Chapter Eight:

12 0 0
                                    

“Anong nangyayari dito? Bakit ang kalat ng kitchen?” tanong ni ma’am Amaya at ngumisi lang si Aquarius habang tinatakpan namin ang cupcakes na nasa likod namin.

“Ah eh.. Niyaya ko po kasi si Aquarius na mag-bake at ito nga po, naging war zone ang kitchen. Sorry po talaga.” pagtatakip ko at siniko ako ni Aquarius.

“Ano ba kasi ang bi-nake nyo?” usisa ni ma’am Amaya.

“Ma, Happy Mother’s Day.” yun na, nilabas na namin ang cupcakes na bi-nake namin para sa mama nya.

“Oh my god..” napatutop ng bibig si ma’am Amaya habang may luha sa kanyang mga mata.

“Ma’am? este Tita? Mali po ba?” nag-panick ako.. Eh alangan namang magbunyi ako na umiiyak ang amo ko?

“No,no.. This is the first time na naalala ni Aquarius ang mother’s day..” naging emosyonal sya at niyakap kaming dalawa ni Aqua.

“What? Grabe mo tsong!” ginulo ko buhok ni Aqua. Kung wala lang mama nya dito, inupakan ko na talaga ang kumag na to. Mabuti nga sya may parents na kinalakihan.

“Ay sorry naman.. Pero ma, babawi talaga ako ngayon, promise.” Ayun.. Mama’s boy naman pala tong loko kong kaibigan. Nawala ang saya na nadarama ko nung maalala ko ang sarili kong ina, ang nagbigay sa akin ng buhay na ngayon ay sumakabilang buhay na.

“Michelle? Asan pala mommy mo?” sasagutin ko ba to o hindi? Gusto ko sanang sumagot pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

“Ah ma.. Let’s talk for a while okay? Minxx, magpalit ka ng damit.” thanks god at hindi ko na dapat ikwento pa ang nangyari sa pamilya ko..Pumunta na ako ng silid namin ni yaya Angela at nagpalit na ng damit..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Aquarius, ano ba talaga ang nangyari kay Michelle?” pag-usisa ko sa anak ko.

“Kasi ma.. Wala na pong magulang si Michelle.. Pinatay ang mga magulang nya sa harap nya.” paliwanag nya at napatutop ako ng bibig. What a cruel fate! Ulila na pala si Michelle at nakita nya pa ang pagpatay sa mga magulang nya.

“Oh my god.. Ilang taon ba sya nung naulila sya?” tanong ko uli. Mabait na bata si Michelle.. Bakit kailangang mangyari pa ito sa kanya?

“Six years old pa lang sya nung nangyari ang insidenteng yun.” malungkot na saad ng anak ko. Parang affected sya sa nagyari sa pamilya ni Michelle. Could it be na in love sya kay Michelle?

“Anak, sagutin mo ng totoo ang tanong ko okay? Mahal mo ba si Michelle more than a friend?” napatigil si Aquarius at tumingin sa akin.

“Ha? Seriously ma, confused pa po talaga ako eh.”sagot nya at napakamot sa batok.

“If ever ha? Mahalin mo ng totoo si Michelle. Mabuti syang tao at mamahalin ka talaga ng totoo.” sabi ko at pumunta na sa office ko. Ito na ang pinaka the best na mother’s day sa buong buhay ko at ito din ang pinakamasaklap sa buhay ni Michelle. Sana maging matatag sya at wag syang sumuko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Happy mother’s day po yaya Angel!” bati namin kay manang Angel at napaluha ang matanda.

“Salamat mga anak..” yinakap nya kami ni Aqua at ibinigay na namin sa kanya ang cupcakes na para lang sa kanya.

“Michelle! May naghahanap sayo!” sigaw ni Kuya Jerome mula sa garahe at pumunta ako sa front gate. Doon, nakita ko yung bata at isang lalake.

“Michelle?” tanong ng lalake at yinakap ako.

“Ah sino po kayo?” tanong ko.

“Hindi ba nasabi sayo ni mama at papa? Kapatid mo ako at ito naman, pamangkin mo.. Teka lang, tawagin ko muna ang isa mo pang kuya.” sabi nya at napatigil ako. Kapatid? Totoo ba talaga to?

My Suicidal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon