Chapter 7

3 1 0
                                    

Zentopia's POV

Nakailang oras din bago ako tuluyang bumalik sa pagiging kalmado. Sa tuwing naiisip ko yung nangyari, nawawalan ako ng gana at apektadong apektado parin ako.  Paulit ulit kong pinagdarasal na sana magising si Chrizza.

Wala pa kaming natatanggap na balita mula sa pamilya nila nang magpasya kaming umuwi na.

Nandito na ako ngayon sa bahay na nakahiga habang nakatitig sa kisame. Maya maya pa ay may tumawag sa akin. Walang gana ko naman itong sinagot saka umupo.

["Hey..."]

Napa ayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Reegan mula sa kabilang linya.

"Oh... Hey." ako

["Uhm Zen, I... Im sorry about last time. I was--"] 

Napasinghap ako at pinutol ang dapat ay sasabihin niya.

"No, it's okay. Let's ... Forget about that ."

["No Zen, I...] him

"Reegan, let's call it a day. I'm tired. Just let me sleep okay?"

Reegan's POV

["Reegan, let's call it a day. I'm tired. Just let me sleep okay?" ]

"Wait, Zen ..." aayain ko sana siyang makipagkita sakin pero ibinaba na niya ang tawag.

Nasa tono ng pananalita niya ang pagkapagod at pagka antok pero parang may mali.

What if kasama na naman niya yung Xyro na yon?

I cursed hearing that from myself.

Nasa labas ako ng bahay bago ko siya tinawagan. Magbibihis sana ako para nga makipagkita pero matapos kong marinig yon mula sa kanya, mas lalo pa akong nakumbinsing puntahan siya.

Pagpasok ko ng bahay ay bumungad sakin ang maid.

"Oh, iho. San ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi." yaya

Habang nakikinig sa kanya ay nakatingin ako kay mom habang sinesermonan ang kapatid ko sa sala.

"Ah, diyan lang po sa tabi. Nagkayayaan lang po." tugon ko bago ako magtanong.

"Ah eh, bakit po sinesermonan si Rain?"

Ngayon ay pareho na kami ni yaya na nakatingin sa sala.

" Ewan ko ba sa inyong magkapatid. Aalis na nga lang kayo at hindi uuwi ni hindi man lang kayo nag papa alam."

Napatingin ako kay yaya sa sinabi niya. Kung gayon...

"Maghanda ka na at ikaw na ang susunod." pananakot ni yaya sakin.

Napakamot nalang ako ng ulo at dahan dahan naglakad papuntang hagdanan. Habang nakatalikod si Mom ay humakbang hakbang ako paakyat.

Ngingiti ngiti pa ako nang walang nakapansin kaso

"Hep hep! Ikaw ! San ka na naman nagpupunta kagabi ha?! Nakikiisa ka pa!"

Napapikit nalang ako at wala nang choice kundi humarap sa kanya. Kung kailan naman ako nagmamadali.

"Mom..."

"Wag mo akong ma mom mom diyan ha!"

Sa hinaba haba ng sermon niya ay di na ako umimik. Tatango tango nalang kaming pareho ng kapatid. At guess what? She wasted 30 minutes of my time.

Tuluyan na akong nakahinga pagkapasok ko ng kwarto ko. Muli kong inisip kung okay lang ba na dalawin si Zen sa ganoong oras eh 8 PM na.

Well, bahala na.

Destined To Be His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon