Chapter 12: Epilogue

32 0 5
                                    

Reija’s POV

Simula nong gabing yon ay nahihiya na akong magpakita kay Natsumi. Ewan ko ba kung bakit eh! Siguro nong sinabi ko sa kanya na ‘I can’t love you back’ pagkatapos niyang maging shoulder to lean on ko. Haiyst! Nakakahiya.Pero ewan ko ba kung bakit may part sa akin na nagsasabing puntahan ko siya. Nga pala, kung nagtatanong kayo kung anong nangyari kay Enrique, ayun dedo na! Joke! Nag usap lang naman kami at nag apologize siya sa akin. At ako naman si mabait at pinatawad ko siya agad. Wala na kasi yun sa akin eh! Ang pinoproblema ko na lang ay si Natsumi.

Saturday nga pala ngayon at nandito ako sa kwarto at nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay habang nakahiga. Hays! Bakit kaya ako nagpapaka senti ngayon?!

Kinuha ko yung phone ko kasi naboboring ako. Tinignan ko yung mga selfie kong picture. Grabe! Sobrang vain ko. Natatawa na lang ako habang nililipat ko ang mga pictures kong jejemon ang pose hanggang sa bungad sa mukha ko ang picture namin ni Natsumi. Yung naka pangbabae siya habang ako nakalalake. Napangiti ako ng bahagya at pinagpatuloy ang paglipat sa iba’t ibang pose namin ni Natsumi. Namimiss ko tuloy siya. 3 days ko na kasi siya iniiwasan eh! Kamusta na kaya siya ngayon? Okay lang kaya siya? Kumakain kaya siya sa tamang oras? Nagpupuyat ba siya? Haays! Bakit ko naman siya iniisip? Siya nga tong bigla biglang aamin ng nararamdaman niya sa akin eh! Pero ng sinabi niya sa akin na mahal niya ako parang ang saya ko. Kaya nga napakalaking tanga ko kung bakit ko sinabi sa kanya na ‘I can’t love you back’.

Grabe! Napakarami pala ang mga pictures namin ni Natsumi at ang cute. Hindi ko kasi ito tinignan ng pinasa niya to sa akin eh! Pero nabigla ako ng bumungad ang picture ko habang natutulog ako. Posible kayang si Natsumi ang kumuha nito? Impossible naman kung ibang tao ang kumuha nito, diba? Eh, si Natsumi lang naman ang nagpasa ng mga ito eh! Tinignan ko pa yung iba at puro mga stolen picture ko. Ganon ba talaga niya ako kagusto?

Naalala ko yung gabing sinabi niya sa akin na “Watashi Wa Anata”. Hindi ko alam kung anong meaning non eh! At sa sobrang curios ako, sinearch ko sa google. At ang meaning non ay ‘I love you’.

Biglang nag flashback lahat ng mga pangyayari tuwing magkasama kami ni Natsumi. Lagi akong masaya, lagi akong nakangiti at lagi kompleto ang araw ko ng dahil sa kanya. Everytime na magkasama kami, parang may kung ano sa tiyan ko at hindi ako napapakain dahil busog na ako sa kakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko pinipigilan ang sarili ko namahulog kay Natsumi. Dahil siguro natatakot lang ako na masira ang friendship namin at dahil din siguro natatakot ako na iwan niya ako. Pero nahulog pa rin ako sa kanya. Hindi ko man aminin pero alam ng puso ko na mahal ko si Natsumi. Dapat malaman niya rin ang feelings ko para sa kanya!

Tumayo na ako at nagbihis. Pupuntahan ko si Natsumi at ipagtatapat ang nararamdaman ko para sa kanya. Unfair naman ata na siya lang yung umamin ng nararamdaman niya sa akin, diba?

Pumunta ako sa bahay nila ngunit wala raw siya. Nasa Civic daw siya. Siguro nag-skate siya don. Pumunta agad ako at ayon nga siya. May kausap na babae. Grabe hingal ako ng hingal. Tumakbo kasi ako eh! Pero ngayon ko lang naisipan na anong use ng transportation. Pede naman mag commute, diba? Mukhang naiwan ko ata yung utak ko sa bahay eh!

“NATSUMI!” sigaw ko. Tinginan naman yung mga tao sa akin. WoW! Madami na palang si Natsumi.

“Ja! Anong ginagawa mo rito?”-Natsumi

“Hindi ba pedeng tanungin mo muna ako kung ayos lang ako?”-me

“Ayos ka lang ba?”-Natsumi

“Oo! Salamat sa concern mo!”-me

“Your welcome! So, ano ang ginagawa mo rito?”-Natsumi

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon