Xyro's POV
It's Saturday already. Ilang araw narin ang makalipas mula nung nag transfer ako. At ngayon ang punta namin sa Laguna ni Zen.
"Are you ready?" tanong ko kay Zen na mukhang ang lalim ng iniisip.
"Hm? Ahh, yeah. Let's go." At nauna na siyang sumakay ng kotse.
Pinatakbo ko na ang kotse at matapos ang tatlong oras ay nakarating din kami.
Sa totoo lang ay napaka tahimik ng biyahe. Bakit? Tulog yata ang kasama ko eh. Pagkarating namin dun ay nanatili kami sa bahay.
"Ang ganda naman dito." pamanghang komplemento ni Zen.
"Parang ikaw."
"Ha?"
"Ikaw sabi ko. Parang ngayon ka lang nakakita ng magandang lugar " -ako
"Hmm. Hindi naman. Sadyang ngayon lang ako nakapunta dito." tawa nito.
"Sa yaman mong yan." Biro ko naman.
"Hindi nga. Ngayon lang talaga. Natatawa nga rin ako pag naiisip ko yan eh."
Nagtawanan nalang kami at pumasok na ng bahay.
ZEN'S POV
Tuwang tuwa ako nang makapasok ako sa bahay nina Xyro. Or should I say, mansion?
Well, yeah. Malawak siya at maganda ang pagkagawa. Mapa interior at exterior design ay maganda.
"Woah."
"Wala to sa bahay niyo." Xyro.
Napatingin ako sa kanya at umiling.
"Malayong mas maganda ang bahay niyo no." mungkahi ko.
"Ganyan naman talaga pag hindi mo bahay diba? Pinupuri mo. Samantalang yung bahay niyo parang wala lang sayo." sagot naman niya.
Kung sabagay, tama nga naman siya.
Ngumiti lang ako at hindi na sumagot pa.
Dahil sa pagod sa biyahe ay napagdesisyonan naming magpahinga na muna at saka pagplanuhan ang mga gagawin namin bukas.
-----
"Did you sleep well?" Tanong ni Xyro sakin pagkababa ko ng hagdanan.
"Yeah." Sagot ko ng nakangiti.
Habang pababa feeling ko may party at ako ang dahilan ng event dahil sa itsura ng stairs. Pero ang realidad isa akong mukhang baliw na may panis na laway at pababa ako ng hagdan para kumain.
"Anyway, nagpatulong ako kina Dad about sa activity na icoconduct natin para mas madali. Okay lang ba?"
"Okay na yun at nang mabigyang diin natin ang topic"
Kumain na muna kami bago lumabas ng bahay nila.
Nagtungo kami sa isang complex center at nakaramdam ako ng tensiyon nang makita ko ang bilang ng mga tao dun.
Bago ako pumayag na magtungo rito ay halos kulang lang sa isang daan ang laman ng isip ko kaya naman nanlula ako sa bilang ng taong kaharap ko ngayon.
Halos mahigit limang daan sila. Wala akong stage fright pero ngayon ay parang wala akong lakas ng loob para magsalita.
"Shall we start?" Tanong ni Xyro sakin.
"Ahh, oo. Sige, simulan mo na at ihahanda ko ang PowerPoint presentation natin."
Tumango naman ito at nagtungo na ng stage upang batiin ang mga dumalo.
BINABASA MO ANG
Destined To Be His Property
Teen Fiction"You have no reason to like someone. Coz I'm afraid I might stop liking you when that reason no longer exist." ---