5......

8 1 0
                                    


Ako si Heffy isang dakilang feelingera sa pgsusulat pero wala naman talaga akong alam sa pagsusulat hahahahahaha. Kasalukuyan kong pilit na dinudugtungan ang kwentong nasulat ko nung April last year kasi April na ngayon ulit eh hahahahahaha.

"Uhhh...huhuhu wala naman akong time para tumawa eh! Hindi ko na madugtungan!!!!"

Nag-anniversary nalang ang folder nato sa laptop ko hindi ko parin madugtungan....help me....

"Eh kung patayin ko nalang kaya silang lahat? Nice idea!"

Nagsimula na akong magtype ng bigla namang nagring ang akong mahiwagang selepono na hindi ko maramdamang akin siya hanggang ngayon kasi hindi naman ako masyadong marunong nian eh, sa laptop nga rin na ito eh microsoft word lang ang alam ko saka hangaroo pati na plants vs zombie. Hayy sino ba ang tumatawag na ito? Mabuti alam ko na green is for go at red is for stop hahahahaha edi shempre para masagot to dun sa green diba? Kaya nga go eh teehee...ANONG TEEHEE KA DIYAN THOUGHTS KO?! Wala kang time sa teehee na yan!!!! Si Clinton ang tumatawag mga unggoy!!!!!! Whoooo hooooo!!!!! Lalabas nanaman ako!! Ugh.

"Hello?"

"Out. Now."

Ouch. Pinapalabas nanaman ako ng bahay! Pano ba yan hindi nanaman kita matutuloy....nakatingin lang ako sa screen ng laptop at hinimas ko yun huhuhu kailan ko kaya matatapos ang kwento na to...niligpit ko na ang mga kalat ko saka nagbihis tapos lumabas na gamit ang backdoor ng bahay. Ipagpapatuloy ko nalang ang pagpapakilala ko...

"Aray nasan na ba yung sapatos ko? Ah eto!"

Twenty seven years old na ako nakatira ako sa simpleng barangay kung saan kumpleto sa package na barangay. May school, may center pero may hospital rin mga 45 minutes ang layo, may simbahan, may park, may grocery store, may maliit na resort, may bukid, may barangay hall hindi naman ata ito nawawala sa mga barangay eh..hahaha may cafe, may maraming kids and tao! Tapos.....may ampunan. Ang saya saya ng buhay ko kahit na ampon lang ako at sa ampunan lang lumaki, hindi ko idedeny na nainggit ako sa mga may tunay na pamilya at some point pero masaya parin ang buhay ko noh...sya nga pala hindi na ako nakatira doon, nandito na ako sa magandang subdivision na walang ka-buhay-buhay kahit pa mas kumpleto ang package nila dito at mukhang mas secured ka kasi may guard tapos pahirapan makapasok lalo na kung hindi ka dito nakatira. May magagarbo ngang bahay at breath taking na disenyo pati na super amazing na dami ng sasakyan pero wala naman laging tao. Hayy nagsasayang lang sila ng pera eh pero syempre labas na ako dun hindi naman ako mahilig manghimasok noh pero kung doon pa ako dati nakatira sa barangay namin hahaha masaya dun...lalo na say may hospital, ang dami ko kayang friendships dun hehehehe.

"Kumusta na nga kaya sila Manang Teresa at Manong Tondong? Nanliligaw pa kaya si Manong sakanya? Hehe..kinikilig ako sa love story nila noon eh. Hmmm..."

Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang naka hang na isang picture....hmmm....siguro nga.

At kasal na ako sa lalaking nagngangalang Clinton Pefrento na mayaman at may mga sikat na business-something ang pamilya nila mula pa nineteen kopong kopong...hindi ako nagbibiro mula pa ata sa lolo ng pinaka pinaka pinaka lolo niya mayaman na yang mga yan. At dahil alam niyo na sino ang asawa ko malamang ako si Hetty Pefrento noh? Hahahahaha sa papel oo pero sa buhay niya? Hindi.

Nagpakasal lang naman kami kasi kailangan na niyang maikasal para makuha niya ang posisyon ng CEO sa kumpanya nila. Nagkakilala kami nung college ako nasa public siya kasi gusto daw iparanas sakanya ng mga magulang niya ang hirap kumbaga parte narin ng training niya yun nun para nga maging CEO siya. So ayun naging friends kami at hanggang dun lang, walang namagitan sa aming kahit na ano eh paanong magkakatoon ng something samin eh wala nga kaming chemistry eh kumbaga walang spark. Ni minsan sa buhay ko hindi ko inakalang maikakasal ako sakanya, actually wala akong balak magpakasal dahil yung nakakainis na first love ko iniwan ako so nawalan na ako ng gana sa manmade man gusto ko na ng alien, kaya paanong naikasal kami? Wait there's more.

Time's UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon