HER POV
Pinag patuloy ko na yung paglalakad ko ng may maramdaman akong sumusunod sakin di na ako nag dalawang isip at agad na yumuko at humarap patalikod para sipain siya. agad naman siyang natumba
"Aaarraayy.." asik niya
"Wait luke is that you?" Gulat kong tugon, habang nakatingin sa namimilipit na si luke
"Ako nga! Grabe ka risk ah ang sakit nun" hinimas himas niya pa ang binti niya
"Ikaw kasi eh kailan ka pa dumating?" tinulungan ko siyang tumayo. Napapangiwi niya namang inabot ang kamay ko.
'Sorry'
"Kanina lang papunta nako sa inyo nung nakita kita! Gabing gabe tsokolate hawak mo" naka ngiti niyang tugon napa pout naman ako nung agawin nya yung kakabukas ko pa lang na chocolate
"Hoy akin yan ibalik mo nga yan bumili ka ng sayo" singhal ko sakanya. Agad naman siyang tumayo at tumakbo kaya napatakbo na din ako para sundan siya. Lintek
Paepal eh dapat di ko na to nakita aagawan lang pala ako langya.Matapos ang habulan namin dumiretso kami sa park
"Uy parang kailan lang ah naaalala ko dito tayo lagi nag lalaro nun" tugon niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro, nag taka naman ako bakit may mga bata pa dito eh gabi na tch! Mga iresponsable naman mga magulang ng mga batang to dapat pag gabi sinisinop na nila mga anak nila nasa kalagitnaan ako ng pag iisip at pag sumbat nung may biglang pumitik sa noo ko
"Hoy kung saan saan na naman nalipad yang utak mo haha kulang pa ata chocolate mo oh" nanlaki ang mata ko nang iabot niya sakin yung ferrero Rocher
"Yun buti naman pinalitan mo din yung kinain mo kanina" agad kong ibinulsa yung ferrero. Napamura ako nang hindi mag kasya! ang tanga ko lang ang laki pala ng box nun di kasya sa bulsa ko! Kaya nilagay ko na lang sa paper bag kung saan nakalagay yung iba ko pang chocolates
"Oy uwi na tayo baka hinahanap nako nila mommy at daddy tumakas lang ako eh" Tumayo ako at sumunod din naman siya
"Haha oh sige ikaw talaga di ka pa din nagbabago pasaway ka pa din" siya na nangingiti
"Tch" yan na lang yung nasabi ko
Nakauwi nako sa bahay at kasalukuyang nakahiga habang yakap yakap yung stuffed toy ko na umaru chan haha ang cute nya kasi eh kaya binili ko.
Nag mumuni muni pa ko nang bigla nanaman pumasok sa isip ko kanina yung lalaki hindi si luke yun! alam ko bukod kay luke may iba pang sumusunod sakin kanina bigla lang syang nag laho nung nakita ko siya sa park di ko maaninag yung mukha dahil nasa may madilim na bahagi siya ng park pero alam ko nakatingin siya sakin!
Shemss bigla akong kinilabutan baka mumu yun? Takot pa naman ako sa mumu kaya di ako nanonood ng horror movies eh binabangungot ako..pero seryoso sino kaya yun hmmm
Nakaka antok maka tulog na nga zzzZZTok tok tok!!!!
Arrrggghh napatayo ako sa sobrang irita! Sino ba yun ang aga aga nambubulabog ng dyosa
Tok tok tok!!!!
Ayan nanaman po Tch!
Nag iinat pa ko ng katawan ng biglang bumukas yung pinto!
At tumambad sakin ang muka ng bestfriend ko"Besssshhhy Waaaaake uuuuuup" siya habang nakatapat sa tenga ko yung bibig nyang mega phone sa lakas. Shit
"Can't you see im already awake?..Tch" i rolled my eyes.
pag tinamaan ka nga naman ng magaling eh biglang umiyak
Take note Napakahina ng pag iyak nya. Damn"Haisst bakit ba kasi?" Agad kong tinakpan ang tenga ko. Nakaka bingi!!
"Eh kasi i-inirapan moko eh ginigising lang naman kita kasi may pasok tayo eh" siya habang umiiyak pa din with matching tulo sipon pa yan ah! Ang OA lang ng best friend ko
"Oo na sorry na sige antayin moko sa baba maliligo lang ako stop crying na huh" nginitian ko siya at ginantihan niya din naman ito nang ngiti
"Ah sige" siya habang masayang tumatalon palabas ng kwarto ko! See? Yan ang sinasabi kong baliw tch!!
"Clark University"
Basa namin dun sa pangalan ng school na papasukan namin
"Wow beshy ang laki grabe" manghang mangha siya paligid at ganun din ako.
"Oo nga ang ganda" inilibot ko ang tingin sa university at mangha akong napapa tango!. Napaka laki
Naglakad lakad kami at nag tanong na din kung saan ang room namin.
"Gotcha" Nakangiti kong bilisan ang paglalakad, natatanaw ko na ang room namin
"Gosh beshy san ka pupunta? Hahanapin pa natin room diba?"
-.-
"Tch mamumundok ako sama ka?" Asar kong tugon habang patuloy na naglalakad. Napaka engot nang isang to.
"Oy sama" Napangiwi ako nang tumakbo siya papunta saakin
"Pssh papasok tayo no eto na room natin" poker face kong tugon sakanya sabay pasok sa loob buti di pa kami late umupo na kami dun sa second to the last row ayoko sa unahan eh bali tatlo yung upuan kada row so may bakante pang isa si Yana nasa may tabi ng bintana ako nasa gitna then yung isa bakante na.
Nag iistart na ang klase ng biglang mag tilian ang mga kababaihan dito. >.<
"Kyyyaaahhh He's here na omy gad omy gad" dinig kong sambit nung isa naming classmate sa harapan. grabe maka tili putol ang litid mo nyan te!
Nag sisigawan pa din mga classmate kong babae grabe naman mababasag na ear drums ko utang na loob magsi tigil kayo.
"Good Morning Ma'am sorry im late" cold na sambit nung lalaki
Awtomatikong tumaas ang kilay ko! Iba din ang ugali!
"Ok mister Clark Umupo kana kung san mo gustong umupo" tugon nang prof namin.
Naglakad na siya pa punta sa direksyon namin pagka lagpas nya sakin parang nanlamig ako ghaad grabe naman ang cold ng aura nya buhay pa ba yun? Tch
Dun sya nakaupo sa likod namin ni yana habang nag di-discuss yung teacher namin narinig kong may nahulog tumingin ako sa left side ko ballpen pala! nahulog ata nung lalaki sa likod pinapakiramdaman ko kung kukunin nya ba kaso ilang minuto na ang lumipas ay nandun pa din yung ballpen so i decided na kunin yun at ibigay sakanya tumalikod ako para ibigay sakanya ang ballpen pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakayuko siya.
'N-natutulog ba siya?'
Di ko na lang binalik yung ballpen tulog eh nagtataka naman ako sa teacher namin bakit di sinisita yung natutulog tch special treatment? May pag tatangi ata to dun sa lalaki eh!
---
VOTE. COMMENT

BINABASA MO ANG
That Girl is a Goddess and Freakin' Awesome UNDER EDITING (COMPLETED)
RomancePROLOGUE Hi im Serenity Risk Perez 17 years of age only child of Robert and Sally Perez We owned Perez company And some mall here in the philippines we also have resort in batangas Maganda Sexy And Every Mans dream and mahilig ako sa matatamis ma...