Chapter Six:

9 0 0
                                    

Nung dumating si Nadine at yung issue namin, naayos naman dahil sa recorded conversation sa cellphone ko at nagsimula na din ako bilang singer sa resto-bar ng pamilya ni Aquarius. Isang buwan na simula nung nagkakilala kami ni Aquarius at nasabi na namin ang mga sekreto namin sa isa’t-isa. Oo, pati yung nangyari sa parents ko at yung self-harm issue ko. Pinangako ko sa kanya na titigil na ako at infairness, it’s been 3 weeks since last kong nag cut.Ngayon ay P.E at maglalaro kami ng dodge ball. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, dito na rin nag-aaral si Nadine at ang masaklap pa, kaklase namin sya. Tangina this world talaga.

“Minxx! Tulong! Nandyan na naman sya.” nagtago sa likod ko si Aquarius at tinakpan ko naman sya nung parating na si Nadine.

“Nakita mo ba si Aquarius ko?”  tanong ng letseng babae.

“Wala sya dito at sa pagkaka-alam ko, hindi bagay si Aquarius so walang nagmamay-ari sa kanya.” nag-glare na naman ang bruha.

‘Sana matuluyan ang mga mata..’ muntikan na akong tumawa sa iniisip ko at umalis na si Nadine.

“Salamat talaga bespren! Muntikan na ako dun ah!” inakbayan ako ni Aquarius at pumunta na kami sa school gym. Magka-team kami ni Aqua at nagbunyi naman ang loko habang nagluksa naman ang kababaihan na patay na patay sa kanya. Nagsimula na ang laro at team work lang kailangan dito eh. Madali lang namin na wipe out ang other teams at kami na lang dalawa ang natira.

“Panalo tayo bespren! Apir!” natawa ako sa mga pinagsasabi nya pero nag-apir naman kami.  Nagpalit na ako ng damit sa lockers pero tinambangan ako ng limang bruha at ang leader ay si Nadine.

“Ano ba ang meron ka at mas gusto kang kasama ni Aquarius?” tanong ng isa at bumuntong hininga ako.

“Sya ang tanunging nyo dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam.” sabi ko at aalis na sana nung may nag-grab ng buhok ko.

“Wag kang bastos! Kinakausap ka namin.” sabi ni Nadine at hinigpitan ang pagkahawak sa buhok ko. No choice left, nag-round house kick ako para pakawalan nya na ako.

“Next time, wag nyo kasi akong galitin.” sabi ko at pumunta na sa canteen kung saan nakapwesto na ang loko.

“Ang tagal ah!” puna nya at pabiro ko syang inupakan.

“Tse! Kung hindi lang ako hinarangan ng mga bruha mong fans. Ang haharot grabe!” sumbong ko at napakamot na lang sya ng ulo.

“Hindi ka naman nasaktan?”tanong nya at umiling ako.

“Ako pa?” nagtawanan kami at bumili na ng snacks. Kapagod pala maglaro ng dodge ball. Habang kumakain kami, biglang may humablot sa mga sandwiches namin. Kaya tumayo ako at sinapak ang pinakamalapit na bully sa akin.

“Aba’y matapang ka pala ah?” susuntukin na sana ako ng lalake kung hindi lang hinarangan ni Aquarius. Imbis na ako ang masapak, napunta kay Aquarius ang kamao ng bully.

“Ibigay nyo na lang kasi ang lunch money nyo para hindi kayo masaktan.” ano sila? sinuswerte? Tae na lang kung susuko ako.

“Minxx.. Ibigay mo na lang..” pakiusap ni Aqua at bumuntong-hininga ako nung dumating si Ms. Somoso, ang teacher namin sa science.

“Ms. Buenaflor! Mr. Villafuentes! Ano ang nangyayari dito?” tanong nya at inakay ko si Aquarius. Tinamaan kasi sa tyan at mukha..

“Eto po, na-bully.” sagot ko na may pagka-irita. Eh obvious naman kasi kung ano ang nangyari.

“Sige, pumunta kayo sa clinic at pagkatapos ay pumunta kayo sa guidance counselor.” sabi nya at inakay ko si Aquarius patungo ng clinic.

“Sana hindi mo na lang sinalo yung suntok.. Ayan tuloy, napahamak ka pa.” sabi ko habang ginagamot ang pasa nya.

“Hayaan mo na ako.. Kesa naman ikaw ang masaktan.” parang maiiyak na ako.. Ayoko kasing may mga taong nasasaktan para sa akin. Namatay ang mga magulang ko dahil prinotektahan nila ako. Ayokong mangyari uli yun.

“Alam mo namang nagiging emosyonal ako pag may nasasaktan dahil sa akin.” at yun, tumulo na ang luha ko. Bakit ba kailangang masaktan ang mga taon malapit sa akin?Sobrang malas ko talaga.

“Minxx.. I’m sorry pero hindi ko naman kayang panoorin kang nasasaktan. Ikaw ang bestfriend ko at ang bestfriends ay nagtutulungan sa lahat ng bagay.. Kaya tahan na..” pinahid nya ang mga luha ko at ngumiti..

“Sira ulo ka talagang gago ka.. Naiiyak tuloy ako.” hinampas ko ang braso nya habang natatawa pero patuloy pa din ang pag-agos ng luha.

‘Ano ba yan.. Para naman akong baliw dito..’ pinahid ko ang mga luha ko at pumunta na kami sa principal’s office. Nag-report ng bullying at pinauwi muna kami.. Edi mabuti dahil wala talaga ako sa mood na pumasok sa next subject. As usual, naglalakad kami ni Aqua patungo sa bahay ko at ng dumating kami doon, may taga bangko at inaalis ang mga gamit sa bahay.

“Ah excuse me po.. Ano ba ang nangyayari dito?” tanong ko pero klaro naman sa tono ko na galit na  ako.

“Sorry Miss Buenaflor pero kailangan na talaga naming kunin ang bahay nyo.. Hindi kayo nakabayad at ngayon na ang deadline.” ang kapalaran nga naman.. Saan na ako titira ngayon? Tangina this world..

My Suicidal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon