CHAPTER 6

23 0 0
                                    

Love month na. Ang pinakapaboritong buwan nang mga nagmamahalan. Tss. Bitter lang? Hahaha. Totoo naman e. Ilang weeks na lang malapit na rin ang The President’s Cup. Excited na ang lahat. Nagsimula na rin ang department namin magpractice nang kani-kanilang sinalihan. Nagpa-audition din ako para sa aming Mr. & Ms. UBLC.

At dahil love month na ngayon, magkakaroon ng sari-sariling booth ang bawat department. Meron kaming Marriage Booth, Jail Booth, Dedication Booth, Photo Booth, Serenade Booth, Flowers and Sweets, at syempre Resto Booth na para sa aming department. Ito ay para sa mga lovers out there na gustong maka-date ang kanilang loved ones. Kahit na busy ang mga estudyante para sa event for the next month, nagawan parin nila ng paraan para maidaos ang Valentines Day. Ang mga booth namin are just for 2 days. 

“Tayo ang may pinakamalaking space na gagamitin para sa booth na gagawin natin at yun ay ang covered court. So, maglalagay tayo ng 15 tables ang 30 chairs. 2 chairs per table tayo. At dahil kakaunti ang lalaki sa atin, tutulong din ang ilang babae sa pag-aayos ng ating venue. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Ang unang grupo ang magsisilbing waitress and chefs natin. Pagsasamahin ang mga Tourism and HRM students. Ang mga Tourism students ang magsisilbing waitress natin. Ang mga HRM students naman ang bahala sa mga pagkain at inumin ng mga guests. Yung pangalawang grupo naman ay maghihintay muna ng 4 and a half hours at saka sila makikipagpalit sa unang grupo. Habang naghihintay sila, pwede rin sila nating maging guests at the same time. Do you get what I mean?” sabay ngiti ko sa kanila.

“Ms. President. E what if po kapag may gusto akong ka-date, e kaso magkaiba kami ng grupo?” tanong ng isang HRM student na babae.

“Oo nga po. Paano po yun?” tanong din ng iba pang mga estudyante.

“Simple lang. Edi kausapin nyo na agad ngayon kung sino ang gusto nyong maka-date sa dalawang araw na yun, understand?”

“Thank you, Ms. President.” Sagot nila.

Nagsimula na silang puntahan ang magiging ka-date nila sa tatlong araw na yun. Umalis na ako sa harapan nila at pinuntahan na ang mga kaibigan ko I.T. Narinig ko na may seryoso silang pinag-uusapan. Hindi ko sila marinig ng maayos pero minabuti ko nang lapitan na lang sila.

“Hello. Mukhang seryoso yang pinag-uusapan nyo dyan a?”

“O ayan pre. Yayain mo na sya dali!” biglang tinulak nila Jerome at Lester palapit sakin.

“Ah.. Eh..” sabi ni Lyle.

“Ih.. Oh.. Uh.. Hahaha” pagpapatuloy ni Jerome.

“Ala! Seryoso kasi Jerome. May sasabihin ka ba Lyle?” tanong ko.

“Itatanong ko lang sana kung paano magbuo ng rubix cube. Magpapaturo sana ako. Hehe.”

“Madali lang yun. Halika. Turuan kita.”

“Ah! Saglit lang Diane ha? Kakausapin lang namin to.” singit ni Jerome.

Hinila nila palayo si Lyle at mukhang may pinag-uusapan.

Lyle’s POV

“Anyare sayo? Bakit iba ata lumabas dyan sa bibig mo?” tanong ni Lester.

“Sorry. Natotorpe talaga ako e. Hindi ko masabi sa harapan nya.”

“Kailan mo pa balak sabihin? Sige ka! Baka maunahan ka nang iba dyan.”

“Aish. Bahala na.”

“Ahmm.. Guys. Excuse me. Aalis muna ako ha? May pupuntahan pa kasi ako e. Bye!” sabi ni Diane at hahabulin ko sana sya kaso ang bilis naman nyang makaalis.

Napakabusy naman nyang tao. May time pa kaya sya para sa sarili nya? Paano kaya ako sisingit sa schedule nya?

Sana 'Di Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon