Chapter 6: The Weird Feeling

19 0 0
                                    

Nang matapos na ang klase ay pumunta ako sa plaza together with my co-media and my friends Kirstie, Cathy and Sarah. Magfo-foodtrip kami eh! Nang nakarating na kami doon ay marami akong nakikitang mga skater guys na nag-iiskate alangan namang nag-hysterical dance, diba? Habang kumakain kami ng kwek-kwek at umiinom ng palamig ay nanonood kami sa mga taong nag-iiskate. Grabe! Nakakainggit naman. Gusto ko matutunan kung pano mag stunts sa skate board. Ang aastig nila. HMP. Balang araw magiging magaling akong tindera------- ay skater girl pala. Pangako yan sa bayan ng aking sinilangan.

“Tara na guys, alis na tayo!” alok ko sa kanila at nagsimula na kaming maglakad pero bago yun may narinig akong nagchi-chismisan na ikinatigil ko.

“Sino yun?  Ang gwapo naman niya” –girl 1

“Oo nga! Gwapo na, magaling pa sa pag skate” –girl 2

M-magaling sa pag s-skate? Tapos g-gwapo? OMG! Chance ko na to! Gusto ko magpapaturo sa kanya! Kadalasang mga panget kasi ang nag-skate dito kaya ayoko namang magpaturo sa kanila.

Bihira lang ang may gwapo. Choosy na kung choosy pero gusto ko magpaturo sa kanya.

Lumingon ako at tinignan kung nasaan yung sinasabi ng mga chismosa.

“Reija, akala ko ba aalis na tayo?” tanong ni Hanah sa akin.

“Wait lang may hinahanap lang ako”-me

“Ano ba yon, tontz?” tanong sa akin ni Kirstie.

“Hindi ano,kundi sino!”-me

Tingin……Tingin…….Tingin……Tingin…..

Haiyst! Nasan ba yung sinasabi nong mga tsismosa? Mukhang wala naman eh! Puros mga chaka ang nakikita ko.

“Muchacha!”napalingon naman ako sa gwapong nilalang na mas gwapo pa kay Natsumi tapos sa akin siya nakatingin then bigla siyang kumaway. Ako ba talaga yung kinakawayan? Tumingin ako sa katabi kong babae na hindi ko kilala tapos bigla rin siya kumaway na mukhang nahihiya pa. Psh. Sabagay, mukhang siya naman talaga ata yung tinatawag na muchacha. Halata naman sa mukha niya eh! HAHAHAHA!! Ang sama ko ba? Ganyan talaga! Alangan namang ako yung tinatawag na muchacha, diba? Sa ganda kong ito tapos -------------

“Grabe ka naman Muchacha! Kanina pa akong kaway ng kaway sayo tapos tawag ng tawag hindi ka man lang kumakaway sa akin!” sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Sino siya? Bakit niya ako kilala? Siguro isa siya sa mga admirers ko.

 Ayieee…. Kilig to the bones naman ako. Eh! Sa gwapo niya naman kasi eh! Pero---------BAKIT MUCHAHA ANG TAWAG NIYA SA AKIN!?

“Sino ka ba? Hindi naman kita kilala ah! At FYI hindi Muchacha ang pangalan ko, okay?” pagsusungit ko sa kanya.

“Ay! Oo nga pala! Hindi muchacha yung pangalan mo eh sa ganda mong yan”sabi niya na ikina-flattered ko.

“Thank you!”sabi ko kaso bigla siyang nagsalita.

“Kasi Manang Naning pala pangalan mo. HAHAHAHA!!!” sabi niya.

WHAT THE?! Nakakainis na siya ha!

“Sino ka ba talaga ha? Nakakainis ka na!”-me

“Grabe ka naman! Kahapon nga lang mag kasama tayo tapos ngayon nakalimutan mo na kung sino ako? Nakakahurt naman. Huhuhu” sabi niya at umarteng umiiyak. TCH. So gay naman nitong nilalang na to. Siguro mukhang walang magawa kaya nangti-trip sa akin. Makaalis na nga. Mahahanap ko naman siguro yung lalakeng gwapong magaling mag skate sa susunod na pag punta namin dito. Wait! Nasaan na yung mga ka co-media ko at mga friends? Haiyst! Iniwan na nila ako. Kainis!Nagsimula na akong maglakad ng biglang nagsalita yung annoying guy.

14 Letters Mr.Skater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon