Chapter 9: Enrique Garcia

18 0 0
                                    

At ayon na nga umuwi na si Natsumi.

Binuksan ko yung computer namin at nag login ako sa fb.

Scroll….

Scroll…

Scroll…

Biglang may nag message sa akin na hindi ko naman kilala. In short, isa siyang dakilang stranger.

Enrique Garcia: Hi :D

Since na hindi ako snobera katulad ng iba ay hinayaan ko na lang siya at hindi inintindi.

Enrique Garcia: Hoy!

Lalalala… Wala akong nababasa…

Scroll…

Scroll…

Enrique Garcia: SNOB!?

Ako?? Snob?? PSH.

Pasalamat siya at mabait ako kaya rereplayan ko siya.

Reija Zerimar: Hello -_-

Enrique Garcia: Akala ko pa naman snob ka eh!

Reija Zerimar: Maraming namamatay sa maling akala. Tsaka ano bang kailangan mo? Sino ka ba? Pwede, kung may sasabihin ka sabihin mo na kasi may ginagawa ako eh!

Enrique Garcia: Ahhh…. Kaya pala ang tagal mo mag reply…

Alam niyo yung feeling na kasing haba ng buhok ni Rapunzel yung sinabi mo tapos kasing ikli naman ng bangs ni Dora ang isinagot. Ito yun eh! Ang dami kong tanong tapos yun lang yung nireply. PSH

Reija Zerimar: Kung wala ka namang matinong sasabihin. Mas mabuti pang wag mo na akong i-chat,okay?

Enrique Garcia: Saan ka ba nakatira?

Ano ba yan! Tanong ang sinabi ko, tanong din ang sagot. Psh! At dahil wala na akong ganang makipag chat sa kanya, magiging walang mga sense ang sagot ko sa kanya. HAHAHA!!

Reija Zerimar: Sa Earth

Enrique Garcia: Seryoso nga!

Reija Zerimar: Sa Earth nga ako nakatira! Bakit? Hindi ka ba sa earth nakatira? Sabagay mukhang sa Mars ka nakatira kasi kamukha mo yung mga nakatira doon eh!

Enrique Garcia: HAHAHA!!! Nakakatawa ka naman. You know what, I like you! :D

I like you daw -_- Mamaya niyan mukhang rapist ang mukha nito. Maganda pa naman ang pangalan. Matignan nga ang mga profile pictures. Pumunta ako sa fb niya at tinignan yung mga Profile pics niya. Woah! Seriously?! Ang dami niyang likers. Mga 300+. Tapos ang gwapo niya.KYAHHH!!! Ang swerte ko naman ata at siya pa ang unang nakipag chat sa akin. Pero baka poser lang ata to! Grabe naman kung siya talaga ang makikipag chat sa akin kung mukhang artista siya, diba?

Reija Zerimar: Poser ka ata!

Enrique Garcia: HA?

Reija Zerimar: Sabi ko baka poser ka!

Enrique Garcia: Bakit naman?

Reija Zerimar: Mukhang imposibleng may makipag-chat sa akin na mga gwapong nilalang na katulad mo na merong maraming likers noh?! Baka nga pinagt-tripan mo ko eh!

Enrique Garcia: HAHAHAHA!!! You’re so funny Reija! Alam mo ba kung bakit ako nakikipag chat sayo?

Kung maka Reija siya ha!? Close ba kami?

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon