1 | Family

35 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Damn it! I'm gonna fall, I'm gonna fall!" I can't help but curse at Ate Rikki.

"But you said you want it fast, Yumi!" halakhak niya bago itulak pa nang mas malakas ang swing na kinasasakyan ko.

"I'm gonna fall and crack my head if you keep on pushing, Ate!"

Wala akong ibang magawa kung hindi ang tumili at maki-usap na wag na niyang itulak pa ang swing.

"I swear, the moment I'm out of this, I'll tell Papa na may nanliligaw sa'yo!" I screamed at her. I can't even turn around to look at her kasi natatakot akong tuluyan na akong mahulog.

Naramdaman kong tumigil na si Ate Rikki sa pagtulak kaya naman hinintay kong bumagal ang swing bago ako bumaba at sumimangot sa kanya.

That 'be-careful-what-you-wish-for-sissy' look is all over her face. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang kamay.

"Walang nanliligaw sa akin." aniya.

"You can't fool me, Ate!" pang-aasar ko sa kanya.

Pabiro siyang umirap sa akin kaya natawa ako. "Kulit ne'to! Kung meron edi sana blooming ako."

Ewan ko ba kung bakit tinatanggi niya ito. Maaring mali nga ako na mayroong nanliligaw sa kanya pero imposible namang magbabad siya sa kayang phone buong magdamag kung wala siyang kinababaliwan.

"Edi I'm gonna ask Ate Bea to tell your crush na ligawan ka!" at humalakhak ako bago mabilis na tumakbo pauwi sa bahay. This would take 5 minutes if I run super fast!

Tumili ako nang muntik na niya akong maabutan. Mabuti na lamang at nasa gate na ako ng mangyari iyon kaya nailock ko pa ito para hindi kaagad siya makapasok!

"Hey! Open the gate, Mayumi!" aniya habang kinakalabog ang gate.

Nakita ko si Nanay Puring na lumabas at tumingin sa amin.

"Naku, ang mga makukulit na alaga ko talaga! Tignan niyo, pawis na pawis kayong dalawa!" sabi ni Manang habang lumalapit siya sa akin at pinunasan ang pawis sa aking mukha at leeg gamit ang twalyitang dala niya.

"Hmm! Amoy white flower, Nanay!" tawa ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag punas sa akin.

Humalakhak si Ate Rikki sa komento ko. Madalas naming biruin si Nanay Puring, ganito na kami kalapit sa kanya dahil lahat kaming magkakapatid ay dumaan sa kanyang pag-aalaga. Mula kay Ate Maaya, Ate Marikit at hanggang sa akin.

"Nanay Puring, huwag mo siyang papakain ng meryenda! Inasar ka niya!" ani Ate na ngayon ay pinagbuksan na ni Nanay ng gate.

"Nagsalita ang isa pang pilya!" sabay kurot sa pisngi ni Ate.

"Hindi ako hahayaang magutom ni Nanay, she loves me so much! Ikaw, kinukurot pa!" asar ko sa kanya't bumaling kay Nanay Puring. "Ano pong meryenda natin?" lumingkis ako sa kanya't iginiya siya papasok ng bahay at nagtungo kami sa kusina.

Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon