*Chapter 6*

123 8 22
                                    

=Bianca=

Habang pauwi, hindi mawala sa isip ko yung kanta kanina. Na-LSS na nga siguro ako sa kantang yun. Madali lang kasing makuha ang rhythm at tono niya lalo na dun sa may refrain na part.

Pagdating ko sa bahay, I searched Artistri sa facebook. May nakalagay na profile dun.

Drummer. Justice Lee.

Napatawa ako ng bahagya. Tunog justice league kasi yung pangalan niya.

Bassist. Tristan Montes.

Vocalist and Guitarist. Art Sanchez.

Tiningnan ko yung pictures nila. Puro mga gig nila sa mga bistro at bars. Hindi ko na inisa-isa pa yung facebook nila. Finollow ko lang yung page ng banda nila and I noticed na marami na silang followers.

Akalain mo, may sikat palang banda yung school namin. Well, siguro kaya wala akong alam sa kanila kasi sa isang tao lang naman umikot ang mundo ko eh.

Sa isang taong wala namang paki.

Actually medyo nakakarelate ako sa kanta kanina. Nakakainis nga eh. Siguro may pinaghuhugutan din yung si Art Sanchez na yun kasi mukhang galing sa puso yung pagkakakanta niya. At siya pa daw nagsulat ng lyrics nung kanta.

Kinabukasan, maaga akong nakarating sa school. Nakita ko agad ang poster ng Artistri sa bulletin board.

Kakanta pala sila sa sportsfest. Speaking of, malapit na yung sportsfest. Malapit na yung inter-high competitions.

Kaya wala akong oras para problemahin ang ibang bagay kundi ang routines namin sa cheering squad. Hindi ako pwedeng magkamali. I shouldn't be focusing on anything other than the cheer dance competiton.

Pero mahirap kasing makapagconcentrate sa practice. Kasabay kasi namin ang pag-eensayo ng basketball team so palagi kong nakikita si Kevin.

Napadaan ako sa SC office at nakita ko si Mikaela na bising-busy sa loob. Maaga rin pala siyang pumapasok. Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung ano bang wala sa akin na meron siya. Ano bang nakita ni Kevin sa kaniya?

"Hey, Bianca."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko sina Cassie at ang kaibigan niya. Teammates ko sila sa cheering squad.

"You despise the Ice President siguro no?" tanong niya.

"Ano?" Napakunot ang noo ko.

"Because she stole your precious Kevin Chan away from you."

"I won't ever despise a person for such reason."

"Ganun ba? Coz we can help you naman eh. You know, we can make sanib-puwersa para mailayo yang Mikaela Garcia na 'yan sa Kevin Chan mo."

"Bakit gusto mo silang ihiwalay?" taka kong tanong.

"Don't worry. I am not into Kevin Chan. Let's just say, I have my own reasons. Anyway, my reason is not important naman di ba? Ang importante we're on the same side, aren't we?"

Tiningnan ko lang siya habang pinoproseso kung ano ba talagang balak ng babaeng ito.

"Basta ha. You think of my proposal. Bye," she said and walked away with her friend.

May atraso ba si Mikaela kay Cassie?

Ewan ko sa kanila.

=Mikaela=

Malapit na yung sportsfest. And I'm getting busier.

"Sol, nacontact mo na ba yung operator ng sound system na gagamitin natin for next week?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon