Diane’s POV
“Good Morning SG and Presidents! May meeting tayo after lunch! Attendance is a MUST! See you.
- SG President“
Text ng secretary na si Rhia. Hayss. May meeting nanaman, tss. Kakasimula palang ng klase, meeting agad. Wala din namang natatapos. Ano naman kaya ngayon ang pagmi-meetingan? Bahala na mamaya.
Magpapakilala muna pala ako sa inyo. Diane Mendoza is the name. President ako ng course namin w/c is CTHM Department. Oo, isa akong Freshman na Tourism Student kasi maganda ako. (Anong connect?) Hihi. Bakit marami namang magaganda sa Tourism a? At isa na ako dun. WHAHAHA. De joke lang. Asumera kasi ako. So, back to reality na tayo.
Papunta na ako ng cafeteria. Vacant naman namin e saka lunch time na din. Pumila na ako for my lunch.
Pagkakuha ko ng order ko, binayaran ko na at humanap na ako ng bakanteng mesa. Nang mapansin kong bakante yung mesa sa sulok, pumunta na agad ako dun at kumain. Habang kumakain, ginagawa ko yung ibang assignments ko. Nang may biglang nagsalita sa tabihan ko.
“Is this vacant?” sabi nung lalaki. Tiningala ko yung nagsalita. Nung makita ko mukha nya.. O.o! Na-nagulat ako kasi yung crush ko na model ng school yung nasa harap ko.
“Y-yes!” nauutal kong sagot.
“Thanks!” sabi nya sabay upo sa harap ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko sya ngayon. Nahimasmasan lang ako ng magsalita sya.
“Hey!” sabi nya habang iwinagayway nya yung mga kamay nya sa harapan ko.
“Ah. S-s-sorry.”
“It’s okay.” Sabi nya sabay ngiti.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay umalis na ako agad sa harapan nya. Dali-dali akong pumunta ng washroom. Naghilamos nang naghilamos. At na-realize kong totoo yung kanina na nasa harapan ko sya at nakasabay ko syang kumain. Sobrang saya ko tuloy. Nag-ayos na ako ng sarili ko. Ang ganda naman ng pagpasok ng New Year sakin. Hehe.
Third Person’s POV
Nasa SG Room na ang lahat at naghihintay na lang para sa pagdating nang kanilang presidente. Wala pang masyadong kakilala si Diane sa kanila dahil recently lang sya naging President ng kanilang Department. Naka-aattend naman na sya ng ilang meetings noon bago mag-Christmas Break pero di parin nya nakikilalang lubos ang mga kasama.
Nang makadating na ang kanilang presidente na si Ms. Reina Dimatactac, nagsitahimik na ang lahat. At nagsimula na ang kanilang meeting.
“Magandang Hapon sa inyo SG at mga Department Presidents. Marahil ay nagtataka ang karamihan sa inyo kung bakit may meeting agad tayo ngayon. Napag-usapan kasi naming mga SG na magkaroon tayo ng isang event na bago man lang sumapit ang summer vacation. Ang event na ito ay binubuo ng tatlong kategorya: Academics, Sports, at Amazing Race. Mayroon din tayong pageant at syempre ang awarding ceremony.” Tahimik lang silang nakikinig sa kanya. At ipinagpatuloy nya na ulit ang pagsasalita.“Isang lingo nating ice-celebrate at tatawagin natin itong, “The President’s Cup!” Ito ang kauna-unahang President’s Cup natin tutal bago palang itong campus natin. Para na rin ito sa promotion ng ating school sa iba’t-ibang lugar. Ito ay gaganapin after the finals. So, any questions, suggestions, or violent reactions para sa ating event?”
Biglang may nagtaas ng isang kamay mula sa kanang bahagi ng kwartong yun sa may dulong upuan. Tinawag ito ni Ms. President.
“Tayo po ba ang organizer ng event na ito?” tanong nung babaeng nagtaas ng kamay.
“Yes. At mahahati tayo sa mga grupo na may kanya-kanyang tasks and responsibilities na gagawin.” Sagot naman ng presidente.
May isa pa ulit na lalaki na nagtaas ng kanyang kamay. Sya naman ay malapit sa kinauupuan ni Diane. Tinawag naman ito ni ng presidente.
“Ms. President. Pwede po bang mag-suggest ng category for academics?” tanong nung lalaki.
“Oo naman.”
“Ire-request ko po sana ang rap battle.” sabi nung lalaki.
“Maganda yang naisip mong category. Salamat.” Ngumiti lang yung lalaki.
“Wow!” sabi ni Diane sa kanyang sarili. Namangha sya dito at ipinagpatuloy na lamang sa pakikinig.
“So, no more questions?” tanong ni Ms. President. Umiling lang ang mga estudyante. “The meeting is adjourned. You may now go back to your classes.” Dagdag pa nya.
Nang matapos sila, nagsibalikan na sila sa kanilang mga klase. Hindi pa rin naaalis sa isipan ni Diane ang paghanga nya dun sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Sana 'Di Na Lang
Teen Fictioninspired by the song, "Sana Di Na Lang" by Dello. Gomawoyo! ^__^