Chapter 5: Natsumi?!

18 0 0
                                    

*Zerimar’s Residence

“ O siya, at papasok na ako! Ingat ka na lang sa pag uwi! Bye!”-me

Papasok na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay at pinaharap sabay hinawakan ang likod ng ulo ko at hinalikan sa noo.

“Thank you for completing my day. Ang saya mo pala kasama kahit ngayon lang kita nakilala. Baliw ka pala! Hahaha!!! Bye!” –Natsumi

Sabay tumakbo hanggang nawala na siya sa paningin ko. Did he just kiss me in my forehead?

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa C.R at naligo alangan namang humiga agad ako sa kwarto at matulog, diba? Ang dumi ko kaya! Pagkatapos ay kumain na ako ng dinner. Grabe mukhang wala akong ganang kumain ngayon. Samantalang ako naman laging nakakaubos ng pagkain eh! Makapag facebook na nga muna. Pumunta ako sa kwarto at binuksan ang computer at nag log in sa facebook.

Scroll……

Scroll……

Scroll……

Scroll……

Scroll……

Scr---- Wait! Friend ni Ralph si Natsumi sa facebook? Magkakilala ba sila sa personalan? O di kaya na gwapohan lang si Ralph sa picture ni Natsumi kaya ini-add niya tapos ini-accept agad ni Natsumi. Medyo hindi straight kasi si Ralph eh! You know, baluktot ang daan. Atsaka imposible namang magkakilala sila,diba? Eh! Nagkita nga sila kanina tapos---- Wait! Pano nalaman ni Natsumi na mga ka co-media ko yun? Baka stalker ko siya. Oh no! Baka may balak na masama sa akin yung ugok na yun! Or maybe not. Haiyst! Ang gulo. Makapagtulog na nga lang. Tanungin ko na lang mga ka co-media ko kung kilala nila yung chakang nilalang na yun! May pasok naman bukas eh!

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

“Reija, gising na!”

Tsk! Istorbo naman si mama.

“Hoy gising na!”

“Wait lang, 5 minutes.”-me

“GISING NA!” tapos bigla niya akong kinurot sa legs kaya napabalikwas ako.

“Sabi ko wait lang, Ma! Hindi ka naman maru-----WAHHHH!!! A-anong ginagawa mo rito?! B-bakit ka nandito?”-me

Bakit nandito tong kumag na to!

“Hoy! Wag mo nga akong sigaw-sigawan diyan, Mama mo ako!”

Ha?! M-mama?! Shinake ko yung ulo ko at tinignan ko yung taong nasa harapan ko. Ay! Oo nga noh, mama ko nga. Ano ba yan?! Akala ko si Natsumi.

Tumayo na ako at inayos ang aking kama. Dumiretso ako sa c.r at naligo na. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan mabuti ang aking sarili.

“Grabe! Ang seksi ko pa rin at ang ganda kahit kain ako ng kain.Pero I wonder why kung bakit wala pa sa aking nanliligaw. Maganda,mabait, at matalino naman ako, pero---------WAHHHHHH!!!!”-me

Nakita ko si Natsumi na ngumingiti sa salamin na nasa likuran ko pero ng nilingon ko, wala naman. OhMyGod! Baka minumulto niya ako. Ay! Gaga, buhay pa yung chakang nilalang na yun. Kahapon nga magkasama kami tapos----Wait! Hindi kaya multo Lang talaga yung nakasama ko kahapon?! Argghhh!!! Ano ba tong pinag-iisip ko. Tinatakot mo lang ang sarili mo Reija. Walang multo, okay?

Nagmadali na akong naligo at inayos ang aking sarili. Hindi na ako nag breakfast kasi hindi ko gusto yung ulam eh! Sumakay na ako papuntang school at dumiretso sa classroom.

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon