So nawalan ng bahay si Minxx at ayaw nyang tutulong lang ako basta-basta.. Gusto daw nyang magbanat ng buto kaya I hired her as my personal maid. Mabuti na lang at pumayag na din sya kesa naman magtrabaho pa sya sa iba at wala akong gawin para tulungan sya. Ngayon sya magsisimula at ano kayang kababalaghan ang mangyayari?
“Aqua? Gising ka na ba?” tanong ni Minxx sa labas ng kwarto at tinigil ko talaga ang pagtawa ko habang nagtulug-tulugan. Narinig ko na bumukas ang pinto at may bumuntong-hininga.
“Para namang mantika matulog ang loko..” muntikan na akong tumawa pero pinigilan ko talaga ang sarili ko. Hinawakan nya braso ko at hinatak ko sya kasama ko sa higaan.
“Huli ka!” sabi ko habang tumatawa.
“What the- Anak ng tae naman Aqua! Ang bigat mo tol!” nag-squirm sya at nag-roll ako kaya ang resulta, nahulog kami mula sa higaan at sya ang naka-ibabaw sa akin.
“Awkward..” may nagsalita mula sa doorway at lumingon ako. Si yaya Angel at kuya Jerome na nakangisi at may dala na camera. Nagmadaling tumayo si Minxx at pagkatapos kong tumayo, hinampas naman ako ni Minxx ng unan.
“Aray!” sabi ko at hinimas ang ulo ko.
“Sira ulo ka talaga!” pinagalitan po ako ni manang Minxx.. T_T
“Sorry naman.. Naglalambing nga lang eh..” sabi ko at hi-nug si Minxx.
“Hindi tayo talo tol.” pabiro nyang sabi at niligpit ang higaan ko.
“Wala namang pasok ngayon.. Saan kaya ang magandang puntahan?” tanong ko habang humiga uli.
“Ewan ko.. Mabuti pa, maligo ka na.” sabi nya at winisikan ako ng tubig sa mukha.
“Oo na po..” pagmamaktol ko at naligo na. Nung natapos na ako sa pagligo, dun ko lang na-realize na nakalimutan ko palang dalhin ang tuwalya ko.
“Tapos ka na ba Aqua?” tanong ni Minxx mula sa labas.
“Oo pero may problema.. Minxx, paki-abot nga ng tuwalya..” nahihiya kong utos at may narinig akong tawa.
“Ayan kasi..” sabi nya habang inaabot sa akin ang tuwalya ko. Ni-wrap ko ang tuwalya sa waist ko at lumabas na ng c.r.
“Asan damit ko?” tanong ko at lumingon si Minxx na namula.
“Oh my god Aqua! Magsuot ka nga ng damit! Hindi ka model ng brief! Ano ba yan!” dali-dali akong nagsuot ng damit bago pa nakapasok si Nadine sa kwarto na walang paalam.
“Goodmorning Aquarius!- What is she doing here with you? Malandi ka talagang babae ka!” sasabunutan na sana ni Nadine si Minxx kung di lang dumating sina mama at papa.
“Nadine! What are you doing onn my son’s room at sino ang sinasabihan mong malandi?” pag-usisa ni mama habang inakbayan ko lang si Minxx.
“Kasi po tita.. What is that girl doing here?!” sigaw nya at sasabunutan na talaga si Minxx kung di ko lang niyakap ang personal maid ko.
“Bawal mo siyang saktan dahil personal maid ko siya.” sabi ko at bumuntong hininga na lang si papa.
“Nadine, ayaw ko nang maulit ito.. At nag-text ang mama mo na tumakas ka na naman daw sa inyo.” sabi ni papa at nag walk out si Nadine. Buti nga sa kanya :P
“Nasaktan ka ba hija?”tanong ni mama kay Minxx at umiling sya.
“Hindi po ma’am.” tumango lang si papa at parang may iniisip si mama.
“Hija, di ba sabi ko sa’yo na tita na lang? Moving on, bumaba na kayo at handa na ang pagkain.” umalis na sina mama at papa sa kwarto ko at ito namang si Minxx, kinurot ang tagiliran ko.
“May nalalaman kapang pagiging shield dyan ah? Nakakahiya kaya sa parents mo.” sabi nya habang naging pinkish ang mga pisngi nya. Ang cute tignan at parang di ako makaka get over sa kakyutan nya. Gusto ko pa makakita ng nag-ba-blush na Minxx kaya kinarga ko sya na parang prinsesa patungo ng kitchen.
“Gutom na ako..” sabi ko na parang sobrang normal lang na gawain ang pagkarga sa kanya.
“Ibaba mo nga ako Aquarius!” bintiwan ko sya ng half-second at napakapit talaga sya ng mahigpit.
“Akala ko ba ibababa na kita? Bakit parang ayaw mo pa?” tanong ko pina-inosente.
“Tse! Ibaba mo naman ako ng maayos! Hindi ko naman sinabing ihulog mo ako eh.” natawa na lang ako at ibinaba sya ng maayos.
“Hindi ka naman mabiro.” puna ko at pumunta na kami sa dining room. Kumain ng breakfast habang nag-uusap kung ano ang pwede naming puntahan kung ma-bored kami sa bahay.
“Bakit di nyo na lang ako samahang mag-shopping?” suggest ni mama at pumayag na lang kami.. Ano pa nga ba?
“Sige po ma..” sabi ko at tumayo na. Nagtambay kami sa may pool at alam nyo namang napaka-kulit ko, nag-swimming at hindi umahon hanggang hindi nag-alala si Minxx at hinatak ko sya sa tubig.
“Aquarius! Ang grabe mo talaga! Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo!” sabi nya at tumawa lang ako.
“Cheer up dude! Seryoso mo palagi eh!” puna ko habang lumalangoy-langoy sa mababaw na parte ng pool.
“I see, hindi na malandi, sipsip pa kay tita at tito..” hanggang kailan ba maninira ng moment tong si Nadine? Nakakainis na eh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang kapal ng mukha ng babaeng toh! Inaagaw ba naman ang Aquarius ko? Sa akin lang si Aquarius at hindi sa hampaslupang babae na yan!
“Aba eh baka ikaw ang malandi? Kita mo na, umaalis ng bahay na walang paalam para puntahan lang ang crush nya?” aba’y gusto ko na talagang sabunutan tong babaeng to ah! How dare she say that to me in front of Aquarius?
“Pwede lang yun basta true love!” ((Frozen? Hahahaha!)) bawi ko naman at natawa sya. Anong nakakatawa dun?
“Hindi yun true love neng, one sided love lang yan.” sabat naman ng gurang na yaya ni Aquarius.
“Tumahimik ka nga gurang! Hindi kita kinakausap!” sigaw ko at may narinig akong nag-growl. Umahon si Aquarius at yung Michelle girl mula sa pool at parang galit na galit.
“Sa susunod na pagsalitaan mo si yaya Angel ng ganyan, kalimutan mo na lang na magkaibigan tayo.” banta ni Aquarius at nagroll lang ako ng mata.
“Wag mo na patulan Aqua.. Gumawa na lang tayo ng gift para sa mama mo.. Parang nakalimutan mong mother’s day ngayon.” hinatak ni emo fag ang Aquarius ko sa loob ng bahay at naiwan akong nagmumukhang tanga. I swear I’ll get my revenge on that emo fag. How dare she take away Aquarius from me? Ako lang ang dapat mahal niAquarius at hindi sya!
“Ma’am?” tanong ng gurang at itinulak ko sya sa pool bago umuwi sa amin. Nakakainis talaga ang babaeng yun! Curse them all except for my love. Nung nakarating ako sa bahay, sinalubong ako ng mga kuya ko.
“Ba’t parang bad mood ka ata?”tanong ni kuya Jasper, ang panganay namin.
“Yun kasing loser girl ang gusto ni Aquarius eh! Bakit hindi na lang ako?”totoo naman eh! Pwede namang ako na lang ang mahal nya.
“Wag ka mag-alala bunso, kami na ang bahala sa Michell Buenaflor na yan.” sabi naman ni kuya Alvin at tumango na lang ako. Sana mawala na sa landas ko ang Michelle na yan.

BINABASA MO ANG
My Suicidal Love
FanfictionIt's about self-harm.. Naranasan ko na ang tangkang pagpapakamatay dahil sa bullying na natatanggap ko.. Pero wag nyo po itong gayahin dahil ang kamatayan ay hindi solusyon sa mga problema ng buhay. Kailangan nyong maging malakas para harapin ang mg...