Chapter 9

7 1 0
                                    

Zentopia's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Idinilat ko ang mga mata ko at mukha ng mom ko ang una kong nakita.

Napapikit na lamang uli ako at napahilot ng ulo.

"Oh kamusta ang gising mo anak?" Mom

Napaupo ako ng kama at sumandal sa headboard.

"Okay na sana ma, kaso mukha mo ang una kong nakita."

Napasimangot naman siya at nagpatuloy sa pagbukas ng bintana ng kwarto ko.

"Ikaw talaga, kahit may sakit nakuha pang magbiro."

Napangiti na lamang ako at pumikit pero napadilat lang din ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.

But then, ang huli ko lang na natandaan ay ang pagyakap ko sa lalaki.

Napa ayos ako ng upo at tinanong ang mom ko. "Ma? Pano ako naka uwi kagabi?"

Natigil naman siya sa pagpili ng libro mula sa mini library ko at humarap sakin. Sumandal siya at nag crossed arms pa.

Aba't talaga naman

"Akala mo naman kung lasing 'tong umuwi kagabi. Well, I don't know. Nagdoorbell ka or may ibang gumawa, binuksan ko, and you're home."

Napaisip naman ako at tumango tango na lamang.

"Anyway, okay na ba? You had a fever last night." naglakad siya papalapit sakin at inabot ang thermometer sa night stand ko saka ako kinunan ng temperature.

"Atleast you're recovering fast." she nodded.

"Thanks to my talented doctor." compliment ko naman sa kanya.

Nag make face pa siya sakin at naupo sa tabi ko. Tumayo na ako at nagtungong bathroom upang maligo dahil malelate na ako for my first subject.

Matapos akong maligo ay naroon parin ang mom ko sa room ko. Take note, naka handa pa ang damit ko. Pero pambahay.

"Mom? Bakit naman pambahay ang inihanda niyong damit ko." Sabi ko habang ibinabalik ang mga iyon sa closet ko.

"Bakit? Akala mo papapasukin kita?" natigil naman ako sa pagbabalik ng damit ko. "You should rest for today, I know you're stressed out. I already asked your professors."

Napangiti naman ako at nagbihis na ng pambahay pero nasa room ko parin talaga ang mom ko.

"Mom? Wala ka bang shift ngayon?"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata na para bang pinagdududahan ako.

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?"

Tumawa ako dahil sa pagiging childish niya saka siya tinabihan.

"I'm just asking."

Chinicheck niya ang temperature ko, this time, gamit ang palad niya. "You're still sick silly. I'll be your doctor and you are my patient for the day." she said

Natuwa naman ako. This opportunity comes rarely. Ganyan ang buhay doctor. Halos dalawang beses lang sa isang buwan ko sila makasama ng one whole day ni dad but I understand, dahil sooner or later ganun din ako.

Mabilis na lumipas ang isang araw.

Ngayon ay papunta na ako ng university. Hindi pa ako ganun ka komportable pero wala akong choice.
End of semester narin next week.

"Hey Zen." Tawag sakin ng isa kong kaklase pagkapasok ko. "You're being called by the Dean."

I frowned out of curiosity. Like why would the school dean call me? Grabe naman na yata ang matawag ng school dean dahil sa pag absent ng one and a half day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined To Be His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon