After a week, nagkaroon na ulit kami ng meeting. Na-approved na kasi yung event namin. Ang napag-usapan namin sa meeting ay kung anong mga contests ang bawat kasama per category. Sa Academics, meron kaming photo contest, quiz bee, essay writing, poster making, at declamation, at rap battle. Sa Sports naman, meron kaming basketball, volleyball, at football. At sa Amazing Race naman ay ang mga iba’t-ibang Palarong Pinoy. At nagkaroon din nang pahabol na contest, which is Cheering Competition and Mr. & Ms. UBLC. Simula nang ma-approve ang event namin, naging busy na kami sa paghahanda. Pagkatapos lagi ng klase namin, nagpapaiwan kami para magpakabusy. At ngayon, sa acads ako naka-assign, sa scrabble, to be exact.
Hapon na nang matapos kami. Buti na lang at wala kaming klase ngayon at nakatulong ako sa grupo ko. Nasa pathway na ako nang mapansin kong nandun si Lyle na nag-iisa. Hinihintay nya kaya ako? Nilapitan ko sya.
“Sino hinihintay mo?” tanong ko.
“Ikaw.” diretsong sagot nya.
“Halika na.”
Naglakad na kami palabas ng campus. Kinuha na rin nya yung mga gamit ko.
“Kamusta araw mo?” tanong nya.
“Ayos naman. Medyo nakakapagod. Nagiging busy na kami e para sa The President’s Cup. Ikaw ba?”
“Okay na. Kasama na kasi kita.” sabi nya sabay ngiti.
“Ah. Hehe.”
Hinatid na nya ako sa sakayan namin. Hinintay nyang makaalis ang jeep na sinakyan ko bago sya tuluyang umalis.
“Bye! Ingat ka.” sabi nya habang kumakaway.
BINABASA MO ANG
Sana 'Di Na Lang
Teen Fictioninspired by the song, "Sana Di Na Lang" by Dello. Gomawoyo! ^__^