Visit engrmatt account for completed story
Chapter 7
Her Sweet Revenge
Pinaghandaan ko ng bonggang bongga ang araw na 'to. Ang reunion ng aming high school batch.
Pagpasok ko pa lang ng lobby ng hotel nakuha ko na ang atensyon ng lahat. Sino ba ang mag-aakala na si Macqueen Salas Dela Rosa, dating binansagang campus loser ay may kakayahan ng akitin ang sinumang lalaking gustuhin nya ngayon?
Sinadya ko talagang magpahuli para maka-agaw eksena. Pagbukas ko palang ng pinto, nagtinginan na ang lahat sa'kin. Suot ang napakaelegante kong pink dress, diretso kong pumasok at lumakad sa red carpet. Dinig ko ang bulungan ng marami. Siguradong mangha sila sa kagandahan ko.
Pero teka, parang di pamilyar yung mga tao dito. Bakit may nakapangkasal?
"Oh shocks, mali ang pinasukan kong hall."
Dali-dali akong lumabas na tinatakpan ang mukha dahil sa hiya. Lumapit ako sa isang staff ng hotel para magtanong.
"Hi, may I know where to find the banquet hall for a class reunion of Nutella High?" mayumi kong tanong saka binigyan ito ng pagkatamis-tamis na ngiti.
"Y-yes ma'am. Let me accompany you to the place." nabubulol na sabi nito. Iba na talaga ang karisma ko.
This is it. Huminga 'ko ng malalim at pumasok sa hall. Pagpasok ko palang nakita ko na ang mukha ni Sherly, ang kontrabida sa buhay ko nung high school. Nakumpirma kong nasa impyerno na nga ako. I mean, nasa reunion na nga ako. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko ang insecurity sa mukha niya.
Inirapan ko siya. Lumakad ako sa red carpet na parang model. Lahat ng mata sa akin nakatingin. Lakad ako ng lakad na kunwari ay may hinahanap pero ang gusto ko lang talaga ay magpapansin. Kaiikot ko'y may nakabangga ako at nabuwal sa bisig ng isang makisig na lalaki.
"Ikaw?" bulalas ko sa kanya. Ang laki nang pinagbago ng mukha niya.
"You know me?" sabi nya ng may malambing at mababang boses habang nakatitig sa mga mata 'ko. Oo nga pala. Hindi na niya 'ko nakilala dahil sa laki ng pinagbago ko. Mula sa isang manang na nilalait ng marami ay nagtransform bilang isang dyosa.
"Ah no, sorry. I do not know you." pakunwari ko. Gosh, sino ba naman ako para makalimutan ang mokong na 'to. Ang campus crush/campus idol/varsity of the year noon. Sobrang yabang nga lang at hindi ko rin malilimutan na siya rin ang dahilan kung bakit ako nagbago ng ganito.
"By the way, I'm Alexander Guevarra." paglalahad n'ya ng kamay niya. Sa halip na kunin ay tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa CR. Grabe, hindi ko nakaya ang pressure. Shocks, ang hot pa rin nya. Ay hindi, erase erase. Lalo pa siyang naging hot. Wahhhh!
"Macqueen, hindi pwede 'to. Hindi ka na pwedeng mainlove muli sa kanya!" sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Bigla namang pasok ng dalawang babaeng kilalang kilala ko, ang mga alipores ni Sherly!
"Girl palagay mo darating kaya yung loser?" pasimula ng isa habang naglalagay ng lipstick sa makapal niyang labi.
"Ha? Sinong loser?" tanong naman ng isa habang panay pagpiga sa malapad niyang ilong.
"Sino pa, eh di yung manang na nainlove sa campus hearthrob!" umiirap na sabi nito sa kasama.
"Ano na kaya ang itsura no'n ngayon no? Siguro,"
"PANGIT PA RIN." sabay na sabi ng dalawa habang tumatawa. Halos magpantig naman ang tenga ko sa narinig ko. Sinasabi ko na, hindi nila ko makikilala. Given na sinasabi nila yon, habang katabi ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/127437468-288-k520055.jpg)