Chapter 5

19 1 0
                                    

Reegan's POV

Hinarap ko ang Xyro DAW at tinitigan. Ngunit bigla niya akong tinuro.

" boyfriend?" Tanong niya

Nanlaki ang mata ni Zen at binigyang interes ako nun.

"H-hin..." -Zen

"Yes. I am. Why?"

Napansin kong nag-iba ang expression niya na siyang nagtulak sakin para inisin sila.

"Ohh. Ganun ba? Uhm, Zen? About the dinner---"

"We'll have our date." Singit ko agad at hinigit si Zen palapit sakin.

Gayun na lamang ang pagkabigla ko ng sikuhin niya ako at inirapan.

"What the heck are you talking about. Shut it." sabi pa niya

Napansin kong tumawa yung Xyro kaya nainis ako bigla. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mainis pero nahila ko na lamang si Zen papalayo.

"Ano bang problema mo?!" Bulyaw nito sakin.

"Don't go with him."
Iniwas ko ang tingin ko dahil tinignan niya ako ng tila hindi makapaniwala.

"And why would I do that?" paghahamon pa uli niya.

Ewan ko ba. May nililigawan ako pero nagkakaganto ako sa ibang babae.

Saglit akong natahimik at nag isip ng idadahilan.
Bahala na

"Hindi ka sasama dahil may usapan tayo at hanggang nagsisilbi kang chaperone ko, hindi ka makikipaglandian!"

Zentopia's POV

Meron. May feeling ako sa kanya. Gutong gusto kong kiligin pero hindi ko magawa dahil narin sa pagka selfish ng sinabi ya.

Sa halip ay nagpakawala ako ng tawa. Isang napaka sarkastikong tawa.

"Woah! What's with you? Anong akala mo sakin? This is for my grades Reegan! For Pete's sake! At wala tayong usapang bawal akong makipaglandian." Bulyaw ko na siyang nagpabago sa expression niya.

Kung kanina ay mukhang proud na proud at full of authority, ngayon ay puro kahihiyan. Ni hindi na niya ako matitigan ng diretso.

I just walked out like nothing happened.

Naiinis ako. Naiinis ako na napaka possessive niya sa puntong nagiging selfish siya.

Ano naman sa kanya kung ang chaperone ang makipaglandian?
Tsk

Bumalik na ako ng classroom at nandun din si Xyro.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

Naupo naman ako bago magsalita.
"Pagpasensiyahan mo yung lalaking yun ha? May dalaw kasi kaya ganun."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kaya siguro naging kayo--"

"Hindi ko siya boyfriend." Pagputol ko sa sinasabi niya.

"Defensive ah." pang aasar niya.

Umiling nalang ako at isinandal ang ulo ko sa mesa.

After dismissal ay nagtungo na kami sa isang resto malapit sa University.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago siya magsalita
Out of the blue ay nabalik kami sa ganoong topic.

"Gusto mo siya diba?"

Tumingin ako kay Xyro na diretso parin ang tingin sakin. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya kaya hindi na ako nagkaila pa.

"Sa kasamaang palad." Bulong ko

Destined To Be His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon