ni Xander yung picture, ang puti ng balat. At yung katawan, panalo! Napakasexy!"

Halos manliit ako sa narinig ko. Balewala lang naman sa'kin kung laitin nila 'ko eh. Sanay na 'ko don. Pero ang masakit sa lahat ay ang nalaman kong ginawa lang pala akong tau-tauhan ni Xander. At ang isa pang mas masakit, may girlfriend na si Xander na di hamak na mas maganda sa'kin. Ang saya di ba?

Gusto ko ng umiyak nung may oras na yon pero pinigilan ko. Mas madali palang umiyak kaysa pigilan ito. Dahil ano mang oras, pwedeng sumabog nalang basta-basta yung galit na nararamdaman mo.

"Pano na nga pala yung pustahan niyo ni Xander?"

"Hindi pa daw siya nakaka-score eh. Plano daw niya ngayong gabi. Matatalo nga yata ako pare."

"Ang tanga mo naman kasi pare. Sa gwapo ba naman ni Xander kahit sino bibigay don no."

Napaupo ako sa isang sulok at nag-isip. Maka-score? Anong tingin niya sakin, baboy? At bakit may pustahan?

Lahat ginawa ko para kay Xander para mapansin niya 'ko. Nagmukha akong tanga dahil sa paglilinis ng kwarto niya. Nagmukha akong alalay nung nagshopping siya at nagmukhang desperada sa bawat basketball game niya. Hindi ko alam na talikuran na pala 'kong pinagtatawanan niya at ng teammates niya.

Lahat naman yon kaya kong tiisin pero napakasakit palang malaman na pinaglaruan lang pala niya 'ko. Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko. Wala na 'kong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao.

Nasa ganon akong sitwasyon nang pumasok ng hall si Xander. Nakumpirma kong totoo ang sinabi ng teammates niya nang makita kong nakaakbay siya sa kasama niya. Isang babaeng maganda, class at alam mong sisiryosohin ng sinumang lalaki.

Kumaway si Xander sakin nung makita niya 'ko. Pero tiningnan ko lang siya ng masama. Ano yon? Para ipamukha niya sa'kin na talunan ako?

Hindi ko na nakayanan pa kaya nagpunta 'ko ng banyo. Sa isang cubicle, malaya akong umiyak at ilabas lahat ng galit ko. Wala na 'kong pakialam kung marinig man nila ang pag-iyak ko.

Naririnig ko pa ang tawanan ng mga nasa banyo habang umiiyak ako. Nasa ganon akong sitwasyon nang may magbuhos ng tubig sakin. Maiitim na tubig na alam kong pinaghugasan ng mop.

Lumabas ako ng banyo na ganoon ang itsura ko.

"Loser! Loser! Loser!" kantiyaw nina Sherly kasama ang mga kaibigan niya. Lumakad ako sa hall na pinagtitinginan ako ng mga tao. Huminto ako sa tapat nila Xander. Hinintay kong lapitan niya 'ko at magpaliwanag. Pero hindi siya lumapit.

Nagtatakbo 'kong palabas ng hotel. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng mga paa 'ko. Basta ang gusto ko lang ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman 'ko. Kasabay ng pagdaloy ng luha ko ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati ang langit sa sakit na aking nararamdaman.

Ramdam ko ang pagkahapo sa aking katawan dahil sa pag-iyak. Bago ako bumagsak at tuluyang mawalan ng malay, isang imahe ng lalaki ang nakita kong sumalo sa akin.

Nagising nalang akong nakahiga sa isang kwarto. Kahit madilim, alam kong kwarto ito ni Xander.

Lumapit siya sakin at tumitig sa mga mata ko. Mga tingin na parang kinakabisado ang bawat parte ng mukha 'ko. Matagal siya sa ganong posisyon ng bigla niya 'kong halikan sa labi pero nanatili akong tulala at wala sa sarili. Wala akong maramdamang pagmamahal. Purong pagkamuhi lang ang naramdaman ko sa bawat dampi ng kanyang labi.

Tuloy ang pagdaloy ng mga luha 'ko sa bawat haplos niya. Tinanggal niya yung mga damit ko pero tanging magparaya ang aking nagawa.

"Ito naman ang gusto mo di ba? Ang may mangyari satin para manalo ka sa pustahan? Akala ko pa naman totoo yung pinapakita mong kasweetan. Yun pala purong pagpapanggap lang." sa isip ko.

Nanatili akong parang estatwa sa ginagawa ni Xander. Tanging pagluha nalang ang aking nagawa. Siya ang unang nagparanas sakin nito pero nanatili akong manhid sa lahat ng nangyayari. Mas masakit pa yung iniwan niyang sugat sa puso at isip ko.

"Tandaan mo Xander. Makuha mo man ngayon ang dangal at dignidad ko, sinusumpa 'kong ipaparamdam ko rin sa'yo ang sakit na ibinigay mo."

'Yon ang huling araw na nagkasama kami ni Xander. Alam kong magiging issue ito sa school pero wala na 'kong pakialam. Halos isumpa ko ang high school days ko dala ng mga nangyari. Walang araw na hindi ako malungkot. Salamat kay Eric na siyang naging mabuting kaibigan ko nung mga panahon na 'yon.

Lumipad ako papuntang Canada pagkatapos ng graduation para doon mag-aral. At doon ko nakilala si Nathan. Ang lalaking tumulong sakin para muling tumawa, lumaban at baguhin ang dati kong pagkatao.

Hindi naman nagbago ang itsura ng dating Macqueen. Natuto lang akong mag-ayos at ilabas ang natatago kong ganda na tanging si Nathan lang ang nakakita.

TBC

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon