*Chapter 3*

161 10 15
                                    

=Kevin=

Sobrang ingay ng madla nang pumasok kami sa court. Agad kong inikot ang paningin ko at nahagilap agad ng mga mata ko si Mikaela. Napangiti ako. Buti naman at hindi siya lumabas.

Nagsimula na yung game. Kumpyansa akong mananalo kami. Sa galing ba naman ng teammates ko. Center pa lang namin na mukhang lahat ng players na babangga sa kaniya matutumba agad, sure win na. Dagdagan pa ng magaling naming point guard na si Brix na mabilis kumilos at magaling maghandle ng bola. Dinadaan lang sa ngiti ang mga nagbabantay sa kaniya.

All in all, malakas ang team namin. Start pa lang, nagpakitang gilas na agad ang point guard namin sa pagpapaikot ng bola as he tricks and plays around with the player na nagbabantay sa kaniya.

All of us moved at nasira ang depensa ng kalaban. Ipinasa ni Brix sa akin ang bola and I aimed for a three point shot. Iboblock pa sana ng kalaban ang shot ko but he's too late.

Narinig ko ang hiyawan matapos pumasok ang three point shot ko. Napangiti ako. Mabuti naman at pumasok. May konting kaba kasi akong nararamdaman ngayon.

Nanonood kasi siya.

"Aba mukhang ginaganahan tayo ngayon, ah," sabi ni Leo na forward ng team namin.

"Nanonood kasi," singit naman ni Brix.

"Ah, kaya pala."

Nagtawanan lang yung dalawa. Alam kasi nila. Actually halos lahat sa campus, alam eh. I'm showy and obvious. Siya lang naman ang hindi nakakahalata.

I looked at her na nasa bleachers. She's still calm, looking unamazed sa three-point shot ko.

I mentally slapped myself. Focus, Kevin.

Nagpatuloy ang laro hanggang sa naghalf-time. Nakaupo lang si Mikaela dun at halatang naiirita sa ingay ng mga nasa tabi niyang mga babae. Napangisi lang ako sa reaksiyon niya.

On the other hand, may isa ding grabe mag-ingay sa may kinapwepwestuhan namin. Nakasombrero yung babae at nakashades kaya di kita yung mukha niya. Sigaw siya ng sigaw.

"Go Brixiebabes! Fight fight fight!"

B-Brixiebabes? Pfft. Haha. Hanep din makabigay ng nickname ah.

Marami namang nagsisigawan at nagchachant pero yung boses na yun ang nangibabaw.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Brix. Kinawayan niya yung babae at nginitian kaya ayun, natameme ang babae.

Hay. Lakas makapagfan service ng mokong na 'to pero ang torpe torpe namin sa babaeng gusto niya.

Gusto niya si Shanna Lim, yung nag-iisang palaging kasama ni Mikaela. Ewan ko din ba sa Brix na 'to kung bakit natotorpe minsan eh. Ayan tuloy, hindi niya nabigay ang game pass na binili niya para iinvite si Shanna na manuod ng game.

Nagsimula na ang third quarter at syempre, leading kami. Kaso medyo nakahabol yung kalaban. Yun nga lang din, hindi rin kami nagpapatalo. Naging mahigpit yung labanan pero kami pa rin ang nanalo.

Bumalik na kami sa change rooms at dali-dali akong nagpalit from jersey shirt to a white tshirt. Bumalik agad ako sa gym kasi alam kong naghihintay siya dun para kunin yung pakay niya and sole reason kung bakit siya nanood ng practice game ngayon.

I saw her sitting and I approached her.

"Nakita mo ba kung gaano ka-cool ako maglaro?" bungad ko.

"Not sure. I was focusing my eyes kung nasaan yung bola," sabi niya. "Where is it?"

"Tss."

Napailing na lang ako. Sabi na nga ba, hahanapin niya agad yung game pass. Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinuha ko sa bulsa ang game pass.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon