CHAPTER 46

155 5 1
                                    


HER POV

"WHAT?" di makapaniwalang tugon ng lola ni Zayn

"Go get some water" nakangising tugon ni lola na nakabaling kay Yana taranta namang sumunod si Yana pagka kuha'y agad niya itong iniabot sa Queen mother pero tinanggihan ito ng huli..
Saka nag salita

"H-how come? I didn't expect---"

"What? O' common you didn't bother to noticed her? Omy gosh" di makapaniwalang tugon ni Lola tila nang aasar pa! Iiling iling naman ako sa iniaasta ng lola ko

"I do but! I thought nagkamali lang ako!!" Naguguluhan at di makapaniwalang tugon ng Queen mother kunot noo naman akong napagpapalit palit ng tingin sa dalawa

"Nag desisyon akong umalis ng palasyo dahil ayokong lumaki ang anak ko sa gantong sitwasyon ayokong magkaroon siya ng responsibilidad bukod sa magiging pamilya niya kaya nung malaman kong nag dadalang tao na ako ay napag desisyonan ko na ngang lisanin ng payapa ang Palasyo " sambit ni Lola habang nakangisi

Parang unti unti ko nang naiintindihan..

Si lola ang Great Dame na tinutukoy ng Lola ni Zayn
At kaya hindi namin iyon alam ay hindi niya sinabi saamin dahil nga ayaw niyang lumaki kami sa ganoong estado ng pamumuhay! Ang tanong bakit?

Bakit ano bang Meron sa pagiging Dame?

"Alam mong mabigat ang magiging tungkulin ng Anak ko kung nagkataong di ako umalis Anastasia ! Dahil sa sandaling magka muwang siya ay dapat nalalaman niya na ang imamana niyang titulo saakin at ako na ang nagsasabing napakahirap niyon kaya pag pasensyahan muna kung tinanggihan ko ang dapat sana'y napagkasunduan na natin" seryoso nang tugon ni Lola

Agad kumunot ang noo ko.

Anong napagkasunduan??

"Gaya nga ng sinabi ko ayokong lumaki sa ganitong estado ng pamumuhay ang anak at ang magiging apo ko nais ko lamang ng simple ngunit masaya para sakanila. Pero itong pasaway kong Apo ang nagpupumilit na makapasok sa buhay ninyo" nakangiting tugon nito

Agad akong napalunok sa sinabi ni Lola ano bang ibig niyang sabihin? Napabaling ako sa Queen Mother na ngayon ay Malawak na ang pagkakangiti

Gusto kong mag usisa pero tila napipi ako kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi

"Di ko gusto ang inaalok mo saakin nuon Anastasia! Gaya pa din ng sinabi ko ayoko para sakanila ang estado ng buhay na kinalakihan ko! Biruin mong nasa sinapupunan pa lang ang anak ko at napakaliit pa lang ng anak mong Lalaki eh nais mo na kaagad ipagkasundo ang magiging mga anak nila sa hinaharap?" Natatawang tugon ni Lola na nakatingin sa malayo wari mo'y may tinatanaw na masayang ala-ala

Wait ? Ano daw? Gusto na kaming ipagkasundo dati pa?
Eh pero tatlo kaya yung Apo niya!!

"Haha bukod sa hindi ko naman alam kung sinong magiging apo aba eh malay ko ba kung sino din ang magiging apo mo pero matibay ka haha sinabi mo pa nun na kung sino ang ikalawa mong Apo siya ang ipapakasal mo sa apo ko" ngiting ngiti si lola ng sabihin yun

Ako naman ay wala sa sariling kinuha ang isang basong tubig na hawak ni Yana saka inisang lagok iyon

Nakakaloka!!

"So i guess ngayon pwede na tayo ulit magkasundo patungkol duon Cecil?" nakangiting tugon ng Queen Mother napamaang naman ako ng tumango ang lola ko

Ano daw? nagyakapan silang dalawa saka bumaling saakin na sobrang lawak ng pagkakangiti

ako naman ay napahawak kay Yana dahil feeling ko anytime matutumba ako!! di ko kinakaya ang mga narinig ko

"Lola" natigilan ako ng madinig ang pamilyar na boses na iyon .. Zayn

That Girl is a Goddess and Freakin' Awesome  UNDER EDITING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon