*Chapter 60*

126 7 37
                                    

=Mikaela=

(FIVE YEARS LATER)

"Ms. Garcia, pinapatawag ka ni Mr. Austin sa office niya," sabi sa akin ni Lianna, co-teacher ko dito sa Austin  Academy.

Hay, ano na naman kayang advice ang kelangan sa akin ng mokong na 'yun?

Pumunta ako sa office ni Grey, siya na ang bagong President ng academy. Pinamana sa kaniya ang school habang si Mr. Austin naman, yung papa niya, ay masayang tumatravel na sa iba't-ibang bansa.

"Yes, Mr. President?" bati ko pagkapasok ko sa opisina niya.

"Sa'n mas maganda?" agad niyang tanong sa akin habang pinapakita ang picture ng dalawang singsing.

"Oh my gosh!" I exclaimed at napatakip ako sa bibig ko. "Magpro-propose ka na?"

"Hala! Obvious ba?" sarkastiko niyang sabi but I didn't even notice that for I was busy thinking how exciting this event is. I'm so happy for them!

"Pero bakit ako pinapapili mo?"

"Alangan namang si Maurice papiliin ko, eh di hindi na surprise yun. Hindi kasi ako makapili sa dalawa. Sa'n ba mas maganda? Dali, pumili ka na."

"Nagmamadali?"

"Limang taon kong hinintay 'to, magdadahan-dahan pa ba ako?"

"Oo na, wait lang."

Tiningnan kong mabuti ang dalawang singsing. Parehong diamond, yung isa ay gold round cut, habang yung pangalawa, silver na princess cut.

"Eto," turo ko sa silver, princess cut.

"Okay," tuwang-tuwa niyang sabi pagkatapos ay iniligpit na niya ito. "Sabi ko na nga ba ito, eh."

"Kelan mo balak magtanong sa kaniya?" excited kong tanong.

"Secret. Syempre para surprise din sa inyo. Haha."

"Tch. Sigurado akong matutuwa yun si Maurice."

"Dapat lang. Ako ba naman ang mapapangasawa niya."

My eyes squinted upon his sudden burst of arrogance. Hayst.

"Oh siya, balik muna ako sa table ko."

Kinuha ko ang phone matapos itong mag-vibrate sa bulsa ko. Nasa hallway ako papuntang faculty room.

"Rooftop lunch?" 

"Okay!" masigla kong sagot kay Kevin Chan. "Pero di ka ba busy?"

"Medyo lang. Wala masyadong pasyente."

"Okay na po ba, Sir?" rining kong sabi ng isang babae sa kabilang linya. Tumahimik bigla kaya tiningnan ko ang phone ko kung ongoing pa ba ang tawag.

"Sorry, Prez. May binibili kasi ako," patuloy niya.

"It's okay."

"Tawag ako mamaya pag papunta na ako diyan."

"Sige."

He ended the call at nagpatuloy na ako sa pagche-check ng mga exams ng mg estudyante ko. It's still 10:00 am so maya-maya pa yun dadating.

Nag-vibrate ulit ang phone ko. This time, si Shanna ang tumatawag.

"Kamustaaaa?"

"Kung maka-kamusta ka naman parang di tayo nagkita kahapon."

"Ay, wala pa pala?"

"Wala pa ang alin?"

"W-Wala! Nalilito lang ako kasi iyak ng iyak itong si Brianna. Sige na ba-bye na, tawag na lang ulit ako mamaya."

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon