CHAPTER 53

213 3 0
                                    

HER POV

"A-aray! lintek!" napabalikwas ako nang bangon dahil sa sakit nang likod ko nang maabutan ang dalawang tauhan ni master lee na hinihila ako! letche.

"Bitaw!" singhal ko dahilan para matigilan sila saka dali- daling binitawan ako. agad akong tumayo saka pinagpagan ang coat ko. hinanap nang mga mata ko si zayn at ang iba ko pang kasama pero sa panlulumo ko ay sila xander lang ang nakita ko na hanggang ngayon ay wala pa ding malay. nasaan si zayn?

Bumaling ako sa dalawa at pinanlisikan sila nang mata awtomatiko silang napaatras. tch

"Nasaan ang boss nyo?" asik ko saka pinalagutok ang mga daliri ko sa kamay at dahan dahan ang ginagawang pag hakbang palapit sakanila umatras naman sila nang umatras at saka napapalunok na sinusundan nang tingin ang galaw nang kamay ko.

"Hindi namin alam--"

"Really?" agad kong sinuntok ang isa sakanila. masyado akong nag aalala kay zayn kaya ayaw ko nang mag aksaya pa nang oras dito at makipag lokohan sa dalawang ugok na to.

"Sasabihin nyo o?" sinadya kong bitinin ang pananalita saka hinugot sa tagiliran ang baril ko at pinag laruan ito sa paraang alam ko.

"Ipuputok ko to sa mga bungo ninyo?" malumanay kong tugon saka tinapat sa bungo nang isa sakanila yung baril ko.

"H-hindi nga namin ala--"

*boom* ( tunog nang pumutok na baril yan wag kang ano )

Gulat ang bumalatay sakanila at kalaunan ay napahinga nang maluwang nang mapag tanto na sinadya kong ilihis ang bala nang baril sa mga bungo nila .

"Ano na!!" nawawalan nang pasensya kong tugon agad naman silang nagkatinginan saka sumenyas saakin na ituturo na nila.

Nag tiim ang bagang ko nang mapag tanto kung nasaan kami
saka bumaling sa dalawa agad silang humakbang paatras animo takot dumikit saakin. tch

"Dito na ba?" malumanay kong tugon pinipilit silang hindi takutin. multo ba ko? tch

"Oo d-dumiretso ka na lang dun. makikita mo sila!" garalgal na tugon nang isa sakanila. kunot noo akong tumango saka sila sinenyasan na umalis na. di ko na sila kailangan.

"Alis na! bilis!" singhal ko patakbo silang umalis at parang mga tangang nag uunahan kamuntik pang matumba ang isa sakanila bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Mabilis kong tinahak ang tinuro nang dalawa at kunot noo kong pinakatitigan ang likod nang bulto nang isang lalaki na nakasisigurado ako kung sino. naka luhod siya sa hindi ganun katalahib na parte nang lugar dito sa gubat. makikinita ang pang hihina nang katawan niya dahil sa sugat na natamo niya.

"Zayn" halos ibulong ko iyon sa hangin. nag babaka sakaling magawa nang hangin na iparating sakanya na nandito ako at hindi siya nag iisa.

bahagya siyang kumilos napakabagal tila wala na talaga siyang lakas. shit! akma ko siyang lalapitan pero agad ding natigilan at tiim bagang na nilibot ang paningin sa mga puno. duon ay makikita isa isa sa mga puno ang mga tauhan ni master lee na may hawak na busog at palaso sa di kalayuan kay zayn ay ang nakatayong si master lee na malawak ang pagkakangiti saka itinaas ang kamay na sa tingin ko ay hudyat dahilan para isa isa nilang itinapat ang palaso sa gawi nang nanghihina nang si zayn. fuck! ang dami nila! paano ko mapipigilan isa isa ang mga palasong magbabadya sa kaawa awang si zayn? . mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka dali daling hinubad ang coat ko at walang pasabing inihagis ito sa gawi ni zayn kasabay nang sunod sunod na pag ulan nang mga palaso . kamangha- manghang tila nag karoon nang buhay at isip ang coat dahil mabilis itong pumaikot sa nang hihinang si zayn at nasalo ang mga nagbabadyang palaso bago bumagsak sa lupa ang coat ko ay napatingin si zayn dito na nanlalaki ang mga matang inilibot ang tingin sa madilim na gubat. tila may hinahanap napangiti ako dahil sa swabeng pag hagis na nagawa ko sa coat ko. hindi ko akalain na magiging ganun kaganda ang pag eksena nuon. ang tanging nasa isip ko lang ay mapahinto sila kahit alam ko na paniguradong natamaan na sana nang iilang palaso si zayn ay ayon lamang ang naisip kong paraan para hindi matuloy ang balak nila saka ako papasok sa eksena!

That Girl is a Goddess and Freakin' Awesome  UNDER EDITING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon