‘Anak, magtago ka lang dito okay? Babalikan ka namin ng papa mo dito.’
‘Pero mama.. Natatakot po ako..’
‘Sige na anak..’
Nakaupo lang ako sa closet, umiiyak at walang magawa habang nakikipag-sigawan ang mga magulang ko sa mga taong bigla na lang pumasok sa bahay namin. Takot na takot ako.. Suddenly, tumahimik ang paligid, akala ko tapos na ang lahat. Ang hindi ko alam, iyon na pala ang hudyat ng pagbabago ng buhay ko, ang bangungot ng buhay ko.
‘Mama?’ lumabas ako ng closet at biglang may humawak sa akin. Dinala nila ako sa sala ng bahay namin kung saan naroroon ang mga magulang ko, sugatan at umiiyak.
‘Wag nyo idamay anak namin! Kung gusto nyo, kami na lang ang saktan nyo.. Wag lang sya.!’ pagmamakaawa ng papa ko at tumawa ang humahawak sa akin.
‘O sige, madali naman akong kausap. Pero hindi ibig sabihin na hindi nya masasaksihan ang kamatayan nyo.’ at sa isang iglap, binaril nila ang mga magulang ko sa harap ko. Tumalsik ang dugo nila sa akin habang ako naman, walang magawa kundi manood na lang. Umalis na ang mga kalalakihan na dala ang mga kayamanan at iba pang ari-arian ng mga magulang ko.
‘Wag nyo ako iwan mama! papa!’ sigaw ko habang umiiyak. Walang silbi ang mga pinagsasabi ko, wala na sila, mag-isa na lang ako sa mundong ito...
Idinilat ko ang mga mata ko. Ang malagim na pangyayari sa buhay ko na pilit kong kinakalimutan ay nakita ko naman. Isang bangungot ng nakaraan na ayaw kong balikan at gusto ko nang malimutan.
“Letseng buhay naman oh!” ihinagis ko ang unan ko sa dingding ng kwarto ko. Tiningnan ko ang alarm clock na nasa lamesita at napabuntong-hininga dahil alas tres pa ng umaga.
“Ano naman ang gagawin ko sa mga oras na to? Siguradong hindi ako makakatulog uli dahil sa bangungot na yun..”pagmuni-muni ko at itinapon ang mga kumot sa sahig.
‘Hindi naman malamig eh... Ay mali! Ang lamig!!’ kinuha ko uli ang mga kumot na itinapon ko sa sahig at humiga uli sa higaan ko.Makaraan lang ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos na ang higaan ko. Naligo na at kumuha ng malinis na hoodie mula sa closet pagkatapos kong magbihis. Pupunta na lang ako sa 24 hours open na supermarket at bumili ng fruit loops. Naalala ko na naubusan na pala ako. Kinuha ko ang skate board ko at umalis na ng bahay..
Kakagising ko lang at 6:25 a.m. na ng umaga. Nagmadali akong mag-prepare para sa school at kumain na ng breakfast kasama ang parents ko.
“So enjoy ba kayo sa hang out nyo kagabi?” tanong ni mama at tumango si papa.
“Actually, sobrang galing ng kaibigan ni Aquarius. Kaya nga kinuha ko bilang singer ng resto-bar natin.” pag-inform ni dad.
“Really? I’d like to hear her sing. By the way, Aquarius, darating pala si Nadine next week at ang family nya.” oo nga, si Nadine. Ang childhood friend ko na malakas ang tama sa akin. Egoistic, spoiled brat na ginagawa lahat para lang makuha ang gusto nya pero hindi nya ako makukuha. Never.
“Alis na po ako ma, pa.” bigla akong nawalan ng gana sa pagkain nung narinig ko ang pangalan ni Nadine.
“See you later son.” sabi naman ni mama at ki-niss ang pisngi ko.
“Sige anak..” sabi naman ni papa at umalis na ako patungo school. Nung nakarating na ako, nakita ko agad si Minxx na nakatambay sa harap ng gate.
“Morning. Ba’t ang haba ng mukha mo dyan?” pampagaan lang ng mood na pagbati ko.
“Anak ng tae naman Aquarius.. Edi ginawa mo naman akong si Ai ai nyan.”pabiro nyang sabi at ngumiti na sya.
“Biro lang. Ang aga-aga at nakasimangot ka.” inakbayan ko sya habang pumapasok na kami ng campus. May reason akong akbayan sya.. Isa, parang giniginaw sya kahit may jacket sya at pangalawa, ayaw kong pagkaguluhan ng mga baliw na kababaihan.
“Lalim ng iniisip ah. Hukayin na natin yan, baka may kayamanan na nakabaun.” ginulo ni Minxx ang buhok ko habang tumatawa.
“Sira.. Namomroblema lang dahil darating ang childhood friend ko..”palusot ko na kalahating katotohanan.
“Ano namang masama dun?”tanong nya at bumuntong-hininga muna ako.
“Malakas kasi ang amats nun sakin eh.. Spoiled brat pa.. Hay naku.” napailing na lang sya at inilagay namin ang bag namin sa upuan.
“Aba’y matindi yan. Ipadala mo na lang kaya sa isang isla na napapalibutan ng piranha.” pabiro nyang sabi at napatawa ako.
“Ikaw talaga.. Pero ngayon ka na magsisimula sa pagtatrabaho sa resto-bar ni papa.” sabi ko at tumango lang sya. Normal day sa school pero naging abnormal dahil pagdating ng hapon, kasama si Nadine sa pagsundo sa akin.
“Sya ba yung Nadine?” tanong sa akin ni Minxx habang hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.
“Oo tol.. Lagot na.” pabulong kong sabi sa kanya at nag-glare si Nadine kay Minxx.
“Hi Aquarius!~ Tara na.” anyaya ni Nadine at parang mamamatay na ako sa mixed emotions na puro naman negative.
“Ah mamaya na Nadine.. Ihahatid ko pa kasi ang bestfriend ko sa bahay nila eh.”palusot ko at salamat sa diyos, sinuportahan ako ni Minxx.
“Kaya naman nyang umuwi mag-isa ah! Tsaka ako lang ang bestfriend mo Aquarius! Don’t befriend that emo fag!” at dun na ako nagalit.
“Alam mo Nadine, mabuti pang umuwi ka na.” hinatak ko si Minxx kasama ko habang papalayo kami sa SUV.
“Teka lang Aquarius!~ Why do you hang out with her? She’s not worth your time.” mas nadagdagan pa ang galit ko at haharapin ko na sana si Nadine kung hindi lang hinawakan ni Minxx ang kamay ko.
“Aqua, okay lang.. Wag mo na pansinin.”sabi nya at ginulo ang buhok ko. Hindi ko maintindihan pero pag si Minxx kausap ko, nawawala ang mga problema ko.
“You’re right. She’s not worth it.” sagot ko at patuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ng kamay. Sinamahan ko si Minxx sa bahay nya para magbihis at pumunta na kami sa resto-bar. At nung dumating kami doon, nandun si mama at kausap ang umiiyak na si Nadine.
“Hala..” napa-smirk si Minxx at ako naman, kinakabahan na.
“Lagot na tayo. Best actress yang kalaban natin Minxx.” sabi ko at natatawa naman si Minxx.
‘Baliw ba tong babaeng to?’ tanong ko sa sarili habang dinukot ni Minxx ang cellphone nya sa bulsa nya.
“Wag ka mag-alala, na record ko ang sinasabi nya kanina.” sabi nya at parang nabunutan ako ng tinik.
“Aquarius, we need to talk.” sabi ni mama at nakaramdam na naman ako ng takot. Bago ako hinatak ni mama, inabot ni Minxx ang cellphone nya. Sana maniwala si mama kundi lagot na.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Love
FanfictionIt's about self-harm.. Naranasan ko na ang tangkang pagpapakamatay dahil sa bullying na natatanggap ko.. Pero wag nyo po itong gayahin dahil ang kamatayan ay hindi solusyon sa mga problema ng buhay. Kailangan nyong maging malakas para harapin ang mg...