2 | Crush

28 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pogi ni Brian." Tumingin ako kay Janna na umiinom ng softdrinks. She must've felt na I was staring at her kaya tinignan niya rin ako at tumawa siya.

"Yumi's being possessive nanaman! I just complimented him. Hindi ko siya crush, may iba ako, 'no."

Sinimangutan ko siya. "But you won't give me his number. Hindi ko naman siya ititext, I just want his number saved sa phone ko."

Natawa siya sa sinabi ko. "Why do you want it, then? Kung hindi mo naman siya ititext?"

Ngumuso ako. "For ano... for... emergency purposes?" sagot ko at tuluyan na siyang natawa.

"Ewan ko sa'yo, Yums." Umiling siya. "Don't worry, though. He already asked me for your number even before you asked me for his." Sabi niya at kumnindat sa akin bago siya tumayo para lumapit sa kanyang kakambal upang abutan ito ng tubig.

Saglit akong natigilan sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? Shit, totoo ba? Mariin kong kinagat ang aking labi para mapigilan ang aking pag ngiti.

Did my crush really ask for my number?

Nilibot ko ang aking mata sa court at nakita ko siya. I didn't know he'll be here. Umiinom siya ng Gatorade at pinagmasdan ko ang kanyang labi na dumadampi sa bote, kahit nasa malayo ay alam kong mapula ang kanyang labi. I sighed. Kay swerte ng boteng iyon. Matapos siyang uminom ay nakipag usap siya sa kanyang team mates. Maaaring nakakatawa ang pinag uusapan nila dahil nangingiti siya. At nang tuluyan siyang tumawa ay lalo akong nalubog sa pagkagusto sa kanya dahil lumitaw ang kanyang dimples at sumingkit lalo ang singkit na niyang mga mata.

Alam ng aking mga babaeng pinsan at kaibigan ang paghanga ko kay Brian. Lately lang naman ito nangyari. Nakita ko siyang lumaban bilang Mr. Intrams kaya simula n'on ay naging interesado na ako sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatingin sa kanya kaya naman nang luminga linga siya sa paligid ay nagtagpo ang aming mga mata.

Shit. Shit. Shit. Paano ko iiiwas ang tingin ko?

Kumurap kurap ako at umarteng may iniisip. Bago ko ilipat ang aking tingin ay nakita ko siyang ngumuso at nangingiti.

Mariin akong pumikit sa kahihiyan. I unconciouslly filled the sides of my mouth with air kaya lumobo ang aking pisngi. What have I done?!

"Hoy," sa sobrang hiya ko ay hindi ko namalayan ang pag sulpot ni Ate Rikki sa aking harapan. "What's wrong with you?" nagtaas siya ng kilay sa akin.

Umiling lamang ako sa kanya. Inabutan niya ako ng inumin at agad kong kinuha iyon at binuksan. Sana hindi ko na lang kinulit si Ate Rikki na magpunta kami rito. My purpose for coming here is to tease her sa kanyang crush but karma is here! How fast!

"Ang tagal mo kasing kumilos. And you insisted to use your bike papunta rito imbis na magpahatid tayo kay Manong Butch!" himutok ng kakarating lang na si Ziggy kay Alayna.

Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon