4 | Prom Preparations

28 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Time flies so fast. The holidays came like a blur and we're already halfway through January. Malapit na rin ang graduation nila Ate Rikki at ang mga pinsan kong seniors. But they're all excited for the prom that's happening in two weeks.


Nasa bahay kami ngayon ng Triple D. It's Kuya Dylan's birthday. Magkakaroon ng dinner ang aming pamilya mamaya kaya't pumunta na kaming magpipinsan sa kanilang bahay ngayong umaga. Bukas naman ay magkakaron siya ng celebration dito rin kasama ang kanyang mga kaibigan. 


Lumabas ang mga boys para maglaro ng basketball. Kami namang mga babae ay piniling magstay na lamang dito sa bahay nila Kuya Dylan. Nasa sala kami nila Ate Doreen at Ate Bea habang sila Ate Rikki at Alayna naman ay nasa kitchen, nagbi-bake. 

"Tapos na ang gown mo, Doreen?" Tanong ni Ate Bea kay Ate Doreen na abala sa kanyang laptop. 

Umiling siya. "Not yet. May pinabago ako. I didn't like the sequins sa top. Ang dami masyado." nag angat siya ng tingin kay Ate Bea. "How's yours?" 

Umiling ito at humiga sa sofa. "Tumaba ako, eh." Halakhak niya. 

"Hindi ka tumaba. Lumalaki lang ang hips mo." 

"Oo nga. Tas ang liit ng waist mo, ate. So sexy!" sang-ayon ko kay Ate Doreen. 

Umiling siya sa amin. "I'm so stressed with the college entrance exams last year kaya nag stress eating ako. And I didn't dance for like 3 months. I gained weight." aniya. 

"Nagppractice tayo ng dance para sa prom. You even helped with the arrangement. Isn't that an exercise?" 

Umiling muli si Ate Bea. "Not enough... At isa pa 'yan sa nakapagpastress sa akin. Maski sa pagtulog ko nastuck ang waltz music." 

"I got a feeling our section will win. But seriously, Bea, you gained weight in the right places. Nakikita mo ba ang reflection mo sa salamin? Ang ganda ng hubog ng katawan mo." itinaas ni Ate Doreen ang kanyang mga kamay at nagdrawing ng hourglass sa ere. 

"Ayan, ayaw mong maniwala sa akin! O baka naman you're fishing for compliments lang, Bey?" sigaw ni Ate Rikki galing sa kitchen. 

"Gaga!" natatawang mura ni Ate Bea dahilan para matawa rin ako.

Normal na sa akin na marinig ang pagmumura nila. Lalo na ni Ate Bea. She's probably on top of my list if I were to rank who amongst my cousins has the dirtiest mouth. Halos kalebel niya ang mga lalaki naming pinsan.

"I have my boy to compliment me. I'm good with that." pumikit si Ate Bea at yumakap ng throw pillow. 

"Pang-ilan na yan?" taas ng kilay ni Ate Doreen sa kanya. 

"For this school year, pangatlo na yata?" sagot ni Ate Rikki na papunta na ngayon sa amin kasama si Alayna at ang mga binake nilang cookies. 

"You're making me look like a playgirl, Reen." 

Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon