Chapter 8: Make-Up Session

13 0 0
                                    

At ayon nga, parati na kami magkasama ni Natsumi papunta sa school, mag break, mag lunch, at pauwi. Pinakilala ko rin siya sa mga ka co-media ko at mga friends ko sa school. Si Hanah nga may crush kay Natsu eh! Gwapo raw. HAHAHA!! Tapos si Ralph kilala niya rin  si Natsu pero hindi sila friends noon kaya hindi naman sila nag-uusap ng gaano.Si Kirstie as usual deadma lang kay Natsu kasi wala lang trip niya lang.  Syempre sumasama rin kami sa foodtrip sa Plaza kasama ang barkada, kaso lagi naman kami tintukso. Kesho ang sweet namin, kesyo bagay kami, kesyo nakakakilig kami. Mga ganon pero hindi kami nagpapa epekto. Parang lil bro nga ang turing ko dito eh! Mas matanda ako ng mga 4 months sa kanya. Hahaha!!! At ganon din daw ang turing niya sa akin. Parang elder sister daw.

Kasalukuyan kami nandito ni Natsumi sa kwarto ko. May ginagawa kasi kami eh! Nilagyan ko pa nga sa pinto ko ng ‘DON’T DISTURB OUR MAKE UP SESSION OR ELSE’.

“Wag ka ngang magalaw Natsumi!”-me

“Sa ayaw ko na nga eh! Paulit-ulit na natin to ginagawa! Hindi ka ba nagsasawa?”-Natsumi

“Paanong hindi ako magsasawa eh hobby ko to! Ano ba?! Ang kulit mo! Sige ka, ipo-post ko tong scandal mo sa fb!”-me

“Haiyst! Nakakainis ka naman Ja!”-Natsumi

At pinagpatuloy na namin ang ginagawa naming kababalagahan. Wag kayo maging green minded ha! Min-make-up-an ko lang siya ha! HAHAHAHA! Sa gusto ko siyang make up-an eh!

“Ayan, ang ganda mo pala pag may make up! Para kang babae----ay! Wait lang------dapat may wig pa!” sabi ko sabay sinuot yung wig sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung bakit hinahayaan niya lang akong make up-an siya. Well, may pang blackmail kasi ako sa kanya. Na-videohan ko kasi siyang vine-videohan ang sarili sa kanyang kwarto na sumasayaw ng Open the Door yung dance craze sa Showtime. HAHAHA!!! Para siyang timang! May nalalaman pang suit and tie. LAUGHTRIP! Kaya ayon, pumayag siyang make up-an ko siya katulad ng dati. Syempre ayaw niya namang i-post yun sa fb, baka ma-expose daw ang kagwapohan niya at pagkaguluhan siya. Ako naman si OO lang ng OO.

“Smile ka dali! Picture-an kita!”-me

“PICTURE?! Are you insane? Kanina make-up, ngayon picture? Ano ka hilo? “-Natsumi

“Sige na, please?”-me

“A.YO.KO!” –Natsumi

“Sige ka, ipo-post ko sa fb yung scandal mo! HAHAHA”-me

“Haiyst! Fine! Yan ka na naman sa blackmail mo eh!” –Natsumi

“Smile na dali!” sabi ko at nag smile siya ng pilit.

“Wag naman yung pilit! Isipin mo na lang na magandang babae ka!”-me

“PSH. FINE! Pero may kapalit yun ha!”-Natsumi

“Oo na! Basta mag-smile ka na!”-me

Tapos nag smile siya ng napaka ganda. Grabe para talaga siyang babae, ang ganda niya. HAHAHAHA!!!

“Tapos ka na ba kumuha ng picture?”-Natsumi

“Ah! Oo na! So, ano ba ang gusto mong kapalit? Libre kita ng ice cream o di kaya libre kita sa plaza, sa Mcdo, sa------“naputol yung kasasalita ko ng bigla siyang ngumiti ng nakakaloko sabay sabi ng…..

“Gusto kong maging kapalit ay magbihis ka ng panglalake, yun mismong pagkakamalan talaga kitang lalake ha!”-Natsumi

“Yun lang ba? Sige ba! Ang dali lang naman non eh!”-me

Pumunta ako sa kwarto nila mama at kumuha ng napakalaking t-shirt ni papa sa cabinet at nagbihis. Pony tail yung pagkakatali ko sa buhok. Kumuha ako ng eyeliner at gumuhit ng mustache sa taas ng lips ko. Sinuot ko yung sapatos kong dunk shoes and TADA!

“Ano? Ayos na ba?”tanong ko kay Natsumi

“Hindi.Parang may kulang eh!” –Natsumi

“Ano naman ang kulang? Ah! Alam ko na. Kulang ako sa pag act noh?! Kailangan ko siguro mag act as a boy, tama ba ako?”-me

Inayos ko ang sarili ko at nagsimula ng mag act sa a boy.

Lakad dito….

Lakad doon….

Siga dito….

Siga doon….

“ANO? LABAN KA?” sabi ko sa panglalakeng boses.

“HAHAHA! SIRA!” Natsumi

“PSH.Ano naman kasi ang kulang?”-me

“Kung lalake ka, syempre dapat may partner ka” –Natsumi

“Sino?”-me

“Syempre ako! Alangan yung kutsara,sige ka, magagalit sayo si tinidor kasi inagawan mo siya ng partner” –Natsumi

“Corny mo! Bakit ba kase kailangan ng partner?”-me

“Haiyst! Dami mong tanong! Halika nga rito” Natsumi

Hinila niya ako paupo at kinuha niya yung iphone niya at pinindot niya yung front camera at nagpicture siya. PSH.

Dami pang sinabi gusto lang naman magpicture. At ayon nga nagpicture taking kaming dalawa. Siya nakapang babae at ako naman ay nakapanglalake. Kumbaga para kaming nag swap ng kasarian. HAHAHAHA!!! Smile there. Smile here. Wacky there. Wacky here. Peace sign there. Peace sign here. Yan yung mga pose namin. Grabe dami kong tawa. Paabo ba naman kasi si Natsumi nakakatawa. Haiyst! Sana forever na kami magkasam ni Natsumi.

“Hoy Natsu! I-pm mo sa akin yung mga pictures ha!”-me

“Oo nga! Ang kulit din ng lahi mo noh?!” Natsumi

“HAHAHA”-me

“BYE! Uwi na ako” Natsumi

“Bye rin! Ingat sa pag uwi.” –me

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon