Chapter Two:

34 0 0
                                    

School na naman.. Kailan ba ako makakaligtas dito sa lungga ni satanas? Kapagod na mag-aral. Ay hindi nyo pa pala ako kilala, ako pala si Michelle Buenaflor or Minxx Buenaflor. Ako ang heavy metal princess ditto sa school at may iba pa akong mga titles, emo queen, fatty, bobo, papansin at marami pang iba. May isang bagay na ginagawa ko palagi pag stressed or depressed, self-harm. Hindi ko na nga mabilang kung ilang hiwa na ang nagawa ko sa mga braso at iba pang parte ng katawan ko..

“Ms. Buenaflor?” tawag ng bata sa akin at napatingin ako sa kanya. Paano nya ako nakilala na naka-hoodie ako?

“Ano yun bata?” tanong ko at tinanggal ang hood mula sa ulo ko.

“Pwede nyo po ba pirmahan ito? Sabi po kasi ng mama ko, anghel po daw kayo.” Pinirmahan ko yung papel na hawak ng bata at ngumiti ng totoong ngiti.

“Hindi naman ako anghel eh..” sabi ko at tinakpan ang mga braso ko na puno ng hiwa.

‘Parang nakita ata ng bata ang mga hiwa ko ah.. Ako na naman ang masisisi ng mga magulang nito kung makita nilang may hiwa din mga braso nitong batang ito..’ problemado kong pag-iisip.

“Anghel po kayo.. Sabi po kasi ng mama ko, pag may mga hiwa sa braso ang isang tao, isa po daw syang anghel. Kaya nila hinihiwaan ang mga braso nila ay dahil hindi nila makayanan ang buhay nila dito sa lupa at nasasaktan po sila ng sobra.” Paliwanag ng bata at medyo napanganga ako sa mga sinasabi nya.

“Ang bait naman ng mama mo bata..” iyon lang ang nasabi ko dahil tinamaan ako sa mga sinasabi ng bata sa akin.

“Alam nyo po, isa rin pong anghel si mama pero bumalik nap o sya sa langit.” Parang gusto ko nang umiyak.. Napaka-bata pa nya pero dinanas nya ang pagka-ulila kagaya ko nung bata pa lang ako. Ang pinagka-iba lang, nakita kong pinatay ang mga magulang ko.

“Sino nag-aalaga sayo ngayon bata?”tanong ko.

“Ang mga lola ko po.. Pero mahina na po sila at palaging nasa hospital.” Ako naman ay nagiging emosyonal at malapit na din akong ma-late.

“Sige.. Eto nalang.. Ibigay mo sa akin address mo at pupuntahan kita doon kung walang mag-aalaga sayo okay ba yun?”kinapa ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Anak ng teteng! Parang nahulog ata nung patakbo ako paalis sa mall. Kinuha ko na lang ang notebook ko at isinulat ang address ng bata.

“Bye po Ms. Buenaflor!” tumango na lang ako at tumakbo na sa school. Nakarating naman ako ng hindi late pero may nabunggo ako. Kakaripas na sana ako ng may humila sa braso ko.

“Bitawan mo nga ako!” pasigaw kong sabi habang nakayuko. Natatabunan ng buhok ko ang mga mata ko kaya hindi masyadong klaro kung sino ang nabangga ko. Unti-unting tumaas ang kamay ng tao at hinahanda ko na ang sarili ko sa matatanggap kong sampal. Ang hindi ko inaasahan, kumuha sya ng clip mula sa bulsa nya at inipit ang buho ko.

“Ikaw yung babae kahapon di ba?” wait lang, pamilyar boses nya ah! Unti-unti kong itinaas ang ulo ko at sya nga! Ang lalakeng bumunggo sa akin kahapon sa mall.

“Ikaw na naman?Bitawan mo nga ako!” at binitiwan nya ako.  Tumakbo na ako sa classroom ko at *boogsh* binuhusan ako ng isang baldeng slime. Hindi ako umimik at pumunta sa c.r. para magpalit ng damit. Mabuti na lang may extra akong dala.

“Okay ka lang miss?” tanong ng isang babae na ka-edad ko. Mukhang mayaman pero anong paki ko?

“Okay lang..” pagsisinungaling ko at tumango na lang sya bago umalis.

“CALLING ALL TEACHERS, PLEASE PROCEED TO THE PRINCIPAL’S OFFICE FOR AN EMERGENCY MEETING..” ayun na! Medyo natuwa na ako dahil hindi ko kailangan pumasok pa sa classroom ng mga anak ng demonyo at makaka-tugtog pa ako ng gitara ko sa special place na ako lang ang pumupunta,ang 4th floor ng building namin. Isinilid ko ang mga gamit ko sa bag ko at binitbit ko na ang gitara at skateboard ko. Lumabas na ako ng restroom at pumunta na sa 4th floor dala mga gamit ko. Pagdating ko dun, may lalakeng naka-upo, few inches away from my usual spot. Ang ginawa ko, umupo na lang ako  sa opposite side ng corridor. Kukunin ko na sana ang cellphone  ko nung naalala ko na nawala ko pala.

“Looking for this?” muntikan nang umalis ang kaluluwa mula sa katawan ko.

“What the- Paano napunta sayo to?” tanong ko at tinangkang hablutin ang cellphone ko  mula sa gunggung na lalakeng ito.

“Oops! mamaya ko na ibibigay sayo to.” medyo nagkick-in ang pagka tsundere ko dahil naiinis na talaga ako sa lalakeng ito.

“Eh ayaw mo pang ibigay hindi naman tayo classmates ah at parang hindi mo talaga ako kilala.” galit kong sabi.

“Uy kalma! Alam ko kung anong section ka at for your information,classmates tayo.. Hindi man tayo magkakilala, gusto kitang maging kaibigan.” medyo napanganga ako dun.

‘Kaibigan? Nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin  nun.’

“Bahala ka nga sa buhay mo!” tumalikod na ako sa kanya at tumugtog ng medyo distracted sa presence ng ibang tao... Ano ba naman ang buhay ko, napakagulo.

My Suicidal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon