Valentines Day na. Second day na ng mga booth namin. Mas marami na ang mga estudyante na customer namin ngayon kumpara kahapon. Ang sayang tingnan ang mga college lovers na nagda-date dito sa Resto Booth namin. May mga lovers na ang sweet-sweet sa isa’t-isa. Meron din namang sinusubuan nila ng pagkain ang isa’t-isa. Pinagmamasdan ko lang sila nang may magtakip sa mga mata ko.
“Can you be my date for today?” boses lalaki.
“S-sino to?” tanong ko.
“B.” tinanggal na nya yung mga kamay nya at hinarap ako.
“Yes or yes?”
“May choice pa ba ako? Tss.”
“O tara na! Hanap na tayo ng pwesto. Yes!”
Hinila na nya ako patungo sa bakanteng mesa sa may gitna. Gitna talaga? Tss. Pero ayos lang. Center of attraction kami. Hahaha. Hinila ni Jordan ang upuan sa harap ko at saka ako pinaupo. Tinignan ko yung mga ka-department ko at kilig na kilig sila. Haha. Inggit sila e. yung mga ibang estudyante, sumigaw ng ‘Ayiiee!’ Nilapitan na kami nung HRM student at tinanong na order namin. Bago sya umalis may binulong sya sakin.
“Ms. President, naka-jackpot kayo. Haha.”
“Shh.”
Umalis na yung HRM student. Mabilis namang dumating ang order namin. Kumain lang kami at nagkwentuhan saglit.
“Happy Valentines B!” sabi nya at may inabot na red roses w/ chocolates.
“Thank you.”
Natapos ang maghapon at nanatiling nakangiti parin ako. Hindi kasi ako makamove-on sa date namin ni Jordan kanina. Hihi. First time ko to. Kyaa!
Lyle’s POV
Pupuntahan ko na si Diane para i-surprise sya. May dala kasi akong boquet of flowers and pieces of sweets. Kaya lang, pagpunta ko sa lugar nila, nakita kong may ka-date na sya. Kasalanan ko din naman kasi, di ko sya nasabihan na gusto ko syang maka-date. Hihintayin ko na lang sila matapos at saka ko na lang siguro ibibigay sa kanya. Aalis na muna ako.
Dumaan ang buong maghapon na hindi ko naibigay yung flowers and chocolates. Nakatulog kasi ako dito sa ilalim ng puno.
“Aish. Ba’t ba nakatulog ako? Hindi ko tuloy naibigay sa kanya tong mga to.”
Ibibigay ko na lang to sa kapitbahay namin. Sayang din kasi kung itatapon ko lang.
Jordan’s POV
Uwian na. Nandito ako sa pathway at hinihintay si B. Sasabay ako sa kanya pauwi. Mga ilang saglit pa dumaan si Lyle na may dalang bulalak at mga sweets. So, tinawag ko sya.
“Tol. Kamusta? Para kanino yang mga yan?”
“Ibibigay ko na lang sa kapitbahay namin.”
“Ah. Ba’t naman? Hindi ka ba sinipot ng ka-date mo?”
“May ka-date syang iba e.”
“Aww. Sayang naman.”
“Okay lang. O pano ‘tol, una na ako. Ge!”
“Ingat pre.”
Kumaway lang sya ng patalikod. Dumating na din si Diane.
“Hi B!”
“Ginagawa mo pa dito? Teka. Diba si Lyle yun? Ano yung mga dala nya?”
“Sasabay ako pauwi. Okay lang? Bulaklak at sweets. Hindi daw nya naibigay at may ka-date na yung pagbibigyan nya sana.”
“Aww. Kawawa naman sya.”
Naglakad na kami. Ihahatid ko talaga ngayon si Diane. Ewan ko ba. Ngayon na lang ulit ako nagkaganito sa isang babae. May part sakin na nagsasabing alagaan ko sya. Hayy.
Lyle’s POV
Nakauwi na ako samin. Naibigay ko na rin sa kapitbahay namin yung mga dala ko kanina. Natuwa naman sila. Yayayain ko na lang siguro sa weekends si Diane. Para sa isang Post Valentine Date. Paghahandaan ko na lang yung araw na yun. At sana free sya sa mga araw na yun.
BINABASA MO ANG
Sana 'Di Na Lang
Teen Fictioninspired by the song, "Sana Di Na Lang" by Dello. Gomawoyo! ^__^