Chapter 10: Watashi Wa Anata?! Ano yun?!

11 0 0
                                    

Araw-araw at Gabi-gabi kami laging nagte-text ni Enrique. Minsan nga mga madaling araw na hindi pa kami tapos mag text eh! Tumatawag din siya sa akin paminsan-minsan. Grabe ang gwapo ng boses. Nagte-text din pala si Natsumi sa akin kaso dinededma ko lang. Katulad nga ng sabi ko, sayang sa load. DUH?! Si Natsumi, araw-araw ko nakikita sa school. Medyo nakakasawa na nga ang pagmumukha eh! Pero oks lang kasi mahal ko yun kahit ganon. Para na nga siyang lil bro ko, diba? Tsaka si Enrique hindi ko pa nakikita at hindi ko pa nakakasama kaya sa kanya ko lang ilalaan yung load ko noh?! HAHAHA!!! Ang sama ko ba?

Saturday ngayon at kasalukuyan ko na naman ka text si Enrique.

From: Enrique

Reija, pwede ba tayong mag meet?

OhMy! Atlast, mame-meet ko na siya!

To:Enrique

Of course! Kailan ba? Saan?

From: Enrique

Sa SM, tomorrow at 1:00 pm

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

Kinabukasan ay excited na excited akong pumili ng damit na isusuot ko para sa pagkikita namin ni Enrique. Kyahhh!!!

Nasa labas na ako ng bahay ng dumating si Natsumi.

“Saan ka pupunta Ja?” –Natsumi

“Sa SM lang”-me

“Anong gagawin mo don?” –Natsumi

“Makikipagkita ako sa friend ko eh!”-me

“Samahan na kita! Nakakamiss ka kasi. Lagi ka na lang may ka text. Hindi mo na napapansin na may kasama ka eh! Para ngang invisible ako tuwing kasama kita! Kaya gusto kong pakatapos ng pagkikita mo sa friend mo eh! Mag jamming tayo!” –Natsumi

Ganon na ba ako sa kanya? Grabe, ang sama kong nilalang! Nakakakonsensya naman.

“Oh, Sige! Hintayin mo na lang ako ha! Mga 3 pm ako uuwi para naman may time tayo mag bonding,okay?”-me

“Sige, hinatayin kita!”-Natsumi

Pagkatapos ay pumunta na ako sa SM. Grabe! Medyo kinakabahan ako. Baka kasi hindi niya ako magustohan sa personal eh!

Umupo muna ako sa isang bench don at naghintay. Maya-maya ay may nag poke sa akin kaya napatingin naman ako.

“Hi Reija!” sabi niya. ShetnaMalagkit! Ang gwapo niya, lalo na sa personalan.

“H-hi E-enrique!” sabi ko sabay smile.

“Ang ganda mo pala sa personalan, Reija!” –Enrique

“Salamat. Ikaw din ang gwapo mo!”-me

Pagkatapos ay nilibre niya akong pagkain then naglaro kami sa W.O.F. Grabe! Nakaka enjoy talaga ang araw na to! BEST DAY EVER! Kumain kami ulit para sa dinner at libre niya ulit. Grabe! Mukhang siya lang yung gumastos ng lahat. Eh! Ang nagagastos ko palang ay yung pamasahe papuntang SM.

“Salamat nga pala Enrique sa araw na to. Sobrang ang saya ko”-me

“Ako nga dapat ang magpasalamat sayo kasi nakapunta ka, Nakompleto tuloy ang araw ko” sabi niya ng ikina-blush ko.

Tinignan ko ang watch ko and it’s already 7:18 p.m. OhMy! Si Natsumi, nakalimutan ko.

“Ah Enrique, mauna na ako ha!”-me

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon