CHAPTER 3

31 0 0
                                    

Jordan’s POV

Friday ngayon, kakadating lang ng school ang klase namin. Kakatapos lang kasi nang NSTP namin. Vacant ko na ngayon at kakain na ako for my lunch. Nakasalubong ko na ulit yung babaeng nasa meeting nung isang linggo. Ang ganda talaga nya. Gusto ko syang makilala.

“Hi!” bati ko sa kanya. Nginitian naman nya ako. Ang hilig nya talagang ngumiti. “Tara! Sabay na tayo mag-lunch. My treat.” yaya ko sa kanya.

“Sige.”

Naghanap na kami ng pwesto at naupo na dun. Nagpakilala na ako sa kanya.

“Hi! Ako nga pala si Jordan Reyes. 2nd year college, Engineering. Ano name mo?” tanong ko sa kanya.

“Diane Mendoza, freshman, Tourism. Nice to meet you.”

“Nice to meet you too.”

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan matapos kumain hanggang sa kailangan ko nang umattend sa next class ko.

“Ahmm.. Diane. Mauuna na ako sayo ha? Aattend na kasi ako for my next class. Salamat sa time. See ya!” paalam ko sa kanya.

“Bye!”

Diane’s POV

Ang galing naman. Maraming na akong nakikilalang mga estudyante sa higher years. At unti-unti ko na silang nagiging close. Kahit na naging loner ako sa klase ko, marami naman na akong mga nakakasama kapag vacant time ko. Tulad ngayon, may nakilala na ulit akong bagong kaibigan. Si Jordan Reyes, isang Engineering student. Math siguro ang paboritong subject nya. Nilibre nya ako ng lunch ngayon. Hehe.

Pagdating ko ng room, nagtext prof namin. Hindi raw sya makaka-attend ngayon. Busy daw e. Siguradong matutuwa nanaman ang mga kaklase ko. Last subject na kasi naming to. Makakauwi na nang maaga ang iba sa kanila. Ang iba naman ay gagala sa mall. Simula kasi nang nakasama ko ang mga I.T students, halos gabi na ako nakakauwi palagi.

Pumasok na ako ng room at nag-aanounce, “Class. Hindi daw aattend si prof ngayon. Busy daw e.”

Pagkarinig nila nun, nagsigawan na yung iba ng, “Yes! Wala na ulit klase!”

Nang makalabas na sila ng room, sinigurado ko munang nakapatay na ang mga aircon at nakaayos na ang mga upuan. Lumabas na ako ng room at pumunta na ako sa library. Tambayan naming mga estudyante kasi malamig sa loob. Hahaha.

--- Library ---

Naghanap na ako libro na gagawin kong reference para sa mga assignments ko. Nagsa-soundtrip lang ako habang nagsusulat. Nang matapos ako magsulat, saktong nagsidatingan na ang mga kaibigan kong I.T. Ang isa sa kanila ay nagbubuo ng rubix cube. Sya ay si Jerome. Hinintay ko syang mabuo nya yung rubix cube nung hiniram ko.

“Jerome! Pahiram. Hehe.” Binigay naman agad nya. Nagbubuo lang ako ng rubix cube, nang biglang may umepal.

“Hindi mo naman yan kayang buuin.” boses lalaki sya. Nakafocus kasi ako sa rubix cube e.

“Paano kapag nabuo ko ito?” tanong ko sa kanya. Nang mabuo ko ang second layer, tiningnan ko muna yung kausap ko. Sya pala. Yung nakasabay ko mag-lunch kanina.

“Edi ililibre ulit kita ng lunch.” Sabi nya at ngumiti.

“Sige ba!”

Natagalan ako sa pagbubuo ko ng third layer kasi matagal na akong hindi nakakapagbuo ng rubix cube. Kaya medyo nalito ako at bumalik ulit sa pagbubuo ng second layer. Ino-obserbahan pala nya ang pagbubuo ko.

“Hindi mo naman mabuo e.”

“Mabubuo ko ‘to. Tiwala lang.”

Ilang minuto pa ang tumagal ng mabuo ko rin sa wakas ang rubix cube. Yes! Haha. Maililibre na ulit ako ng lunch. Hahaha.

“O ayan! Nabuo ko na. Lunch ko bukas ha?”

“Ay teka! Wala pala akong pasok bukas. Sorry!”

“Madaya ka! Hmmp.”

“De joke lang. Haha. Ano oras lunch mo?”

“Tulad nang kanina.”

“Ah. Sige.”

Bigla kaming natigilan sa pag-uusap nang mapansin naming nakatitig sila samin. Nakalimutan kong kasama ko nga pala ang mga I.T.

“H-hi.” Sabi ko sa kanila.

“Magkakakilala kayo?” tanong ni Ate Pat.

“A-ah oo Ate Pat. Nakasabay ko kasi syang mag-lunch kanina e.”

“Aah.”

Matapos pa naming magkwentuhan, nagkayayayaan na ulit kaming pumunta nang mall.

Sana 'Di Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon