*Kriiing *Kriiing
[Shawn calling]
Agad kong sinagot ang tawag at bumalikwas mula sa pagkakahiga.
"Hello?"
["Hey. I just want to thank you for helping me out with Janine. Treat sana kita ng dinner kung okay lang sayo?"] sambit ng nasa kabilang linya
"Yeah sure. I-text mo nalang kung saan at kailan. Bye"
Ibinaba ko na ang tawag at bumalik sa pagkakahiga.
Another typical day ng pagiging chaperone ko. What I mean is that, ang itreat nila ako bilang thanksgiving pagka naging sila na. Hindi ko naman hinihiling sa kanila yun. Pero bakit ko naman tatanggihan?
Bumangon na ulit ako at nagtungong banyo para makapag ayos. May pasok kasi ako ngayon.
Anyway, ako si Zentopia Zenara. Ang so-called chaperone ng Tenroujima University. Medicine ang course ko. Kung tungkol naman sa itsura ang pag uusapan, maputi ako, maganda and matangkad kaso ni hindi ko man lang naranasan ang kiligin. Hindi dahil walang nagkakagusto sakin kundi dahil wala pa akong nagugustuhan.
Pagkatapos kong mag ayos, diretso na ako sa school. Medyo late narin ako kaya mabilis din ang paghakbang ko. Papasok na sana ako sa classroom namin nang may humila sa kamay ko na siyang dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Excuse me?" tanong ko sa lalaking may katangkaran din. Maputi ito at guwapo pero hindi yun yung point ko.
"Are you Zentopia? " tanong niya sabay tingin sa picture na hawak niya.
"I am. What-- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabasa ko ang pangalan sa tag niya.
"Make Germaine Tucker mine or get expelled from this University?"
"WHAT?!"
BINABASA MO ANG
Destined To Be His Property
Teen Fiction"You have no reason to like someone. Coz I'm afraid I might stop liking you when that reason no longer exist." ---