CHAPTER 40

151 6 0
                                    

ZAYN'S POV

Napahigpit yung pagkakahawak ko sa bracelet ni serenity na di niya namalayang nahulog niya kanina
kabado akong nakatingin sakanila habang sumusugod si mistry ay siya namang pag iwas ni serenity na parang nag sasayaw lang dahil sa kampante nitong reaksyon ni hindi siya mababakasan ng takot at pagod sa ginagawa niya napatingin pa siya sa kuko niya at matamang tinititigan ito na animo pinag aaralan ang kulay purple niyang mga kuko nag patuloy siya sa pag iwas kaliwa at kanan na nakatuon pa din ang buong atensyon sakanya kuko animo nababagot siya sa nangyayari at napapamangha akong talaga
ni hindi ko naisip na mamaliitin niya ng ganito si mistry nag tataka din ako kay mistry dahil alam kong malakas siya nung mga bata pa kami ay siya ang kasa kasama namin nila reese pag nag sasanay kami kaya di ko maipagkakaila na malakas siya mas malakas pa siya saakin nuon hindi ko lang alam ngayon
inis na sumugod muli si mistry marahil di niya nagugustuhan ang nangyari nakita ko kung paanong mag liyab ang mga mata niya sa sobrang galit kay serenity na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin dahil patuloy pa din ito sa pag mamasid sa kuko niya na animo pinag aaralan ito

Anong ginagawa mo Serenity? ginagalit mo siya ..

"grabe ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganyan" agad akong napalingon sa likod ng mag salita yung isang lalalking nanunuod habang nakaturo kay serenity agad namang tumango yung isa pang katabi niya

"kaya nga grabe nakakabilib wala pa man syang ginagawa pero nakakamangha yung paraan niya ng pag iwas halatang kakaiba siya" manghang tugon ng katabi nang naunang lalaki napapatango sila at napasinghap tsaka napalaki yung matang nakatingin sa pinapanood nila agad akong nabigla atsaka agad na lumingon sa dalawa

hawak na ni mistry si serenity sa leeg at dinidiinan niya ang pagkakahawak dito
kumulo agad yung dugo ko at naikuyom ko ng mas mahigpit yung kamao ko pinigilan ko yung sarili kong sugudin si mistry dahil alam kong laban nila ito bahagya kong nilingon si lola na seryosong nakatingin sa dalawa kalaunan ay napatingin ako sa dalawa ganun pa din yung posisyon nila sinasakal pa din ni mistry si serenity patalikod di ko maiwasang mapatitig sa reaksyon ni serenity pero laking pagkamangha ko ng mabasa yung reaksyon niya parang wala lang sakanya yung gianagawa ni mistry at feeling ko mas nababagot pa siya ngayon

"inaantok ako" gulat ang lahat ng mapatingin sa reaksyon ni serenity na pupungay pungay ang mata at bahagya pang humikab sa ganung posisyon nila ni mistry tinakapan niya pa sandali ang bibig natigilan naman si mistry sa pagkabigla sa sinabi nito bahagyang lumingon si serenity sa likod kung saan nandun si mistry na nakasakal pa din sa leeg niya nababagot siyang bumaling dito kahit hindi ganun makita si mistry ay pinilit niyang matignan ito at humikab nanaman dahilan para mapamaang ako

ano bang klaseng ugali yan ?

"ha ngayon ka pa inantok huh? sige patutulugin kita" nakangising tugon ni mistry nang makabawi sa bigla
agad namang napangisi si serenity at padarag na inalis yung mga braso ni mistry sa leeg niya

"hindi ko alam bakit bigla akong tinamaan ng antok siguro sa sobrang pagkabagot? di mo kasi ako napapasaya" nakangising tugon niya na kalaunan ay ngumiti pa at humikab muli at batid kong nag dulot ito ng pagkainsulto sa pagkatao ni mistry agad na nag salubong yung dalawang kilay niya at mababasa mo ang sobrang galit sakanyang mga mata nararamdaman kong dito mag sisimula ang tototoong laban

"kung ganoon ay nababagot ka pala? wag kang mag alala kanina din ay nag lalaro pa lang ako" serysosong tugon ni mistry at mahigpit na hinawakan ang katana niya

gulat namang napatingin sakanya si serenity

"nag lalaro ka pa lang nun?" takang tanong niya ngumisi naman si mistry napatango naman si srenity tsaka nakakalokong ngumiti dito

That Girl is a Goddess and Freakin' Awesome  UNDER EDITING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon