Chapter 1

8 2 0
                                    

Zentopia's POV

Pagkarating ko sa bahay ay agad agad kong binuksan ang PC ko para i-open ang account ko.

Tinype ko ang pangalang "Germaine Tucker" at binuksan ang account na lumabas.

Bumungad ang mga litrato ng isang magandang babae. Pamilyar ito sa akin at sa pagkaka alam ko ay pareho kami ng course sa TU.

Anong ginagawa ko? Well, nag i-stalk ako. Or rather say, I'm gathering information about this person.

Kasi nga...

[Flashback]

"WHAT?!" Gulat na sagot ko nang sabihan ako ni Reegan na papa alisin niya ako sa University kapag hindi ko siya matulungan kay Germaine.

"Hindi ba ikaw yung so-called chaperone? You are capable of doing things kaya ikaw ang nilapitan ko. And, mukhang hindi mo yata ako kilala."

Pinaningkitan ko siya ng mata at umiling ng dahan dahan.

"Look, kilala kita. Ikaw si Reegan. Anak ng founder at may karapatang paalisin ako dito pero, bakit kailangan mo akong i-threaten? Tutulungan naman kita kung maayos ang pagkakasabi mo eh. Tsaka, ano ba 'to sa akala mo? Fiction na pwede mo akong i-expell kahit kailan mo gusto dahil anak ka ng founder. "     I gasped and then later on laughed from his expression.

"Naninigurado lang. Oo hindi ito fiction pero ipagpalagay mo na. Saka isa pa, hindi ba't ikaw din ang tumulong sa kaibigan ko? Gawin mo din yun sakin. "

"Sinong kaibigan mo?" Takang tanong ko.  "Sa dinami rami ng lumalapit sakin, hindi ko na sila ma differentiate." 

"Si Shawn." Sagot niya saka inilabas ang phone niya at pinakita sakin ang imahe ng tatlong lalaki.

"Ako, si Shawn at si Nebi ang MVP ng University sa baseball. Alam kong hindi ka aware dahil narin sa course mo. Masyado kang busy."

Dahan dahan naman akong tumango at saka ibinalik ang tingin ko sa kanya.

" Make her mine or leave the university . I'll contact you for the first plan."  sambit nito saka umalis ng building.

[End of Flashback]

Napapakunot nalang ako ng noo habang tumitingin sa mga laman ng account na bina browse ko. Bakit? Eh pano naman kasi, ibang iba sa pagkatao ni Reegan ang gusto ni Germaine. Siguradong ako ang mahihirapan.

Patuloy ako sa pagtingin tingin sa account nang may tumawag sakin.

*kring *kring
[Shawn calling]

"Hello?" Bungad niya sakin

"Yea?"

"San ka na? Yung treat ko, baka nakakalimutan mo. Nandito na ako" masiglang sabi niya

Sasagot pa sana ako nang ibaba niya ang tawag.

Buti nga tumawag siya. Ngayon na pala yun. Nakalimutan dahil sa kakaisip ng susunod kong gagawin para hindi ako mapaalis ng University. Ugh.

Nagbihis na ako at dinala ang itim na bag ko saka umalis ng bahay.

Hindi ako nagpa alam kasi wala naman akong kasama sa bahay. Nasa trabaho ang parents kong mga Doctor.
Oo galing ako sa pamilyang doctor at expected na mayaman ako pero hindi yun big deal sakin.  Kaya rin ako nag medicine ng course pero gusto ko rin naman.

Nang makarating na ako sa Italian restaurant na sinabi ni Shawn ay inikot ko ang paningin ko para hanapin siya. Nakita ko naman siya sa table malapit sa counter na kakaway kaway kaya agad ko itong  tinungo.

Destined To Be His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon