Chapter 11: Natsumi's POV

14 0 0
                                    

Natsumi’s POV

Haiyst! I miss her badly. Siguro naman alam niyo kung sino ang tinutukoy ko, diba? Edi the one and only Reija. Kasi naman may crush siya don sa Enrique na yon tapos malalaman ko na lang na nililigawan siya nong kumag na yun.  Bakit kasi sa dinami daming babae sa mundo eh nagustohan ko pa yung taong lil bro lang ang turing sa akin. Sabagay, hindi ko naman talaga maiiwasan na magkagusto sa kanya kasi kahit na demanding siya at makulit, siya at siya pa rin ang nagpapatibok ng puso ko. Hindi naman siya kagandahan, hindi naman kaputian, hindi naman katangkaran, at hindi naman katalinohan. In short, hindi siya yung ideal girl na hinahanap ko. Pero there is something na meron siya na wala sa ibang babae. Hindi ko alam kung ano yun pero sa tingin ko ay ang attitude niya. Makulit at demanding nga siya pero may tinatagong kabaitan yun. Ayaw niya kasing may nakikitang naaapi at gusto ko ang ugali niyang yun. Hays! Nasaan kaya siya ngayon? Hindi na nga kami nakakapagbonding kasi iniiwasan ko siya.

 Ayaw ko kasing makitang masaya siya ng dahil sa ibang lalake. Gusto ko ako lang ang nagpapasaya sa kanya. Selfish na kung selfish pero ganon talaga. Ganon ko talaga siya kamahal.

Nandito ngayon ako sa SM para magpakaaliw kaso nakita ko si Reija na parang may sinusundan kaya sinundan ko naman siya. Pumunta siya sa Food Court at si ako naman ay sumunod. Sino naman kaya ang sinusundan nito ni Reija? Tinignan ko yung tinitignan niya. Hindi ko alam kung sino ba ang tinitignan ni Reija eh! Yung lalake ba o yung babae. Biglang tumayo yung babae at pumunta sa C.R. at tong si Reija naman ay sinundan. Ahhh…. Siguro yung babae ang sinusundan niya. Maya maya ay lumabas na yung babae pero si Reija hindi pa lumalabas. Kaya naghintay ako ng ilang minuto at finally lumabas na siya pero mukha siyang umiyak. Bakit naman kaya siya umiyak? Nakita niya ako tapos bigla niya na lang ako niyakap ng napaka higpit. Anong problema niya?

“N-natsumi *sob* A-alis na tayo rito”sabi niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya umiiyak pero mas pinili kong manahimik at dalhin siya sa tahimik na lugar.

“Tell me, anong problema mo?” tanong ko sa kanya.

“Niloloko *sob* lang ako ni Enrique”-Reija

Gagong yun! Ang swerte na nga niya at pinayagan siya ng taong mahal ko na ligawan siya tapos gagagohin niya lang.

“Paano ka ba niya niloko?” tanong ko sa kanya habang hinihimas yung likod niya. Pinasandal ko na rin siya sa balikat ko.

“ Magpapasama sana ako kay Enrique kaso sabi niya may gagawin siyang importante kaya hindi niya ako masasamahan. Tapos ng pumunta ako sa bahay niyo ay wala ka naman kaya napagpasyahan kong ako na lang pumunta sa SM ng mag isa. Then, nakita ko si Enrique sa SM kaya sinundan ko siya. Pumunta siya sa foodcourt at umupo tapos maya maya ay dumating si Faye, naging classmate ko kasi siya nong 1st year kaya kilala ko. Sa una ang akala ko friend lang ni Enrique si Faye pero ng tumayo si Faye at pumunta sa C.R. ay sinundan ko siya at tinanong. And there it is, 6 months na sila at legal na sa parents tapos 1 month niya na akong nililigawan. Ang sakit kasi Natsu kasi yung taong pinagkakatiwalaan mo ay yung pa yung taong niloloko ka. Akala ko pa naman hindi niya magagawang lokohin ako pero yun pala nagagawa niya na. Mabuti na lang nga at hindi pa ako nahuhulog sa kanya eh!” –Reija

Gago talaga yun! Mabuti nga natandaan ko pa yung mukha non eh! At pag nakita ko yun, susuntukin ko siya hanggang sa maging mas panget siya. Mas gwapo ng ako don eh!

“Wag ka ng umiyak Reija. He’s not worth of your tears. Ang mga gagong katulad niya ay dapat hindi iniiyakan, dapat binubugbog. Marami pa naman diyan ibang lalake eh, na mas deserving sayo. Katulad ko!”-me

Bigla siyang napatingin sa akin at pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa mata niya.

“What do you mean?” –Reija

Kaya mo yan Natsumi! Sabihin mo na ang nararamdaman mo sa kanya. Wala namang masama kung ma gamin ka, diba?

Tumingin ako sa mata ni Reija.

“Mahal na mahal kita Reija! Hindi ko alam kung kailan to nagsimulang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay ng magising ako ay mahal na kita.”-me

Hay salamat at nasabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya pero natatakot at kinakabahan ako sa sasabihin niya.

“N-natsumi” sambit niya.

Grabe! Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Feeling ko tuloy sasabog na ito ng bonggang bongga sa sobrang nerbyos ko.

“S-sorry but I can’t love you back”sabi niya sabay tumayo at tumakbo palayo sa akin.

Parang gumuho ang mundo ko ng sinabi niya sa akin yun. Pero ang mas masakit ay ang iwan niya ako pagkatapos ng aking pagconfess ng feelings ko sa kanya.

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon