7 | Infatuation

7 0 0
                                    


"Peace be with you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Peace be with you..."

I kissed Mama and Papa, niyakap ko rin si Ate na nasa aking tabi at binalingan ang mga Tito at Tita ko pati na rin ang aking mga pinsan bago ko inilibot ang aking mata sa kabuuan ng simbahan para hanapin si Brian.

Nang makita ko na siya, nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya and wished him peace. He held out two fingers and waved it.

I jokingly rolled my eyes at him bago muling ibalik ang atensyon ko sa misa.

Pagtapos ng blessing and dismissal ni Father, nagpaalam ako kila Mama na sumama kay Brian. Napag-usapan namin kagabi na mag-almusal pagkatapos ng mass. Sa iisang church lang din naman kami nagsisimba.

"Ma, can I go with Brian? He's inviting me for breakfast." I asked as soon as we were outside the church.

"Saan kayo magbbreakfast, Yumi?" Tanong naman ni Papa na nasa likod namin, katabi si Ate.

Nakatinginan kami ni Mama, tila hindi niya alam kung matatawa ba siya sa pagsingit ni Papa sa pagpapaalam ko o kung sasagutin na niya ako.

"Sa may all-day breakfast po na malapit dito." Sagot ko sa kanya habang paulit-ulit kong piniplay ang mga salitang 'Please say yes' sa isip ko.

Tumango siya kaya naman akala ko ay payag na siya kaso...

"I'm sure may breakfast naman na inihanda si Nanay Puring para sa atin, can't you eat with us instead? Sa bahay na lang tayo mag-almusal, anak." He suggested. Ni hindi ko nga alam kung suhestiyon ba iyon o iyon na ang final answer niya.

But I won't give up! Kung sakali ay ito ang magiging unang date namin ni Brian ngayong nililigawan na niya ako.

"Pa..." lumabi ako sa kanya. "Malapit lang iyon dito, uuwi rin naman ako agad after eating."

"Sa bahay na lang, anak. Your Ate Aya will come later, aren't you excited to see her?"

"I am excited," sagot ko, gusto ko nga lang sanang isingit na mas excited ako sa lakad namin ni Brian pero baka hindi ako lalo payagan. "Kaya nga babalik ako agad pagkatapos po naming kumain."

"Nanay Puring cooked your favorite, oh dear, my heart is already breaking when she finds out that you won't be joining us for breakfast." Pangongonsensiya ni Papa.

Pero dahil anak niya ako at nagmana ako sa kanya...

"I'll save room for Nanay's tapa and pancakes." I tapped my belly and smiled at him. Gusto ko na malaman niyang I won't give up!

Tumingin si Papa sa akin, tinatantsa ako bago siya nagsalita.

"Sa bahay na lang, Victoria." Aniya at nawala ang ngiti ko.

Nakita ko sa gilid nya si Ate na nakadila sa akin, nangaasar.

Damn that second name thing!

If our parents call us by our first names or our nicknames, okay sila, okay kami. Happy parents, happy kids. Normal.

Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon