Chapter Three

2.4K 23 2
                                    

"Oh my! Si Xander nagsusuot ng pink na boxers? Tapos may burda pa ni Mickey Mouse?" kinikilig kong sabi sa sarili. Kung anu-anong kalokohan tuloy ang pumasok sa isip ko.

"Ano kaya ang itsura niya kapag suot niya 'to? Waaahh! Nakakaloka ka talaga Macqueen, ang galing ng imagination mo!" Nasa gano'n akong pag-iisip nang bumukas muli ang pinto ng banyo.

"Macqueen paabot nga ng tuwalya dyan sa cabinet. Iabot mo lang ha, 'wag kang sisilip kundi lagot ka sa'kin!" sabi ni Xander habang nakasilip sa pinto ng banyo.

"'Eto naman oh. Asa ka namang sisilipan kita. Eeew!" maarte kong sabi habang hinahanap ang tuwalya.

"Kunwari ka pa dyan eh ginawa mo na nga no'n. Sa school pa!"

"Hoy hindi ah! Feeling mo naman, gwapo ka para silipan kita?"

"Bakit hindi ba?"

"Hindi ah." walang gana kong sabi habang nakatakip ang mata kong inaabot ang tuwalya kay Xander

"Naku, kunwari ka pa. Ang hot ko kaya!" pagmamayabang pa niya sabay pagsara ng pinto.

Buti nalang di nya nakitang hawak ko yung boxer nya. Ano kaya ang gagawin ko dito? Tila may biglang umilaw na bumbilya sa utak ko.

Dali-dali ko 'tong inilagay sa bag ko. Souvenir din to no, este pangblackmail pagnagkataon. Chos! Hindi naman niya siguro mahahalatang nawawala 'yon no.

NAKAHIGA ako sa kama ng lumabas ng banyo si Xander. Oh my goodness! Bumilis ang pintig ng puso 'ko. Ang hot ng hinayupak. Si Xander nakatuwalya lang, basang basa pa galing sa banyo. Waaahhh. Nauubusan na 'ko ng lakas. Gusto kong himatayin!

Yung biceps at triceps niya, ang laki. Yung dibdib nya, malaman. Yung tiyan nya, walang abs pero makinis at masarap tingnan. At yung tuwalya, tuwalya? OMG. Ba't ba ko don nakatingin. Waaahh!

"Anong tinitingin mo dyan? Doon ka na nga sa labas magbibihis pa ako." sabi ni Xander habang nakangisi.

"O-oo na, aalis na nga oh."

Dali-dali akong lumabas. Nakakahiya, nakita kaya niya 'kong nakatingin don? Kaloka ka talaga Macqueen!

Oh shocks, yung bag ko nasa loob. Bumalik ako at binuksan ang door knob.

"Waaaaahhh!" nagkagulatan nanaman kami.

"Ikaw ha, nakakahalata na 'ko sa'yo." si Xander habang tinatakpan ang patutoy niya.

"Ha, grabe ka ah. Kukunin ko lang yung bag ko no." sabay alis ko uli pagkadampot ng bag.

Kilig much ang lola niyo. "Ang puti!"

MATAPOS ang ilang minutong paghihintay ko sa sala, bumaba si Xander galing sa kwarto niya. Nakagreen t-shirt siya na may stripes sa dibdib na tinernohan ng black short.

"Napakaporma talaga ni Xander my love." kinikilig kong sabi sa isip ko. Di ko namalayan na matagal na pala 'kong nakatitig sa kanya.

"Tapos ka na bang tumitig dyan? Ikaw ha, nakakahalata na talaga 'ko sa'yo." si Xander habang nakangisi nanaman.

"Ha? Ah, eh. Hindi ah. May iniisip lang ako no." pagdedeny ko.

"Sabi ni manang, babe daw tawag mo sakin?"

"Ha? Di ba, sabi mo babe ang itawag ko sa'yo?"

"Patawa ka! Sa school lang no, nakalimutan mo yatang nagpapanggap lang tayo?"

Waahh! Oo nga pala no, feelingera ka talaga Macquuen oh.

"Tara na." anyaya ni Xander.

"Saan tayo pupunta?"

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon