5 | Court You

15 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagkabalik ni Papa ay nagpaalam akong pupunta kila Alayna para tumulong sa paghahanda para sa after-party ng mga pinsan namin pag-uwi nila. He offered to take me there but I told him I can just use my bike, hindi naman magkakalayo ang mga bahay naming mga Lacsamana, nasa iba't-ibang village lang naman ang mga ito na malapit lang din sa amin.

Pagdating ko kila Alayna ay nakabukas ang kanilang gate kaya naman pumasok na ako tulak ang aking bike at ipinarada iyon sa tabi ng kanya.

"Mayumi! Nandito ka na, love!" nakangiti ako nang mag-angat ng tingin kay Tita Nancy na nasa tuktok na baitang ng hagdan patungo sa pinto ng kanilang bahay.

Natatawang umakyat ako ng hagdan para salubungin siya. She was wearing a smile that instantly reminded me of Ziggy. Kamukhang-kamukha niya talaga ang pinsan ko na 'yun. I also noticed how her hair grew longer as she went down. She always nags about how thick and long it is but never had the courge to cut it short. Iyon ang namana ni Alayna kay Tita—the shiny, thick, smooth hair. She even appeared in a shampoo commercial when we were kids!

"You came right on time, love. Naghihiwa na si Alayna ng onions, she's loving every bit of it." She sarcastically said as she wrapped one arm around me.

"Red or White?"

"I told her to dice both." We both laughed at her response. Tita Nancy may be the sweetest aunt but she can be a bit playful when it comes to her children.

When we walked into the kitchen, Alayna, who was wearing an apron and hair was up in a bun, was still dicing red onions. Nakita ko naman sa isang bowl ang diced white onions, maaaring ito ang inuna niya.

"Mom, don't you think I've diced enough onions already? What are you going to cook ba that would need two bowls of red and white onions?" tanong niya habang sumisinghot singhot. Namumula na rin ang ilong niya at nang nag-angat siya ng tingin sa amin ay namumula na ang kanyang mga mata dahil sa hapdi at mamasa masa ang mga iyon.

"Help me..." she pouted.

"That's why I'm here." I winked at her at sinuot ang apron na inabot sa akin ni Tita.

I think we were preparing a feast! Sigurado naman akong complete course ang hinain sa mga attendees ng prom lalo pa't sa function hall ng isang hotel ito ginanap pero sobrang dami pa rin ng niluluto nila Tita at hind iko alam kung gaano katagal kaming naghiwa ni Alayna ng mga ingredients na kailangan nila.

"Those retards better make sure that they do this for us kapag tayo naman ang manggagaling sa prom!" I hissed while making lumpiang shanghai.

"I'll make sure na ititreat nila tayo after this. Akala ko nagtatrabaho tayo sa catering services sa sobrang dami ng hinanda natin. And we're not even done yet!" pagmamaktol naman ni Alayna.

She suggested na magpa-cater na lamang para hindi na magulo at mapagod ang mga kasambahay pero sabi ni Tita ay mas mainam kung sila ang maghahanda ng mga pagkain para naman mas maging special ito. Ayun nga lang ay pati siya ay lupaypay na.

Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon