Zentopia's POV
Bumalikwas ako sa kama at dumiretso nang banyo upang mag ayos.
Pagkatapos nun ay nagsimula na akong kumain.
Nakaka ilang subo palang ako nang kausapin ako ng Mom ko.
"Committed na?" Tanong niya sakin.
Oo, himala at nakauwi siya regardless of her, being busy.
"Mom, you know I'm good at dating but you also know i don't date." Paliwanag ko
"Hindi pwedeng single ka nalang for life anak, hindi ka ba nalulungkot na lagi ka nalang mag isa lalo na dito sa bahay?" Pag convince niya sakin
" Eh lagi rin naman po akong busy eh." At isinubo na ang bacon na kanina ko pa hawak hawak.
Ganito lagi ang bungad ng parents ko sakin pero sanay na ako. Naiintindihan ko naman kasi na ayaw nilang lagi na lamang akong mag isa sa bahay. Pero how ironic na yung ibang parents eh study first ang policy sa mga anak. Samantalang ako halos iset na nila ako sa kung sino sinong ka blind date.
"Ma, alis na ako." Paalam ko at kinuha na ang notepad ko bago umalis.
Notepad ko yun ng plans ko this day.
Maaga akong nagtungo sa classroom para iwan ang gamit ko bago i-meet si Reegan sa school café gaya ng napag usapan namin kagabi.
Pagkarating ko sa cafeteria ay nakita ko siyang nakatayo sa may entrance.
"Wala ka bang balak pumasok?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko matapos humikab.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay hinapit niya ako sa baywang at tinignan sa mata.
Panandalian akong natigilan bago siya usisahin.
"What do you think you're doing? Baliw ka ba ha?"
"Practicing? You said I should do it like this." Pa inosente niyang sagot.
Dahan dahan akong kumawala sa kanya at napataas kilay.
"Oo nga, yun yung sinabi ko pero nakita mo namang kinukusot ko pa ang mga mata ko diba?! Pano kung nagkamali ako at natusok ng sarili kong daliri ang mga mata ko? Ha?"
Ni hindi niya manlang ako hiningan ng pasensiya at tumalikod na.
"Ang ingay." Bulong pa nito at tuluyan nang pumasok
"You don't need to practice such. You should do it naturally." turo ko pa habang hinihila niya ang upuan para paupuin ako.
"At least you're learning" papuri ko pa. "but you forgot to smile."
Dun naman niya pilit na inilabas ang ngiti niyang hindi bumagay sa kanya.
"Naturally." Ulit ko.
"Ang hirap naman nito!" reklamo niya habang napapakamot.
"Kaya itigil na natin" pang iinis ko pa.
"at itigil mo narin ang pag aaral."
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at umorder na ng coffee dahil busog pa ako.
Nasa gitna kami ng paghigop nang biglang may pumasok na tatlong babae.
I smirked nang marealize kong si Germaine ang isa sa kanila.
Kinalabit ko si Reegan habang nakatingin kay Germaine. Tumalikod naman siya at nakitang nakatitig si Germaine sa kanya nang may halong lungkot at pagtataka sa mukha.
Bigla siyang humarap muli sakin.
"Sh*t ." He cursed. Halos mamula mula pa siya.
"At least I know she likes you as well." cool kong sabi sabay higop sa kape.
BINABASA MO ANG
Destined To Be His Property
Jugendliteratur"You have no reason to like someone. Coz I'm afraid I might stop liking you when that reason no longer exist." ---