Nagpatawag ako ng meeting para sa Department namin. Sisimulan na namin ang paghahanda para sa The President’s Cup.
“Kumpleto na ba ang mga gagamitin para sa meeting?” tanong ko dun sa secretary namin na si Kristen.
“Yup. May venue na rin tayo para sa meeting natin.” sagot nya.
“Good.”
Nagsisidatingan na ang mga estudyante. Unti-unti nang napupuno ang meeting area. Nagsimula na rin akong magsalita.
“Good morning guys! Siguro naman ay naririnig nyo na sa ibang department na magkakaroon tayo ng isang event bago sumapit ang summer vacation, right? Totoo yun. Kaya ako nagpatawag ng meeting ngayon ay dahil kailangan nating itong paghandaan. Maggagawa na tayo ng mga listahan kung saan nyo gusting sumali. Excited na ba kayo guys?”
“Yes!” sagot nila.
“Tayo ay may tatlong category. Ito ay ang: Academics, Sports, at Amazing Race. Sa Acads, meron tayong photo contest, quiz bee, essay writing, poster making, at declamation, at rap battle. Sa Sports naman, meron kaming basketball, volleyball, at football. At sa Amazing Race naman ay ang mga iba’t-ibang Palarong Pinoy. At nagkaroon din nang pahabol na contest, which is Cheering Competition and Mr. & Ms. UBLC. Meron akong ipapasang mga papel. Dito nakasulat ang mga contests natin. Isulat nyo lang ang mga pangalan kung saan nyo gustong sumali. Gets?”
Biglang may nagtaas ng kanang kamay. Tinawag ko sya.
“Ms. President. Ilan po ang pwedeng salihan?” tanong ng babaeng nasa may bandang gitna.
“1:2 which means, one student for acads and two for sports category. Para naman sa Amazing Race at Cheering Competion lahat ay pwedeng sumali. Okay?”
Naupo muna ako saglit habang sinimulan ko na ang pagpapalista sa kanila. Iidlip na sana ako ng tinawag ako ng VP namin at sinabing may naghahanap daw sakin sa labas. Lumabas na ako para makita kung sino yung taong yun.
“Hi B!” bati ng isang lalaki. Nakasandal sya sa pader habang nakatukod ang isang paa nya sa pader. Yan na ang tawag nya sakin simula nung nakita nya M.I. sa ID ko. Ang sarap pakinggan sa tenga. Hihi.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Jordan.
“Kinakamusta ka. Ayaw mo ba?”
“Ah. Ayos naman ako. wala kang klase?”
“Meron. Kaso tinatamad ako e.”
“Aba! Magaling na bata. Matalino ka siguro, no?”
“Ahhmm. Siguro?”
“Ah! Saglit lang ha? Papasok lang ako saglit. May meeting kami e.”
“Sige lang. Take your time. Dito lang ako.”
Pumasok na ako sa loob at tapos na rin sila sa listahan.
“Ito ay isa lamang temporary list. Kung may gusto kayong ipabago, puntahan nyo lang ang VP natin na si Ira at sya na ang bahala sa inyo. Maari na kayong lumabas.” Nginitian ko silang lahat.
Naiwan kaming mga officers para mag-ayos ng mga upuang nagamit. Nang matapos kami ay may ibinigay na invitation sakin si Danica, dating bestfriend ko. Pero nakahanap na sya ngayon ng bago nyang kaibigan. Namimiss ko na sya.
“Bhe. Sana makapunta ka. Asahan kita ha?” sabi nya sabay yakap sakin.
“Sure!”
Binuksan ko na yung invitation at napansin kong may nahulog na picture. Pupulutin ko na sana yung picture nang may ibang pumulot nun at saka ibinigay sakin.
“Thank you.” Tiningnan ko yung lalaki at si Jordan pala. Akala ko nakaalis na sya?
“Bestfriend mo?” tanong nya.
“Dati.”
“Anyare?”
“Long story e. And it was my fault too. Hindi nya ako mahagilap kasi busy ako lagi. Kaya humanap sya ng mga kaibigan na makakapagpasaya sa kanya. Lalo na sa mga panahon na kailangan nya ng makakaramay, wala ako sa tabi nya para i-comfort sya. Namimiss ko na sya.” pagkwekwento ko. Binigyan na nya ako ng panyo. Nagtataka ko syang tiningnan. Bigla nyang pinunasan yung mga mata ko. Umiiyak na pala ako.
Tiningnan ko yung picture namin. Ito yung first picture namin together as bestfriends. May nakasulat sa likod nung picture. Ito ang nakalagay.
“Bhe. I miss you!
- Danica”
Malapit na pala debut nya. And it is just two months from now. Sisiguraduhin kong free na ako sa araw na yun. Pagkatapos nun, hinatid na nya ako pauwi.
BINABASA MO ANG
Sana 'Di Na Lang
Roman pour Adolescentsinspired by the song, "Sana Di Na Lang" by Dello. Gomawoyo! ^__^