“Anak,sure ka ba talaga na lilipat ka sa isang totoong eskwelahan? Talaga bang ayaw mo na ng homeschool?”
“Opo ma.. Total 16 na naman po ako at kaya ko na ang sarili ko.”
“O sige.. Ipapa-enroll na kita bukas.” Bumuntong-hininga ang mama ko at bumalik na sa study room nya. Ako si Aquarius Villafuentes, anak ni Amaya Villafuentes, isang napakasikat na fashion designer at ni Jacob Villafuentes, isang business tycoon. Homeschooled ako at walang experience sa outside world pero gusto kong lumabas dito sa lungga ko at makakita ng hindi mukhang alien na mga tao. Di joke lang. Di naman mukhang alien mga kasama ko dito sa bahay pero nakakabagot eh!
“Ma! Shopping na ako ng school supplies!” pasigaw kong paalam dahil sure ako,super busy yun sa bago nyang designs.
“O sige,isama mo driver.” Ay alangan naman ako mag-drive?
“Opo..Tara na kuya Jerome!” sigaw ko at pumunta na kami sa mall.Parang last kong punta dito, 2 months ago? Ano ba yan! Iinom na talaga ako ng memo plus gold pagdating ko sa bahay. Bumili na ako ng kakailanganin ko para sa eskwela ng biglang…
“Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” nakabangga po ako ng babae.
“Ay sorry miss..” nag-offer ako ng kamay para tulungan sya pero dali-dali syang umalis at naiwan ang cellphone nya. Tinangka ko syang habulin para isauli ang cellphone nya pero ang bilis tumakbo at hindi ko naman pwedeng iwanan sa counter ang pinamili ko. Ginawa ko? Umuwi ako sa bahay na dala pa rin yung cellphone ng babae kanina.Hindi ko masyadong kita ang mukha nya pero pale ang complexion nya at parang may anorexia.
“Naku,naku! Ang lalim ng iniisip ng alaga ko ah!” saway ni yaya Angel at napanganga ako.Para pala akong tanga na nakatitig sa cellphone for 10 minutes.
“Ay grabe naman si yaya oh!” pabiro kong maktol at tumawa lang sya.
“Excited ka na ba sa bago mong school? CNHS ata yung pangalan ng school na yun.Aba ewan ko.” Naguguluhang muni-muni ni yaya at natawa na lang ako.
“Hay naku yaya.. Tingnan na lang natin bukas.” Sabi ko at nagpahinga na.
Ako si Aquarius Villafuentes, at ito ang buhay ko.
~_____________________________________~
Wow! Sinipag ako dito ah! hahahah! Pero ewan ko na lang sa initng panahon..
BINABASA MO ANG
My Suicidal Love
FanfictionIt's about self-harm.. Naranasan ko na ang tangkang pagpapakamatay dahil sa bullying na natatanggap ko.. Pero wag nyo po itong gayahin dahil ang kamatayan ay hindi solusyon sa mga problema ng buhay. Kailangan nyong maging malakas para harapin ang mg...