*Chapter 38*

59 5 27
                                    

=Kevin=

"Bakit ka nagseselos? Boyfriend ka ba?"

Langyang Leo 'to, kung makareal talk akala mo naman hindi kami pareho ng sitwasyon.

Nasa isang restobar kami. Nagyaya kasi nang inuman si Cap kasama ang ilan pang miyembro noon ng Blue Knights na kabatch namin. Kahit alam niyang hindi naman kami umiinom na tatlo ni Brix at Leo, niyaya niya pa rin kami.

"Lol. Sabihin mo rin iyan sa sarili mo," ani Brix. Beri good, Brix.

"Wow, purke kayo na ganyan ka na makaasta," banat naman ni Leo.

"Tumigil nga kayo. Kahit kelan awayin kayo, eh," sabi ko.

"Bakit ba kasi di mo pa sinasabi?"

"Eh ikaw nasabi mo na?" pagbabalik ko ng tanong kay Leo.

"Hindi pa nga pero kasi nasa getting to know stage pa kami."

"Waaw, getting to know stage eh kahit anak ng pinsan ng kaibigan niya, kilala mo," react naman nitong si Brix.

"Alam mo, ang exagge mo, no?" turo niya kay Brix. "Ang ibig kong sabihin, bago pa lang kami nagkaclose ni Cassie. Eh kayo, ang tagal niyo na, pre. Ang tagal mo nang sinusuyo kaya napagkakamalan na kayo na eh. Pero kasi di mo sinasabi kaya naman baka hindi rin alam ni Mikaela o baka ayaw niya lang na maging assuming siya. Kaya dapat, sabihan mo. Tingnan mo sina Brix, kung di nag-aminan, edi walang nangyari."

Alam ko naman yun. Alam kong kelangan kong magsabi sa kaniya. Kaso kapag nanggaling na mismo sa kaibigan mo parang bigla kang napapamulat eh. Yun pala talaga siguro ang kulang. Kahit sila nahalata nila.

"Bukas, sasabihin ko na."

Kumuha ako ng basong may laman na tubig kasi bigla akong kinabahan sa sinabi ko.

Eck. Pangit naman ng lasa ng tubig nila.

~~***~~

Nagkakatuwaan na sila Cap at ang iba sa pagkanta sa videoke sa restobar. Nirent kasi ito ni Cap kaya kami lang na miyembro, or previous members, ng Blue Knights ang andito. Matagal na raw kasi kaming di nagkitakita nang kumpleto.

Umuwi na si Leo kasi tinawagan ni Cassie. Kaya kami ni Brix na lang ang nandito na hindi umiinom. Napagdesisyunan kong pumunta sa counter at humingi ng kahit anong malamig na juice. Bigla kasing uminit, di ko alam. Naka-off ba ang air con nila?

Napaupo ako dun sa counter habang yung iba ay nasa gitna, busy sa pagvivideoke at yung iba sa inuman. Naroon lang din si Brix at nakikisaya pero alam kong di yun uminom.

Biglang umikot ang paningin ko at napansin kong kanina pa 'tong sakit ng ulo ko. Tapos inaantok na ako. Wala naman akong ininom na kahit ano kundi tubig lang.

Ang tagal naman ng order kong juice. Napayuko na lang muna ako sa counter dahil nahihilo na talaga ako.

=Mikaela=

Nagring yung phone ko habang busy ako sa pag-eedit ng library search paper namin. It's Kevin Chan calling so I answered it.

"Hey, Kevi–"

"Ah, Mika? Si Brix ito. Pasensiya ka na kung naistorbo kita. Natutulog ka na ba?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon