*Chapter 9*

90 5 11
                                    

=Shanna=

Naglalakad ako sa mall para bumili ng makakain. Nagutom kasi ako at maya-maya, magkikita raw kami ng kagroupmates ko para sa gagawin naming report.

Yayayain ko sana si Mika kaso mukhang may date yun with Kevin Chan. Hehehe.

Kevin is really into my bestfriend. At botong boto ako sa kaniya para sa kaibigan ko. A guy like Kevin is exactly what Mika needs. Yung tipong makulit at hindi siya susukuan kahit pa anong sungit o manhid niya.

Gaya ko. Hindi ko talaga tinigilan sa pangungulit noon si Mika. Unang kita ko pa lang sa kaniya kasi, gusto ko na siyang maging kaibigan. Kaya ayun, di nagtagal, siguro nasanay na siya sa kakulitan ko at hindi na niya ako pinapalayo sa kaniya.

Kaya alam ko, magtatagumpay yan si Kevin Chan na mapaibig ang bestfriend ko. Teehee.

Hmmm. Sa'n kaya masarap kumain?

Napadaan ako sa Shakey's. Pumasok ako at nagpatingin-tingin ng vacant table nang may naaninag akong isang familiar figure.

Si Brix.

And wait. Isn't that Cassie? Ano nga ba yung apilyido niya? Ewan. Pero teka, ba't sila magkasama?

Kasama din nila yung parents ni Brix. Well, syempre kilala ko sila. Eh ultimate fan and stalker ako ni Brix eh.

Nakaramdam ako ng kung ano. Masaya silang nagkukuwentuhan na para bang close na si Cassie sa parents ni Brix. Pati na si Brix enjoy din sa pakikipag-usap kay Cassie.

Napaurong ako at tumalikod. Lumabas ako ng Shakey's but before ako tuluyang nakalagpas ng door, nabangga ako ng isang waiter at nahulog yung dala niyang drinks. Medyo nabasa yung damit ko.

Tch. Ang lampa-lampa ko talaga minsan.

"Sorry, kuya."

"Ah okay lang ma'am. Pasensya din po."

"B-Babayaran ko nalang po yung mga nasayang na drinks," I told the waiter.

"Wag na po ma'am. Ibabawas na lang po 'to sa sweldo ko total kasalanan ko naman po eh."

"Naku, sabihin niyo sa manager niyo babayaran ko na lang."

"Isama niyo na lang sa bill namin, kuya," said a guy from the back.

"Brix?" I uttered.

"Hindi na po kelangan, sir," sabi ni kuya waiter habang nililinis yung natapon na drinks.

"I insist," sabi ni Brix.

"Si-Sige po, sir."

Nilapitan ako ni Brix at binigyan niya ako ng panyo.

"Ipahid mo sa palda mo. Nga pala mag-isa ka lang?" he asked.

Tokwa naman. Bakit ba palaging nakakatiming itong si Brix na natatapunan ako ng something? Nung una dun sa canteen. Ngayon naman, ito.

"D-Di, wag na. Uuwi na rin naman ako eh. At oo mag-isa lang ako. Pero may imemeet ako mamaya."

Lol. Kakain ka pa di ba, Shanna? Anong pinagsasasabi mo?

Oh well, uuwi na lang talaga ako. Paano naman ako makakalakad-lakad dito sa mall eh ang basa na ng palda ko? Para akong umihi.

"Di ba dapat kakain ka muna?"

"Huh?" Tofu paano niya nalaman?

"Eh kasi di ba, kakapasok mo lang. So meaning nun, kakain ka sana dito sa Shakey's."

"Err. Oo sana. Pero uuwi na lang talaga ako. Eh di naman ako pwedeng rumampa dito sa mall sa ganitong lagay."

"You can join us. Kami lang naman ng family ko at ng---"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon