‘Wow! Astig pala sya! Ang galing mag-gitara at may pagka boyish ang ugali nya.’ hangang-hanga ako sa babaeng tumutugtog ng gitara. Ibang-iba sya sa mga ibang babae.. Pero kailangan ko nang bumaba dahil nakita kong pumasok ang sasakyan ni papa sa gate ng school.
“See you later miss.” paalam ko at tumakbo na. Pero narinig ko pa rin ang sinabi nyang reply sa paalam ko: “Pareho ka din nila..” parang may lungkot ang boses nya nung sinabi nya yun. Hindi ko man sya lubusang kilala, feeling ko, sya lang ang makaka-intindi sa akin at isa syang mabuting tao. Sa wakas at narating ko na din ang principal’s office kung saan pumasok si papa.
“Aquarius, saan ka ba nanggaling?” tanong nya at namula ako sa kahihiyan.
“Nakikipag-usap lang po sa isa kong kaklase..” totoo naman eh..
“Ah sige.. Pero ayaw na ayaw kong marinig na may nagreklamo tungkol sayo. If ever, mananatili ka na lang sa bahay.” banta nya at umalis na kami sa principal’s office. Pag-alis nya papuntang trabaho, napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko at may nagtilian na mga babae. Napalingon ako sa likod ko at anak ng tae, mga fangirls. Hindi ko alam na may fangirls pala sa totoong buhay. Nabasa ko lang ang tungkol sa kanila sa mga mangga at fanfictions..
“Oh my god girls! Gwapo pala talaga sya! Pakasalan mo na ako ngayon din!!” nagtilian ang mga babae at medyo napaatras ako dahil sa dami nila.
‘They’re advancing! Shit!!’ sigaw ko sa utak ko at nung malapit na sila sa akin, may biglang humila ng kamay ko at tumakbo. Kung sino man to, salamat talaga. Nung nakatago kami sa likod ng school building, lumingon ako sa taong humila at nagligtas sa akin mula sa mga baliw na babae.
“Huh? Ikaw ang tumulong sa akin?” ito yung babae kanina eh... Yung parang moody palagi pero astig.
“Oo.. Kaibigan mo ako right?” nakangiti nyang tanong at wow! ang ganda nya.
“Talaga? Magkaibigan na tayo?” hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Magkaibigan na kami.
“Kakasabi ko lang.” pabiro nyang sagot at tumawa ako.
“Ay wait lang.. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng maayos.. Ako pala si Aquarius Villafuentes.” pakilala ko sa una kong kaibigan dito sa CNHS.
“Ako naman si Michelle Buenaflor or Minxx.” sabi nya at ngumiti na naman sya. Kung palaging ganyan, parang ma-i-inlove na ako sa kanya.
“Wah! Late na pala tayo sa 2nd period.” guilty kong sabi at tumawa sya.
“Alam ko pero di naman kita kayang pabayaan na ma-harass ng mga baliw na kababaihan.” sagot nya at tumango na lang ako.
“Tara na.” hinila na naman nya ako pero patungo sa klase namin. Nung dumating kami doon, si Minxx lang ang pinagalitan at ako parang walang kasalanan sa nangyari.
“Ikaw Miss Buenaflor, wag mong idamay sa kapalpakan mo ang new student dito.” nabigla ako sa sinabi ng teacher.. Hindi naman si Minxx ang may kasalanan kung bakit kami na-late.
“Uhm.. Excuse me ma’am pero hindi naman po kasi...” pinatahimik ba naman ako?
“Hush Mr. Villafuentes. Sya naman talaga may kasalanan eh! Marami pa ngang witness.” kumunot ang noo ko dahil sa bininintangan ba naman ang kaibigan ko?
“I-report nyo na nga lang ako sa principal’s office! Dun naman papunta yun di ba?” may luha nang tumutulo sa mga mata ni Minxx at tumahimik si Ms. Isabedra.
“Wag! Ako naman talaga ang may kasalanan eh! Nadamay lang sya dito dahil niligtas nya ako!” inako ko ang mga binibintang nila laban kay Minxx dahil yun naman talaga ang totoo.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Love
FanfictionIt's about self-harm.. Naranasan ko na ang tangkang pagpapakamatay dahil sa bullying na natatanggap ko.. Pero wag nyo po itong gayahin dahil ang kamatayan ay hindi solusyon sa mga problema ng buhay. Kailangan nyong maging malakas para harapin ang mg...