*Chapter 18*

67 4 3
                                    

=Mikaela=

"Two years old pa ako nun nang iniwan niya kami," he started. "Kinailangan niya kasing sundin yung parents niya, manahin ang kompanya nila at pakasalan ang babaeng gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Mas pinili niya yun kaysa panagutan kami. Kahit ako ang una niyang anak, maituturing akong anak sa labas kasi hindi naman kasal yung mama at papa ko."

"Hindi sila kasal?"

"Oo. Pero apilyido ng papa ko ang dinala ko."

"But if they loved each other, ba't di sila nagpakasal? In that way, hindi na makakapilit ang lolo mo na ipakasal sa iba yung papa mo."

He gave me a smile, a sad one.

"Maybe he didn't love her that much. He didn't love her enough to marry her or fight for her. Kasi nga kung mahal mo, hindi mo kelanman susukuan," he said that to me, full of sincerity. "Pero sinukuan niya kami. Iniwan niya kami. Nagpakasal siya sa babaeng gusto ng lolo ko para sa kaniya at nagkaanak sila."

"Then....Then that child can be an heir, too, right?" I asked. "But for the fact that your papa wants you to go to him kahit may anak naman sila na pwedeng magmana, doesn't that actually mean na gusto niyang makipagbati sa inyo? That he wants you back in his life?" I asked pero umiling siya.

"Their child happened to be a girl. Venice ang pangalan niya and she's two years younger than me. In Chinese culture, mas maiging lalaki ang magmamana ng kompanya para hindi mabago ang apilyidong nagdadala nito. So it would still be under the Chan family. Hindi na sila nagkaanak maliban kay Venice."

"Wait, wait. Venice? Di ba yung babae sa bahay niyo na nagbabantay sa pharmacy niyo at sa Mama mo, Venice din ang pangalan?"

"Ah oo. Nagkataon nga eh. Si Ate Venice naman, pamangkin ni Mama."

What a coincidence, though.

"Kaya kinukumbinsi ako ng papa ko na pumunta dun sa New York para ako ang sumunod sa pagpapatakbo sa kompanya. Para hindi ito mapunta sa ibang apilyido. Our company and businesses are in the U.S but it's roots came from China kaya pinapahalagahan nila ang ideya ng dynasty. And because of that, mas gusto nilang ako ang magpatakbo ng kompanya."

"The world is really full of surprises," I told him. "Sino bang mag-aakalang isa ka palang heridero, Kevin Chan."

"Haha. Wala ba sa mukha?"

I shook my head in response at napatawa na naman siya.

"I still see you as the annoying clingy stalker who's always following me around," I said.

"I like that description more kaysa sa pagiging heridero."

"Bakit naman? Ayaw mo nun? Kapag namana mo na yung kompanya, you could do anything you want."

"Oo nga. Pero pwede ko rin namang magawa ang mga gusto ko kahit wala yun. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi ako pumapayag sa gusto ng papa ko is that ayokong mawalay sa mga taong importante sa akin. Including yung mama ko at si Ate Venice. Including the varsity and my friends. And including you."

I just ignored what he said and averted my eyes instead.

"Hindi ko rin naman pwedeng dalhin si Mama dun kasi magkakagulo lang since may iba nang pamilya si Papa. Ayokong maguluhan pa yung Mama ko. She's been through a lot mula nung iniwan kami ni Papa."

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon