CHAPTER 8

34 0 0
                                    

Diane’s POV

Saturday na ngayon. May date kami mamaya ni Lyle. Post Valentine Date daw aniya. Mamayang 1 PM pa naman yun so may time pa ako para makapaglinis ng kwarto ko. Papalitan ko ang mga kurtina, bedsheet, at mga punda. Nang makatapos ako, nakatulog ako sa sobrang pagod at puyat na din.

Naalimpungatan ako ng marinig na may tumatawag sakin. Sinagot ko sya.

“Hello?”

“Diane. Nandito na ako sa mall. Saan ka na?” boses lalaki. Tinignan ko yung caller ID. At napabalikwas nang maalala ko yung date namin ni Lyle. Sh*t.

“Ay. Sorry Lyle. Nakatulog ako e.”

“Okay lang. Sige. Hintayin na lang kita dito.” pinatay ko na yung tawag.

Past 2 PM na pala. Nakailang missed calls at texts na pala sya. Aww. Dali-dali na akong kumilos. Nagsuot na lang ako ng floral dress at flats. Kinuha ko na rin yung sling bag ko. Nagpaalam na ako kina mama.

“Ma. Alis muna ako a?” paalam ko kina mama.

“Ba’t ba medaling-madali ka?” tanong nya.

“Late na po ako e.”

“Yiiee. Si ate. Nagdadalaga na. May date-date nang nalalaman. Haha.” tukso naman ng kapatid ko sakin.

“Haha. Sige na po ma. Una na po ako. Bye!” I kissed her cheeks.

“Ipakilala mo samin yan mamaya ha? Sya sige na. Ingat ha?”

Nagtrike na lang ako papunta sa mall. Nang makarating ako, agad ko namang nakita si Lyle. Nakatayo sya malapit sa entrance. Nilapitan ko na agad sya.

Lyle..”

Niyakap nya ako at sinabing, “Akala ko di ka darating.”

“Ah. Sorry. Naglinis kasi ako ng kwarto ko kanina e.” nagsimula na kaming maglakad.

“So, saan tayo?” tanong ko sa kanya.

“Saan mo ba gusto munang pumunta?” pagkarinig ko nun, biglang kumalam tyan ko. Sana di nya yun narinig. Pero nagkamali ako. Hindi nga pala ako nakapaglunch kanina.

“Parang alam ko na. Haha. Tara! Kain tayo.” hinila na nya yung isang kamay ko at pumunta sa Jollibee.

“Ano order mo?”

“N2 at Sprite sakin. Hahanap na ako ng pwesto natin.”

Matapos naming kumain, niyaya nya ako manood ng sine. Ako na lang ang pinapili nya ng movie. Bumili na sya ng tickets and some foods and drinks.

After 2 hours..

Lumabas na kami ng movie house at kumain na ulit for dinner. Hinatid na nya ako samin.

Papasok na sana ako ng gate nang tinawag nya ako. “Diane..” hinarap ko sya.

“Diane.. Thank you for this day!” lumapit sya at niyakap ako.

“Thank you rin.”

Biglang lumabas si Jessa, yung kapatid ko. Patay! Hahaha.

“Ma. Nandito na po si ate. May kasama po sya!”

Lumabas na rin sina mama at papa. Buti na lang at nakaalis na si Lyle.

“O? Nasaan na yung kasama mo?”

“Pa. Nakaalis na sya. Tara na! Pasok na po tayo sa loob.”

“Anong ginagawa nyo pa dito sa labas? Gabi na a?” sabi ni kuya. Hoo! Buti di kami nagkasabay. Haha.

“Etong si ate. May ka-date kanina. Nakita kong niyakap sya nung lalaki.” pagsusumbong ni Jessa.

Hindi naman ako makatanggi dahil totoo naman talaga. Nahihiya tuloy ako.

“Sino yung lalaki na yun?” tanong ni kuya. Ang sungit talaga. Tss.

“Ah. Wala yun kuya. He’s just a friend.”

“Kaibigan? E ba’t sabi ni Jessa, niyakap ka daw?”

“May mga magkaibigan namang nagyayakapan a?”

“Sigurado ka ha? Basta! Mag-ingat ka lang sa mga kaibigan mong yan. Ipakilala mo na din yan samin sa susunod.”

“Okay.” umakyat na ako sa kwarto at nahiga na rin. Nakakapagod!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana 'Di Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon